Lumipas ang dalawang linggo at nasanay na rin ako na laging nandiyan si Kobie'ng mukhang paa para inisin ako at tawaging babe. Wala naman yata akong choice kung hindi ang pakisamahan siya, 'di ba? Pero kaunting pitik na lang at maiinis na ako rito. 'Wag na 'wag niya lang akong mayaya malapit sa bangin dahil talagang itutulak ko siya roon. Ang sarap niyang pigain kapag kaharap ko siya, tapos ang lakas-lakas pang mang-asar.
Pakiramdam ko nga ay nagiging sikat na ako rito sa academy dahil tuwing dumadaan ako, lahat ng mata ng mga estudyante ay nasa akin. That's awkward. Really. But seriously, I can't blame them. It's Kobie, who's always teasing me. Naging normal na kasi ang tingin ko sa mga estudyante rito, I mean, kaunting kibot lang ay isyu na sa kanila. Akala mo kung sinong showbiz. Daig pa ang media kung maka-usisa.
"Babe..." ah, s**t. Here we go again.
Tumingin ako sa kanya. "Ano na naman?" Nandito kami ngayon sa private room nila, kasama namin iyong mga kaibigan niya pero hindi man lang nahihiya itong kasama ko, well, wala nga palang hiya 'tong mukhang paa na ito.
"Labas tayo mamaya..." It's a statement, not a question.
"Pwede ka na namang lumabas ngayon, bakit ayaw mo pa? Ayan, ang laki-laki ng pintuan..." Sabi ko at parang tanga na tinuro ang pintuan.
"Joke iyon?" Ito na naman siya. Lagi niya na lang sinisira ang mood ko.
"Hindi ba obvious?" Nagpoker face ako para maasar siya.
"Tss." At nagtagumpay ako.
"Hi, guys!" Napatingin kami sa pinto at nakita si Blake na pumasok sa kwarto. "Ang hot sa labas pero bakit gano'n? Mas hot pa rin ako?" Sabi niya at nakahawak pa sa chin niya na parang nag-iisip.
Why is he acting like that? He's like an idiot that's trying to be a handsome one.
"Guwapo ka na niyan?" Singit ni Dice.
Tumingin sa kanya si Blake. "Oh, yeah." Seriously, para akong ewan dito na nakikinig sa mga katangahan nila.
"'Kay..." Hala? Akala ko naman kung anong sasabihin, itong mga kaibigan na ito ni Kobie, parang laging nakahithit ng kung anong rugby. May kanya-kanyang trip sa buhay, laging wala sa hulog.
"Babe." Umirap lang ako pero hindi ko siya tiningnan. Day by day, nasasanay na ako na umiirap palagi.
Once na nagkaroon ako ng lakas ng loob, tatanungin ko na talaga itong mukhang paa na 'to kung gusto niya ba ako o ano. Hindi naman siguro masama 'yon, 'di ba? E, sa ang kulit niya. Malay mo ay crush na pala ako nito at nahihiya lang umamin.
"Pandak." Kinalabit niya ako.
Bakit niya ba ako tinatawag na pandak? Akala niya naman kung sino siyang matangkad... Uh, well, matangkad naman talaga siya. Matangkad din naman ako. Kapag kasama ko iyong kinder kong pinsan.
"Uy, flat." I shake my head. Masyado siyang maingay. Alam niya bang nakakaturn off 'yon? Para sa akin. Ayoko ng mga maiingay na lalaki, iyong ang aga-aga tapos talak nang talak? Parang mga manok na naligaw.
Napatigil ako sa pag-iisip dahil sa biglang paghila niya sa akin sa bewang. He leaned forward.
Lumayo ako ng kaunti dahil sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa pero hinila niya lang ako lalo palapit sa kanya. Naramdaman ko na ang tungki ng ilong niya sa ilong ko.
Nakaupo kami kaya magkalevel lang kami. Hindi niya ako maartehan ngayon na mas matangkad siya sa akin at nahihirapan siyang kausap ako.
I don't know, pero natatakot ako sa tingin niya. He's too serious. But my scariness turned to nothing when he grinned.
"Babe," he said in a husky tone. He's seducing me. I knew it!
Hindi ko magawang tumingin sa kanya ng diretso dahil inaakit niya talaga ako. He wanted me and definitely, he would seduce me! What the hell! My mind's is completely crazy.
"A-Ano?" I heard him chuckled.
"Why are you stuttering?" Ugh! Bakit ang sexy niya magsalita?
And why the hell am I praising him? He's not sexy! Not his voice or his body.
"L-Lumayo ka." Nilayo niya ng kaunti iyong mukha niya kaya nakahinga na ako ng maluwag. Para siyang bara sa lalamunan ko. He's not good for me, so I shouldn't play his game. Like this.
Napatingin ako sa mga kaibigan ni Kobie at nakita kong nakatingin sila sa amin. What are they? An audience?
Napakagat ako sa labi ko. Oh, s**t. Hindi ko akalaing magiging ganito ang buhay ko ngayon last year ko sa senior high. It's crazy and too funny to be real. And this life? I don't want it. Hindi ko hiniling na magkaroon ng kaibigan o kung ano pang tawag sa ganito. Frenemies? I don't know.
Kinuha ko 'yung bag ko at agad akong tumayo.
"Aalis na ako. Bye." Lumabas agad ako ng private room nila pero bago ito ay narinig ko pa silang nagtawanan. Ano ba itong nangyayari sa akin? Are they playing with me? Ginagawa ba nila akong katatawanan?
Kinuyom ko ang kamao ko at umiling. Mga wala silang magawa sa buhay nila. They shouldn't be here. They're too toxic, everyone is toxic. Except me. I know my limits and I know what I am in this school.
Pagdating ko sa classroom, wala pa naman masyadong tao, lunch kasi ngayon at maaga pa naman kaya 'yung iba kong mga classmates ay nasa cafeteria pa. Iyong mga nandito ay natutulog lang, nagce-cellphone o kaya naman ay nagbabasa. Advance reading. They're the people that I like.
Nag-aaral kahit na pwede namang hindi. Tiyak na makikinabang ang bansa sa kanila, hindi katulad ng ibang mga estudyante na walang ibang ginawa kung hindi ang magselfie at ipagmayabang sa f*******: ang mga nilang pictures nilang todo filter at edit naman. The person who's reading a book is much better than a person who's always chatting his girlfriend or boyfriend.
Dumiretso ako sa upuan ko at umupo kaagad. Binuksan ko 'yung phone ko at sinalpak sa tainga ko iyong earphones. Makikinig na lang ako ng music at magbabasa ng libro.
--
"Namula si Xianne dahil sa'yo, dude! Ikaw na!" I laughed again while remembering her cute – I mean, priceless face.
"Sa guwapo ko ba namang 'to?" Sabi ko at tinuro ang sarili ko. Biglang tumayo si Blake sa upuan niya na ikinangiwi ko.
"Sorry, dude, but last time I checked, I'm the most handsome here..." He said and made some gesture. Like what the f**k? He's like an idiot!
"When did you checked? Baka last one hundred years pa iyon? Balita ko kasi ay ako na raw ang pinakaguwapo rito." Oh, lintek na iyan. Hindi rin papatalo itong si Dice. Akala mo naman kung sinong mga anak ng greek gods, mukha namang nga tubol.
Tumawa si Owen. "Baka naman fake news iyang sinasabi niyo? Kasi..." Tumayo siya at tinuro ang sarili niya. "Heto ang batayan ng tunay na guwapogi." Sabi niya at tinaas pa ang t-shirt niya. Halos mapahagalpak ako sa tawa, wala namang abs, parang si babe lang... flat.
Nagulat kaming lahat nang tumayo si Wayne. Oh, f**k. I think, I need a recorder.
"Hindi na kailangan pag-usapan iyang ganiyang mga bagay, alam naman nating lahat na ako ang pinakaguwapo rito, mga bobo." Sabi niya at dire-diretsong lumabas ng private room namin.
Napatingin kami sa isa't isa, at sabay-sabay na natawa. Parang katapusan na ng mundo.
"Nabobo pa tayo! Epal 'yong Wayne na iyon, ah!" Sigaw ni Blake at halos ihagis na iyong vase sa tabi niya.
"Gago. Ikaw lang iyon, dinadamay mo pa kami sa kabobohan mo." Tumatawang sabi ni Dice na sinabayan namin.
"Partida nag-HUMSS pa iyan, oh." Sa sobrang tawa ay nakipag-apir pa kami sa isa't-isa. Si Blake naman at parang batang nakabusangot na hindi nakasali sa laro.
"f**k you. Kapag ako naging lawyer at nakulong kayo, 'wag na 'wag niyo akong tatawagan." Tumigil ako sa pagtawa dahil sumasakit na iyong tiyan ko.
"Akala niya naman talaga magiging lawyer siya, 'no?" Bulong ni Owen pero rinig pa rin naming lahat, pati si Blake. Tinaas ni Blake iyong middle finger niya kay Owen.
"Para namang magiging engineer ka..." Nanlaki ang mata namin ni Dice at nagkasenyasan.
"Syempre naman! Tinulad mo pa ako sa'yo." Tumayo si Owen at inayos-ayos iyong collar ng uniform niya. Hinugot ko agad ang wallet ko at nilabas ang limang libo.
"Okay! Kay Blake ako." Sabi ko at uminat-inat. Pumunta ako sa likod ni Blake at minasahe ang likod nito na parang sasabak sa boxing.
Nilabas ni Dice iyong malulutong na isang libo. Magkano kaya 'yon? Pwede na sigurong pangdate namin ni Xia.
"Owen, galingan mo... pang-ice cream din natin iyong limang libo. Dapat cake sana, kaso ang kuripot maglapag ng pera ni Kobie." Rinig kong bulong ni Dice. Anak ng teteng iyan.
"Ano ba gusto mo, p*****n?" Tinulak ko si Blake at ako ang humarap kay Owen. Narinig ko pa ang pag-aray ng baklang si Blake.
Humakbang paatras si Owen at hinugot iyong ATM card niya. "Okay, okay! Kay boss Kobie tayo!" Tumawa si Dice at binatukan si Owen.
"Traydor." Humagalpak ako sa tawa at pabirong sinuntok si Owen.
"Libre mo nga muna ako, dude." Inakbayan ko pa siya. Nandiri ang gago at tinulak ako.
"Doon ka mamakla sa labas, 'wag dito bro. Wala kaming wampipti..." Pinakyuhan ko si Dice at kinuha iyong nilapag kong limang libo sa lamesa.
Kamusta na kaya iyong babe ko?
What the f**k? Bakit ko ba iniisip iyong flat na 'yon? Seriously, she's not the type of girl that I want, but this crazy heart is always beating fast when she's near!
Is that normal? Of course. Kaya lang tumitibok ng mabilis ay dahil kinakabahan ako sa kanya. Baka kasi bigla na lang akong suntukin no'n kapag inaasar ako. Mukhang may lahi pa naman siyang amazona.
"May magwo-walk out ba?" Humihikab na tanong ni Owen.
"Bakit?" I asked.
"Lalabas na ako, e."
"E 'di lumabas ka mag-isa." Sagot ni Blake.
"Gusto ko may kasama..." I made a face.
"Bakla ka ba?" Nakarinig pa ako ng mura niya.
"Magkaiba iyong extrovert sa bakla..." Pagpapaliwanag niya na iniilingan ko lang.
"Wala! Bakla ka talaga!" Pinigilan kong 'wag tumawa dahil sa mukha niyang kaunti na lang ay parang gusto na akong suntukin. We're always like this.
"Gago. Hindi mo lang kasi alam ang meaning ng extrovert." Bago pa ako makapagmura ay hinila niya na agad si Blake palabas at tinawanan ako.
Napailing na lang ako at hinagis iyong sapatos ko, pero hindi pa rin siya inabutan. Loko iyon, ha. Mamaya ka sa'kin.
Tumayo na ako at kinuha ang bag ko. Nakita ko ang pagsulyap sa akin ni Dice na hindi ko naman pinansin.
"Where the hell are you going?" I glanced at him.
"Sa babe ko," I simply said.
Ngumisi siya. "Babe ka ba?" Napahalakhak ako.
"Hindi... sa ngayon, pero sa susunod na marinig mo kaming mag-usap, babe na rin ang itatawag niya sa akin." He nodded.
"Ang lakas mangarap." Umiling ako.
"Just stating the fact, dude."
"You're in love..." He commented. I shook my head as I laughed.
"What the hell are you saying? You're crazy." Tumayo siya at lumapit sa akin. He patted my shoulder.
"You can deny it now but when the time has come, you will surely shout to the world that you're madly and deeply in love with her. Believe me, dude." Lumabas na siya at naiwan akong nakanganga rito.
Akala ko ako lang iyong baliw dito, si Dice din pala.