Nilagay niya ang passcode ng condo niya at saka ako tingnan. "Come in, babe." Sumilip ako sa loob ng condo niya. Malinis naman 'tsaka maaliwalas. Hindi naman talaga siya mukhang salahula, medyo mukhang tarantado lang talaga.
"Sige, rito na lang ako, hintayin na lang kita..." Sabi ko at ngumiti pero hinila niya ako papasok.
"'Wag ka na mahiya, babe." Wala na akong nagawa dahil nahila niya na ako papasok. Pinaupo niya ako sa couch at binuksan iyung TV, dito ko na lang tinuon ang pansin ko. First kong pumunta sa bahay ng iba, hindi kasi ako palagala na tao. Wala rin naman akong kaibigan kaya wala naman talaga akong pupuntahan o mabibisitang bahay.
"Ano gusto mong kainin?" Tanong niya kaya napatingin ako sa kanya. Bakit parang ang bait yata ni Kobie ngayon? O sa school lang talaga siya bwisit?
"Uh, kahit ano..." Hindi naman ako maselan sa pagkain. Lalo na kapag gutom. Kahit na iyong tinatawag pa nilang 'tuyo' ay kakainin ko.
"Kahit ako?" Biglang ngising banat niya.
"Kobie!" Tumawa siya.
"I'm just kidding. Ano nga kasi 'yong gusto mo? Baka mamaya, bilhin ko tapos ayaw mo naman..." Ano bang pwedeng kainin? Usually kasi ay nag-oorder lang kami sa mga restaurant kasi tamad talaga magluto si mom. May maid kami, pero dalawa lang at hindi pinagluluto ni mom 'yon. Wala naman kaming 'personal chef' tulad ng ibang mayayaman.
"Magluluto ka ba o o-order?" I asked.
"O-order syempre, konti lang naman ang oras natin para kumain... pero kung gusto mo namang ipagluto kita, pwede din. Para sa'yo, babe." Sabi niya at kinindatan pa ako. I really don't know why this guy is always winking at me.
"Hindi, okay lang. Umorder ka na lang. Bicol express ang gusto kong ulam." Tumango siya. Filipino food is great, anyway.
"Alright, ganoon na lang din 'yung akin, pero..." He trailed off. I raised an eyebrow.
"Pero?" Tumikhim ako dahil mukhang hindi ko magugustuhan ang sasabihin niya. Sa ngisi pa lang ay halata na.
"Ayaw mo talaga na ako na lang ang kainin mo?" Napapikit ako.
"KOBIE!" Babatuhin ko sana siya ng black shoes ko pero nakatakbo na siya sa pintuan habang tumatawa. Nakapoker face lang ako habang nakatingin sa kanya. Ang dami talagang alam na kalokohan nito. Ang tanda-tanda na pero kung makalandi ay parang 4th year highschool lang.
"Oo na, joke lang naman!" Napairap ako. 'Yung mukhang paa na iyon talaga! Lagi na lang nakakainis. Para bang pinanganak lang siya sa mundo para mang-inis ng tao.
Habang wala pa si mukhang paa, pinagmasdan ko muna itong condo niya. May mga pictures na kasama niya ang family niya, mayroon ding picture dito nung nasa States siya. Mukhang mayaman talaga sila. Sabagay, may condo nga siya, e. Parang gusto ko na tuloy paniwalaan na siya ang may-ari ng AA.
I wonder where his parents is. Isa lang kasi ang family picture nila rito. Iyong ibang picture ay kasama niya na iyong ibang tukmol na kaibigan niya, o kaya siya lang mag-isa sa picture. Mayroon ditong isang picture na stolen, kinuhanan yata ito sa LA. Mayroon pa ay nasa Japan yata siya nito, dahil sa mga cherry blossoms.
Nalibot niya na kaya ang buong mundo? I just wonder. Mayaman siya, e. Kami kasi kahit mayaman ay parang mahirap lang din. Hindi ako ini-spoil ni mom dahil ayaw niya raw na masanay ako. Mahirap lang din kasi si mom nung bata siya... Si dad lang talaga ako mayaman sa kanilang dalawa.
"Babe," nagulat ako nang may yumakap mula sa likod ko. Napatingin ako rito at agad na kumunot ang noo ko dahil sa lapit ng distansya niya sa akin.
"Layo." Matigas kong sabi pero nanatili lang siyang nakayap sa likod ko. Napailing na lang ako at mahinang siniko siya kaya naman napalayo siya.
Ayan, buti nga sa'yo.
"Ang brutal talaga nito..." Narinig kong sabi niya pero hindi ko pinansin .
"Nandiyan na iyong ulam?" Ngumiti siya at tumango. Pumunta kami sa may kitchen niya at inihanda iyung pagkain, pagkatapos ay pumunta kami sa sala ng condo niya, rito na lang kami kakain, bumili rin siya ng pizza para sa snacks.
Sa bahay namin, kapag wala si dad, sa living room lang din ako kumakain. Minsan naman ay sa kwarto ko dahil nanonood ako ng tv. Pero kapag wala sa mood si mom, sa dining room ako kumakain kasi tiyak na papagalitan ako no'n.
"Babe?" Tumingin ako sa kanya. "Ayie! Tumingin siya, ibig sabihin ay babe nga kita..." I rolled my eyes. Baliw, 'no?
"Ewan ko sa'yo, Kobie. Ano bang kailangan mo sa akin at ako lagi ang trip mo?" Sabi ko at sumubo ng kanin na may ulam. Hindi ko alam kung crush ba ako nito o ano. Kasi ganoon 'yon, 'di ba? Kapag lagi ka raw inaasar ng lalaki ay crush ka raw nito.
"Kasi babe nga kita..." He winked.
I shrugged. "Nakaka-engot ka kausap, 'no? Ang ayos-ayos ng tanong ko tapos iyong sagot mo parang kung saan mo lang nadekwat." Tumaas ang kilay ko nang tumawa siya.
"What did you just said? Nadekwat? What kind of word is that?" Aniya habang patuloy sa pagtawa. Nag-iwas ako ng tingin at tumingin sa mga daliri ko.
"I don't know... I've heard it somewhere..." Nahihiya kong sabi. Malay ko ba kasing hindi siya sanay sa mga ganoong salita. E, kung makapang-asar kasi, akala mo ay lumaki sa kung saan lang.
"Nako, babe. Natututo ka na ng mga salitang pangkanto, ah..."
"Sa'yo ko lang natutunan 'yon, tss..." Nagulat ako nang lumapit siya sa akin.
"Bad influence ba ako sa'yo?" Tumango ako at tinusok iyong cake na ibinigay niya sa akin. "Hindi naman, e."
I glanced at him. "Oo kaya."
"Kung bad influence ako sa'yo... samahan mo nga akong magcutting, oh."
"Mag-isa ka." Gusto pa akong isama sa kalokohan niya?
"Tingnan mo nga, hindi naman ako bad influence, e. Ang bait ko kaya..." Halos masamid ako sa sinabi niya.
"Engot." I said after drinking the water.
"Maka-engot naman 'to, akala mo alam iyong sagot sa assignment natin sa precalculus..." Tumawa ako.
"Alam ko naman talaga."
"Ang yabang mo." He said, pouting. Napailing ako sa isip ko. Madali lang naman iyong assignment namin, ah?
"Mukhang paa ka naman," he scoffed.
"Seriously, why are you calling me mukhang paa?"
"Tingin ka sa salamin para malaman mo iyong sagot." Nginitian ko pa siya nang malaki. Noong samaan niya ako ng tingin ay natawa na lang ako at nagpatuloy na sa pagkain.
Nang matapos akong kumain, pinapahinga niya lang ako saglit tapos ay lumabas na kami sa unit niya. Gusto ko pa sanang hugasan iyong pinagkainan namin kaso ayaw niya naman. Siguro ay siya na ang gagawa noon. Kaya niya kaya? Para kasing spoil siya masyado.
Pagpasok namin sa loob ng room, syempre ay kanya-kanyang tinginan at bulungan na naman, kaya ayokong sumasama sa mga famous dito sa Adams Academy, e. Big deal kasi agad. Akala mo naman kung sinong mga artista, mukhang bungol naman.
Seriously, why am I using these words?
Pagkadating ni Prof, nagdiscuss lang siya at pinaglecture kami. I kinda disappointed because I don't want to write. And we shouldn't write. Pwede naman kasing photocopy na lang ng mga lectures, 'di ba? Ang yaman-yaman ng school na 'to, ang laki-laki ng binabayad namin na tuition pero pinagsusulat pa rin kami. Can't they provide a photocopy for each student?
But anyway, sariling opinyon ko lang naman iyan. No hard feelings. And hello? Hindi lang naman siguro ako ang ayaw magsulat, 'di ba?
Syempre, may recitation din at makalaglag panga na naman ang mga pinakitang katalinuhan ni Kobie'ng mukhang paa. Hindi ko alam kung saan niya nahuhugot iyong mga sinasagot niya kay Prof, but one thing is for sure... Hindi ko in-expect na matalino siya.
"Class dismissed." Sinakbit ko na agad sa balikat ko 'yung backpack ko at lumabas na ng classroom pero hinila niya na naman ako. At sa collar ko pa talaga! The hell. Alam niya bang mahirap magplantsa?
"Ano naman ba?" Nagpatuloy lang siya sa paghila sa'kin at hindi man lang ako nilingon. Pero ngayon naman ay nasa braso na ang hawak niya kaya okay lang sa akin.
"Ihahatid na kita sa inyo." I can't see his reaction, but I guess, he's serious.
"Ha? 'Wag na, kaya ko na..." Pero parang hindi rin niya naman narinig dahil dire-diretso lang kami sa parking lot at papuntang kotse niya.
Binuksan niya ang pinto ng passenger seat at sinulyapan ako.
"Pasok na..." Tumango na lang ako.
Tinext ko si manong na 'wag na akong sunduin dahil si Kobie na ang maghahatid sa'kin sa bahay namin.
Tinanong pa nga ako ni manong kung sinong Kobie, sabi ko ay 'yung kaibigan ko, na kahit 0.000000001% lang 'yung chance na maging kaibigan ko 'tong mukhang paa na 'to.
"Manghang-mangha ka yata lagi sa'kin babe kapag nagkaklase tayo?" Hindi ko siya tiningnan at tinuon lang ang tingin ko sa labas ng kotse niya.
"I didn't expect that you have a brain like that." I heard him chuckled. I don't know why he do that. What I told him is an insult.
"Syempre, ako pa ba? At saka, 'di ako papatalo sa'yo, babe." Tumingin ako sa kanya at ngumiti.
"So, kakompetensya na pala kita?" He smirked.
"Magkakompetensya naman talaga tayo simula pa lang, 'di ba, babe?"
I laughed. "Sabagay."
"We're here..." Tiningnan niya ako.
Ngumiti ako at binuksan na 'yung pinto ng kotse niya.
"Bye," Tumalikod na ako at kumaway pero hinawakan niya iyung bewang ko at iniharap ulit sa kanya.
My heart is beating so fast like an idiot.
"Magkakompetensya tayo pero 'wag mong kakalimutan na kaibigan mo ako... kapag kailangan mo ako." Sabi niya at hinalikan ako sa noo.
A sweet gesture from him.
"Bye, babe." Tumingin ako sa mata niya.
"Bye din, Kobie." Bumaba na ako ng kotse niya at tumakbo papasok sa bahay namin.
--
Napangiti ako habang pinagmamasdan siya papasok sa bahay nila. Pinaandar ko na ulit 'yung kotse ko at bumalik na sa school.
Pumunta ako sa sariling room namin dito ng mga kaibigan ko. Sa tambayan namin, na nagiging gawaan na ng assignment.
"Yow, pareng Kobie." Tumingin ako kay Blake.
"Yow!" Nakipag-apir pa ako sa kanya.
"Saan ka galing? Kanina pa kami rito." I looked at Dice and tilted my head. He's really a short-tempered guy.
"May hinatid lang." Tipid kong sagot.
"Sino?" Kumunot ang noo ko nang magsalita si Wayne. Umupo ako sa tabi niya at tinaas ang paa ko.
"Si Xia, tama?" Mas kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Owen.
Bakit parang interesado lahat yata sila sa buhay ko? Pagti-trip-an na naman siguro ako ng mga gagong 'to.
'Tsaka paano niya nalaman na si Xianne 'yung hinatid ko?
"Halata naman," sabi niya na parang nababasa iyong iniisip ko.
"Si Xia ba 'yung babaeng pinagtitripan mo?" Tanong ni Blake na tinanguan ko.
"Yeah, why?" I saw how he smirked.
"Ang ganda nung nerd na 'yon, 'no?" Singit ni Blake at tinanguan ni Owen.
Nakisali rin ako sa pagtango nila. May itsura naman talaga. Hindi nga lang papasa sa standards ko.
Kinulang sa dibdib, e.
"Hindi malayong hindi mo siya magustuhan." Biglang sabi ni Dice na ikinatawa ko.
"What the f**k?" Malutong na mura ko at mas tumawa. Nakitawa rin sila. Damn. Mga baliw talaga 'tong mga bangag na 'to.
"Don't worry dude, hindi namin ipagkakalat... Atin-atin lang 'to." Owen said, grinning.
Nailing na lang ako sa mga pinagsasabi nila.
"Seriously, hindi ko talaga type 'yung nerd na iyon." Tumigil ako sa pagtawa. "Alam niyo naman mga type natin, 'di ba?"
"Syempre, iyong maganda!" Komento ni Owen. Napatango kami.
"Beautiful inside and outside dapat, tss..." Sabi ni Wayne na tinanguan namin.
"Tama, tama. Ikaw talaga, Owen, puro ka kalokohan, e!" Binatukan ko siya pero pinakyuhan niya lang ako.
"Saglit nga lang... may nakakalimutan tayo..." Tumingin kami kay Blake.
"Ano?" Tanong ko.
"'Di ba dapat ay malaki ang dibdib?" Napatayo kami.
"Ayon! Nadali mo!" Sabay naming sabi ni Owen at nakipag-apir pa sa isa't-isa. Sabay-sabay pa kaming natawa sa kalokohan namin.
"Mga gago..." Rinig naming bulong ni Wayne pero tinawanan lang namin. Palibhasa kasi ay flat 'yung crush niya.
Buti na lang talaga ay trip ko lang si Xia. Pero mag-iingat na rin ako. Mahirap na at baka biglaan pa akong mahulog.