Kinabukasan ay maaga akong nagising sa hindi malamang kadahilanan. Hindi na naman ako nagdalawang-isip at tumayo na agad para maligo at makapag-ayos ng sarili.
"Thanks, manong." Sabi ko pagkababa ko sa sasakyan namin. Tulad ng dati ay dito lang din ako nagpababa malapit sa gate.
"Walang anuman po." Magalang na sabi nito at nginitian ako.
"'Wag ka na pong magpo..." Bahagya akong ngumiti. Tumango naman si manong at nagpaalam na sa akin para umalis na.
Nakayuko lang ako habang naglalakad sa hallway at pinagmamasdan ang mga estudyante na nasa gilid-gilid o kaya naman ay 'yung mga nakakasalubong ko. Nginingitian ako ng iba, pero 'yung iba naman ay tataasan ako ng kilay o kaya ay iirapan ako. Napapailing na lang ako sa isip ko.
Wala na talagang mga modo ang mga estudyante ngayon. Hindi naman lahat, karamihan lang.
Pagdating ko sa classroom namin ay sumilip muna ako sa bintana bago tuluyang pumasok sa loob. Masama ang tingin sa akin ng iba. Mukhang hindi pa sila nakakamove on doon sa nangyari, 'yung tinawag kong mukhang paa si Kobie.
Fan ba sila noon? Akala mo naman kung sinong matalino. Engot naman.
Umupo ako sa pinakadulo ng sitting arrangements. Sa classroom kasi namin, may discrimination. Kahit naman yata sa ibang classroom. Kapag famous ka, e 'di sa harap ka at sumipsip sa mga professors. Nahiya pa nga sila at hindi pa ginawang "Famous' Academy" ang pangalan ng school na ito.
Kinuha ko 'yung phone ko at isinaksak ang earphones sa tainga ko, magpapatugtog na lang ako ng music. Stress reliever ko talaga ng music. I'm not that music lover pero nakakarelax kasi talaga kapag nakikinig ako ng music, lalo na kapag pop. I love pop musics.
Binuksan ko rin ang bag ko at kinuha 'yung libro ko sa precalculus, baka may bago akong matuklasan o mapag-aralan. Magre-research din ako ng ilang lessons about dito dahil may hindi ako masyadong magets dito sa book. Medyo kulang at malabo 'yung explanation. Ita-try ko rin naman mamaya maghanap ng ibang book sa library, baka may mahanap naman ako.
Napahinto ako saglit sa pagbabasa at napatingin doon sa kumalabog. I shake my head and let out a deep breath. Such a bastard. Umayos na lang ako sa pagkakaupo at tamad na binasa ang libro.
Naramdaman kong may umupo sa tabi ko pero hindi na ako nag-abalang tingnan iyon. Kailangan ko 'tong makabisado, para mamaya ay madali na ang sumagot sa mga recitation o tanong ni Prof about dito. Tingin ko nga ay kailangan ko ring mag-aral pa about sa physics. Mukhang kulang pa 'yung nalalaman ko roon, e.
Kumunot ang noo ko nang makarinig ng mga usapan. Ang lakas naman ng mga boses nila? Nakaearphones na ako't lahat, nakatodo na 'yung volume nito, sagad cerebellum na, tapos naririnig ko pa rin 'yung mga boses nila? Pwede na silang panlaban sa daldalan, ah.
Binaba ko sa desk 'yung libro at huminga ng malalim. Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa mukha ko at inisip ang mga pwede kong gawin mamaya, o kaya naman ay mga pwede kong aralin.
Nakakatamad ang buhay, 'di ba? Iyong tipong araw-araw ay iisipin mo kung bakit ka gigising at anong gagawin mo sa araw na ito... But of course, we are living because of God. What I mean is nakakabored ang araw-araw. Kung pwede lang na 'wag ng mag-aral at matulog na lang ng 24 hours.
"Good morning, babe." My eyes widened. What the? Bakit hindi ko man lang napansin na hindi na nakalagay 'yung isang earphone sa tainga ko? Tinanggal niya ba?
"Anong ginagawa mo rito?" Hindi ko alam kung naiinis o nagulat ba 'yung boses ko.
"Ako ang may-ari ng school na 'to." He said in a duh tone.
"I mean, magkaklase tayo?" Hindi ko maitago ang panglalait sa boses ko. He grinned.
"Yup. So, I think, may inspiration ka na?" I raised an eyebrow. Sobrang taas talaga ng self-confidence niya, 'no?
"Alam mo bang STEM 'tong pinasukan mong klase?" He nodded.
"Of course, babe..." magaling ba sa math 'tong lalaking ito? Inirapan ko na lang siya at inalis ko na 'yung earphones ko. Tinago ko na ang cellphone ko pati 'yung book, nandiyan na kasi iyung professor namin.
Nang magsimula na si Prof na magturo at magtanong ng previous lesson namin noong Grade 11, hindi ko maiwasang matulala at magulat. Hindi tuloy ako makapagfocus sa mga tinatanong ni Prof dahil na kay Kobie lang ang buong atensyon ko.
He is so freaking genius!
At ito pa, marami na siyang alam sa precalculus. I don't know kung marami na rin siyang alam sa ibang subjects pero napapanganga na lang ako tuwing sasagot siya. Ganoon din naman ang iba kong kaklase.
Parang naapakan bigla 'yung ego ko.
Napailing ako at inalis iyon sa isip ko. Syempre ay mas matalino pa rin naman ako kay Kobie! Bakit ko ba siya iniintindi at bakit ba ako sa kanya humahanga? Dapat ay magfocus ako sa sarili ko at makipagsabayan sa kanya.
Nang nahuli niya akong nakatingin sa kanya habang may pinapaliwanag siya kay Prof ay kinindatan niya pa ako.
Seriously, parang naaapakan na 'yung pride ko rito!
Nagulat na lang ako nang may pumitik sa noo ko kaya napa-ouch ako.
"Masyado ka yatang namangha sa akin, babe..." I rolled my eyes at him.
"Hindi, 'no." He chuckled. Is that funny? Hindi ko talaga gets ang lalaking 'to, e.
"Ayaw pang aminin..." Sabi niya tila nang-aasar.
"Hindi nga kasi." Medyo naiirita na ako rito. He nodded.
"Okay, let's go." Nagulat ako nang hilahin niya ako.
"Huy, ano ba! Iyong bag ko!" Sabi ko habang hila-hila niya ako sa corridor. Bakit ba ang hilig manghila ng isang 'to? At ano ba talagang mayroon sa akin at trip na trip ako nito?
"Don't worry, pinakuha ko na iyon kay Blake."
"E, nasaan si Blake?" Nalilito kong sabi.
"'Wag mo nang intindihin iyon, basta ngayon, sumama ka sa akin." Nanliit 'yung mata ko sa kanya.
"Bakit naman ako sasama sa mukhang paa na katulad mo? Humila ka na lang kaya ng iba at 'wag ako?" He leaned forward to me.
"We will have a date, babe." I mentally rolled my eyes.
"Magdate ka mag-isa mo!" Hinatak ko iyung kamay ko at tumalikod na pero nagsalita ulit siya.
"Okay, kung ayaw mo, ipagkakalat ko na lang sa buong academy at social media na ang isang Xianne Charishe D. Valdez na valedictorian noon ay hinalikan–" tumingkayad ako at tinakpan ko agad 'yung bibig niya.
"Binablackmail mo ba ako?" Inis na tanong ko sa kanya.
He grinned. "Well, it depends on what you think." I glared at him. "Sasama ka ba sa akin o hindi?" It looks like I don't have any choice but to go with him.
"Fine. I'll go with you." He smirked.
"Good, babe." I took a deep breath. Konting salita pa nitong Kobie na ito, ubos na talaga ang pasensya ko.
Sumakay kami sa kotse niya at pinagbuksan niya pa ako ng pintuan. Gusto ko sanang matuwa dahil ang gentleman ng gesture na iyon, pero dahil si Kobie ang gumawa, nawawala ang ganoong mindset ko.
"Where are we going?" Inistart niya na iyung kotse at nagsimula na siyang magdrive.
"Somewhere, babe." I rolled my eyes.
"Don't call me babe."
"Ayoko nga, babe." Sinamaan ko siya ng tingin.
"'Wag mo sabi akong tawagin na babe, e!" He grinned.
"Babe," what the?
"Kobie!" Banta ko.
"Babe?" He's enjoying this!
"Sige, isa pa't susuntukin na kita." Banta ko ulit. He laughed as if there's something funny.
"Oh? Abot mo ba ako, pandak?" Sinamaan ko siya ng tingin at lumapit sa kanya ng konti para paluin sa braso.
"Ewan ko sa'yo, mukhang paa!"
"Nerd!"
"Pangit!"
"Kiss stealer!"
"Mukha– anong kiss stealer?" Inis akong tumingin sa kanya pero nasa daan lang iyung tingin niya.
"Totoo naman 'di ba, babe?" He said and grinned.
Feeling ko namula ako dahil doon. "Hindi, 'no! Anong sinasabi mo diyan?" He chuckled.
"Okay lang iyan, babe. Kung may gusto ka na sa'kin, okay lang iyan." Sabi niya na tumatango-tango pa. Bwisit talaga 'tong mukhang paa na 'to!
"Ewan ko sa'yo! Letse kang mukhang paa ka!"
"Pandak ka naman." Sabi niya at tumawa.
"Hindi ako pandak, 'no! Sadyang matangkad ka lang!" Tumawa ulit siya. "Anong nakakatawa roon?"
"Hindi ka lang pala pandak, flat ka pa." Sabi niya at tumawa habang nakatingin sa dibdib ko, agad ko iyung tinakpan ng dalawang kamay ko. "Wala namang makikita, ba't mo pa tatakpan?" He said grinning.
He's p*****t!
I rolled my eyes. "Diyan ka na lang nga sa daan tumingin! Kapag tayo... nasagasaan dito..."
"Don't worry, hindi tayo masasagasaan. 'Tsaka 'wag mo na iyang takpan, wala namang umbok, e."
"Kobie!" Tumawa siya at tumingin na sa daan.
"Okay, I'll stop. Pero flat ka talaga..." He said as he laughed.
"Hindi ako flat!" Bahagya akong tumingin sa dibdib ko. Letseng Kobie 'to, may umbok naman kahit papaano, ha?
"Oh?" Nakangisi siya.
"Hindi nga sabi!" Tumingin ulit siya sa akin.
"Patingin nga?"
Lumapit ako sa kanya at pinalo siya sa braso nang malakas.
"p*****t!" Humagalpak siya ng tawa.
"Bilis, patingin ako. Titingnan ko kung hindi ka nga flat." Halos gusto ko ng lumubog sa kinauupuan ko dahil sa mga sinasabi niya.
"Umayos ka, Kobie!" Tumawa siya.
"Fine..."
Ilang minuto pa at nagpark na siya. Nasa isa kaming condominium building.
"What are we doing here?" I asked him confusingly.
"Sa condo ko tayo." Sabi niya at naglakad na pauna sa akin kaya tumakbo ako ng konti para maabutan ko siya, ang laki kasi ng mga hakbang, e.
"Anong gagawin natin doon? Uuwi na pala ako sa academy. Sige na, bye!" Tumalikod ako pero hinila niya 'yung collar ng uniform ko kaya dahan-dahan akong napaatras.
"Don't worry, wala akong gagawin sa'yo." He whispered to me in a husky tone.
Napalunok ako. "W-Weh?"
"Trust me. We will just going to eat lunch, babe." Humarap ako sa kanya. Tumatayo ang balahibo ko sa bulong niya. Ang lapit kasi ng labi niya sa balat ko.
"Sige na nga..." Napipilitang sabi ko.