Nakarating kami sa isang playground. Yup, isang playground. I don't know what we're doing here. Gusto niya yatang maglaro muna, may pagka-isip bata pala ang isang 'to. Or isip bata talaga siya? Parang nalito pa ako roon ha? E, isip bata naman talaga siya.
Sinulyapan ko siya at nakitang pumunta siya roon sa may isang swing at umupo. Kung hindi siya pumunta rito para maglaro, magse-senti yata siya. At sinama pa talaga niya ako rito, anong gusto niya? Na makita ko ang kadramahan niya?
Tiningnan ko naman ang ibang bata rito. Hindi na ganoon karami ang naglalaro, medyo hapon na rin kasi. 'Yung iba ay tinatawag na ng mga magulang nila para umuwi na, 'yung iba naman ay patuloy lang sa paglalaro na parang may sariling buhay.
To be honest, I missed this. This life. Everything about my childhood life... Hindi ko masasabing marami akong naranasan na kalokohan noon, tulad ng ibang bata, pero naging masaya naman ako. Wala nga lang talaga akong naging kaibigan. But anyway, I don't need them naman, okay na ako na ako lang mag-isa.
Wala naman kasing talagang taong kayang magtagal sa mga buhay natin. May iilang magsasabi– o nangangako pa na hanggang huli raw ay nandiyan sila, pero ano? Umalis din kasi pagod na raw sila.
Nang napansin ko na nakatitig sa akin ang isang batang lalaki ay nginitian ko ito. Kaso bigla ba namang tumakbo palayo? Pesteng bata iyon ah. Minsan na nga lang ako ngumiti tapos tinakbuhan pa ako? Narinig kong tumawa si Kobie kaya napatingin ako sa kanya. Mukhang nakita niya rin yata na binalewala lang ako nung bata.
Lumapit ako roon sa katabing swing at umupo. Tumigil na siya sa pagtawa pero may konting ngiti pa rin sa labi.
"What are we doing here?" I asked him but my eyes are on the children whose playing.
"I just want to go here..." Seryoso niyang sabi, ramdam ko ang pagtingin niya pero hindi ko binigyang-pansin.
"Why?" I want to face him to know his reaction but I just can't. It's like that if I will face him, the situation will be awkward.
"When I am sad, depress or broken, I just go here... Dito ko lang nailalabas lahat ng sama ng loob ko..." I wonder why he is going here? I mean, special ba ang playground na 'to sa kanya?
"Malungkot ka ba ngayon?" I don't want to ask him but my mind is so crazy to ask him. I look at him, so that, I can see his reaction very well.
"Hindi. Masaya nga ako ngayon kasi nakilala kita. Gusto ko lang ipakita sa'yo itong lugar na nakakita sa lahat ng kalungkutan ko," He's so dramatic huh? I am not used to any drama, anyway.
"Bakit mo naman gusto ipakita sa akin? Para mahawa ako sa sadness mo, ganoon?" He chuckled as he looked up to the sky.
"Nope. Like what I've said, I just want to go here..." Nang humangin ng malakas ay napapikit na lang ako. Air in this place is so refreshing. I want to stay here forever. I like the places that the air is so good.
Idinilat ko ang mata ko at nakita si Kobie sa harap ko. He's smiling like an idiot. He's enjoying the view which is me, I guess. Hindi ako nag-aassume, I just guess it.
Inayos niya 'yung buhok ko at inipit sa tainga ko dahilan kung bakit medyo bumilis ang t***k ng puso ko. He's intently looking at me. I don't know how to react but one thing is sure, my face is definitely red.
Pero bumalik din naman siya agad doon sa isang swing. Tahimik lang kami at hindi rin naman siya nagsasalita kaya minabuti ko na lang na 'wag nang magsalita. Unti-unti na ring dumidilim ang kalangitan at nagsisi-alisan na ang mga bata. They're all smiling, I think, they are thinking that this is one of the best day that they have.
"Nagkaboyfriend ka na ba?" Tanong niya bigla kaya napatingin ako sa kanya.
"Uhm... hindi pa e, hindi ko pa iyan iniisip 'tsaka hindi ko naman noon kailangan, pabigat lang iyun." I said and smiled. Tumango siya.
"How do you say?" May ngiti sa labi niya.
"Hindi naman lahat ng tao ay kailangan ng kasama sa buhay. Minsan kasi, 'yung mga akala mong nagpapasaya sa'yo ay 'yung mga tao palang dahilan ng pagbagsak mo..." I said.
"You already experience it. Don't you?" Ngumiti ako katulad ng pagngiti niya sa akin. Is he happy that I have no friends?
"You're wrong. Hindi ko pa na-eexperience iyan."
"Paano kapag dumating ka na sa ganoong punto?" I shook my head as I sighed.
"Hindi ko naman hahayaang mangyari iyon sa akin o gawin niya 'yon sa akin."
"You sure?" I stared at him.
"Why are you asking me? And why are we talking about this topic, huh?"
Nagkibit-balikat siya at bahagyang tumawa. "You're the one who open up this topic." Tumawa rin ako.
"Crazy..."
"For you?" I glared at him. He laughed. "I'm just kidding, you're so serious as hell." I just shake my head.
Hindi na rin siya nagsalita pagkatapos kaya namayani na naman ang katahimikan. I just acted like we don't know each other. I feel sometimes that he's glancing at me but i just ignore it.
Nagkatinginan na lang kami nang nakarinig ako ng bell. Sabay pa kami nag-iwas ng tingin ni Kobie at tumingin doon sa pinanggalingan ng tunog. That's an ice cream vendor.
"Gusto mo?" Tumingin ako kay Kobie. Is he going to treat me?
"Oo," libre naman yata, e.
"Sumabog mukha mo?" Napairap agad ako sa sinabi niya. Abnormal talaga 'to e, 'yung seryosong-seryoso ka tapos biglang babanat ng kalokohan.
"Ewan ko sa'yo." Tumawa siya.
"Joke lang. Anong gusto mong flavor?" Napatingin ulit ako sa kanya. I'm hoping that this time, this is not a joke.
"Chocolate." Tumango siya at inilahad iyung kamay niya sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Ano iyan?"
"Syempre kamay," he said in a duh tone.
"Seryoso ako, Kobie." Tumawa ulit siya. He is making fun of me, huh?
"Pambayad?" What the?
"I thought it was your treat? 'Tsaka wala akong dalang pera. Hinila mo kasi agad ako, e..." He smirked.
"E 'di ako lang pala ang makakabili?" Ngumuso ako. Gusto ko rin ngayon ng ice cream, lalo na kapag chocolate. Ano ba iyan! Nakalimutan ko kasi iyong wallet ko, e.
"Pautang muna ako! Sige na, babayaran ko na lang... Dodoblehin ko pa iyong bayad." Lalong lumaki 'yung ngisi niya. Parang may kapilyuhan na naiisip na naman 'tong mukhang paa na ito.
"Bibilhan kita pero may kapalit, at hindi pera..." Kumunot 'yung noo ko.
"Ano?" Lumapit siya sa akin kaya napaatras ako pero hinawakan niya ako sa bewang ko at hinila palapit sa kanya. Napalunok ako sa ginawa niya. I'm not comfortable at this, I swear!
"Mamaya ko na sasabihin, babe." He whispered and winked at me. Pumunta na siya roon sa nagtitinda ng ice cream. Akala ko pa naman ay nakalimutan niya na akong tawagin na babe.
Ano kaya 'yung kapalit na sinasabi niya? Iyong mukhang paa talaga na iyon, pasuspence pa. Ayaw pang sabihin kung anong kapalit.
Maya-maya, bumalik na siya at ibinigay niya sa akin iyung chocolate ice cream na ang laki ng cone. Parang ngayon lang ulit ako makakatikim ng ice cream. Didilaan ko na sana nang ilayo sa akin ni Kobie iyung ice cream. Tiningnan ko siya ng masama dahil muntik ko nang mabitawan 'yung cone.
"Ano na naman?" Inis na tanong ko sa kanya. Tumaas iyung kilay niya.
"May nakakalimutan ka."
"Ano? Magthank you? E 'di thank you." I smile wider so that he can truly feel that I am sincere.
"You're welcome pero hindi iyun, 'yung kapalit ang tinutukoy ko." I nodded as I licked the ice cream.
"Ano bang kapalit? Para maibigay ko na agad sa'yo." Dahan-dahan siyang ngumisi kaya halos kumunot din ang noo ko.
"Kiss me." He seriously said.
My jaw literally drop.
"Ano? What kind of payment is that?" Gulat na tanong ko sa kanya.
"Kiss me, babe." He said, grinning.
"Abnormal ka ba? Bahala ka mag-isa diyan! Hindi kita hahalikan, 'no. Kahit pa ikaw na lang ang nag-iisang lalaki sa mundo!" I want to vomit! What the hell.
Natulala siya sa akin. "Ang OA mo..." He said and raised his eyebrow. "Lumalapit na sa'yo 'yung biyaya, inaayawan mo pa..."
"What? Are you funny? What kind of blessing is that?"
"Tss. I am just joking, anyway. Hindi ko alam na ganoon pala iyong magiging reaction mo." He laughed sarcastically.
"Uh–"
"Stop. I don't want to hear it. Let's go, ihahatid na kita." Tinagilid ko 'yung ulo ko sa kanya.
Is he offended?
"Okay... babayaran ko na lang itong ice cream pagdating sa bahay." Naglakad na siya papuntang kotse niya kaya sumunod na lang ako sa kanya.
"No need, iyo na iyan." Nanibago ako bigla sa lamig ng boses niya sa akin.
"Sure ka?" Tumango lang siya. "May problema ba?" Tumakbo ako ng konti para maabutan ko siya.
"None."
"Okay," unti-unti akong tumango. Ang weird ha? Bigla siyang naging cold. If he's offended, he should say it to me para alam ko na dapat pala akong magsorry.
Though, I know, that it's my fault.
"Uh, bye... Thank you for the ride..." I said like I am a cockroach 'cause my voice is so small.
"Alright..." Lumabas na ako ng kotse niya.
Pero hindi ko pa rin sinarado 'yung pinto.
"May kailangan ka pa?" Malamig niyang tanong. Tumingin ako sa kanya at ngumiti.
Lumapit ako sa inuupuan niya at mabilis siyang hinalikan sa pisngi.
"Nakalimutan ko lang gawin iyon. Bye again, Kobie." Kumaway na ako at tumakbo papasok sa bahay namin.
I shouted many curse like what the hell? Para akong fourteen years old na kilig na kilig sa sarili kong kalandian.