"Babe," pinikit ko nang madiin ang mata ko. Ano bang meron sa akin at trip na trip ako ng isang 'to? Gustong-gusto ko na siyang sipain palabas ng solar system! Kainis talaga siya, wala ba siyang alam gawin? At saka bakit niya ba pinagpipilitan na siya ang may-ari ng academy na ito?
"Ano na naman ba? Lubayan mo nga ako! Nabibwisit na ako sa'yo!" Kinuha ko agad iyung calculus na libro at sinuli iyon sa may shelf, pagkatapos ay mabilis akong lumabas ng library. Hindi na ako nakapagpaalam sa librarian tulad ng dati kong ginagawa. Pampagood shot, ganoon.
"Babe, hintay naman..." Nakita ko nga rin ang pagbabago nung mukha ng librarian nang makita si Kobie na nakasunod sa akin. Gad! Don't tell me na takot sa kanya 'yung librarian na iyon?
Tumigil ako sa paglalakad at humarap ako sa kanya. "Ikaw, Kobie'ng mukhang paa, tigil-tigilan mo ako kung ayaw mong suntukin kita..." Banta ko sa kanya, pero imbis na matakot ay tumawa lang ang kumag. What the hell is funny? Ano bang meron at tuwing magsasalita ako ay tawa siya nang tawa? Nakakatawa ba ang mukha ko?
"Suntukin? E hindi mo nga abot ang mukha ko, tapos sasabihin mo sa akin iyan?" Nagulat ako nang hawakan niya ang braso ko at hilahin palapit sa kanya. Nanlaki ang mata ko nang maramdaman 'yung malamig na hininga niya sa tainga ko. "Palaki ka muna..." Sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko sa ginawa niya ay naitulak ko siya. Umatras lang naman siya ng konti. He tilted his head and smirked at me. Umatras din ako ng isang hakbang.
"Ang bastos mo!" I accused him. Tumuwid siya sa pagkakatayo at kumunot ang noo.
"Ang bastos, nakahubad 'di ba?" Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko. Bakit ba ang dami niyang alam na pangbara?
"'Wag ka na ulit lalapit sa akin." Madiin kong sabi at pinasadahan siya ng matalim na tingin.
"Why, babe? Hindi mo na ba ako mahal?" Napapikit ako at inis siyang tiningnan nang dumilat ako.
"'Wag ka ngang ano! Hindi naman talaga kita mahal." Sabi ko na agad ko rin namang pinagsisihan dahil napatingin sa amin 'yung ibang mga estudyante at nagsimulang magbulungan. Nakita ko ang pagngisi ni Kobie pero nang tumingin ito sa akin ay seryoso na ulit ang mukha niya.
"Babe...you hurt my feelings..." Hawak pa nito ang puso niya. Mas lalo lang tuloy nagbulungan 'yung mga tao sa sinabi niya. At dahil hindi naman ako mahilig sa mga ganitong scene ay tumalikod na ako at iniwan siya roon.
Narinig ko pa ang paghalakhak niya pero hindi ko na nilingon. Alam ko namang inaasar niya lang ako! Bwisit siya. Kumuha pa talaga ng audience para lang may ibang makakita ng pagkaasar ko. At dahil doon, machichismis pa ako. Hindi naman ganoon karami ang nakakita sa amin pero alam mo naman ang chismis, parang virus kung kumalat.
Nang mag-alas kwatro na ay kinuha ko na agad ang bag ko. Puwede na namang umuwi. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang ilang mga matatalim na tingin. Tingin ko ay nalaman na nila ang nangyari kanina. Hindi ko na lang binigyang pansin at lumabas na ng classroom. Naglakad na agad ako patungong gate dahil doon naman lagi nag-aantay si Manong sa akin. Though, mas malapit ang parking lot dito sa classroom namin.
"Oh, s**t!" Nagulat ako nang may humatak sa akin. Tiningnan ko kung sino iyon at nakita si Kobie. "Ano na namang kailangan mo?" He grinned as he saw my reaction.
"Samahan mo ako, babe..." I rolled my eyes at him. Nasanay na talaga siya sa pagtawag ng babe sa akin, ha?
"Uuwi na ako, 'tsaka ayaw kong sumama sa'yo. Mamaya niyan ay kung saan mo pa ako dalhin..." Hinawakan niya ako sa kamay at hinila bigla papuntang parking lot at sapilitang ipinasok sa kotse niya. Hinila ko naman agad 'yung kamay ko sa kanya. Hindi ko alam kung normal lang ba iyon pero tuwing hinahawakan niya talaga 'yung kamay ko ay tumitibok ng mabilis 'yung puso ko.
"Now, tell me where's your house?" Tinry kong buksan iyung kotse pero nilock niya lang iyon. Kinalma mo muna ang sarili ko bago siya binalingan. Akala niya ba talaga makukuha niya lahat ng gusto niya? Masyadong nai-spoil ito ng magulang niya. At anong sabi nung Owen? Mabait daw? Mabait ba itong namimilit ng tao para samahan siya?
"Ayaw ko ngang sumama sa'yo! Don't you understand?" Inis na sabi ko sa kanya at humalukipkip. Hindi ko na alam kung paano ako makikipag-usap sa lalaking 'to, parang hindi niya naman naiintindihan ang mga sinasabi ko. What is he? An alien?
"Ituro mo na kasi... Ikaw din, hindi kita papalabasin dito hangga't hindi mo sinasabi kung saan." Aba! Siya pa ang nagkaroon ng lakas ng loob na manakot.
"E 'di 'wag, sinong tinakot mo?" Bumusangot pa ako nang makita ang ngisi sa mukha niya.
"Kung ayaw mong ituro sa akin ang bahay niyo, e 'di re-r**e-in na lang kita rito sa kotse ko... kasya naman tayo rito kahit nakahiga o nakatagilid, o ano mang gusto mong posisyon..." He smiled evilly.
What the hell?
Is he insane? He's actually insane.
"Umayos ka nga, 'tsaka pababain mo na kasi ako rito!" Pero imbis na iunlock niya ang pinto ng kotse ay isa-isa niyang tinanggal iyung butones ng uniform niya. Halos manlamig at magpawis ang kamay ko sa ginawa niya.
"H-Hoy! Anong ginagawa mo? Palabasin mo na ako rito o tatawag ako ng pulis...tama, tatawag ako ng pulis!" Pananakot ko pero tinaasan niya lang ako ng kilay at ngumisi. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang braso ko. Halos lumabas ang puso ko sa ginawa niya.
"Go ahead... call the police, babe..." Bakit parang hindi man lang siya natakot? Ano bang puwede kong ipamblackmail dito?
Nagawa kong mahila ang braso ko sa kanya kaso ay kinulong niya naman ako rito sa upuan ko sa gamit ang braso niya. 'Yung mukha niya ay ilang centimeter na lang ang layo sa akin.
"Tell me where your house is or I'll r**e you. You choose babe." He whispered to my ears. Parang nagsitayuan 'yung mga balahibo ko sa binulong niya. Lumunok ako at nangangatal ang ngipin na nagsalita.
"F-Fine..." I took a deep breath, nanatili pa rin ang posisyon namin. "I will tell you where my house is." He grinned. Nang lumayo na siya sa akin ay nakahinga agad ako nang maluwag.
"Good, babe." Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya dahil busy pa ako sa paghahabol ng hininga ko. Wala naman akong hika ah? s**t!
Tinuro ko ang bahay ko sa kanya kagaya ng napag-usapan namin. Pagkatapos ay pinark niya 'yung kotse niya at pumasok kami sa loob ng bahay. Actually, hindi ko talaga siya inimbita, siya ang nagpilit na sasama raw siya sa loob ng bahay namin dahil may ipagpapaalam daw siya sa Mom ko.
"'Wag kang magkakamali sa mga sasabihin mo... 'wag kang magmumura, ha?" Banta ko sa kanya. Baka mamaya kung anu-ano ang sabihin ng kumag na 'to. 'Tsaka, bawal din kasi magmura rito sa bahay namin. Ayaw ni Mom noon kaya pigil na pigil ako sa sarili ko lagi.
"Yes, babe." Nagsalute pa siya sa akin. Sinamaan ko lang siya ng tingin.
Umakyat ako sa itaas para sabihin kay Mom na aalis ako, pero as I expected, tinanong niya kung nasaan daw 'yung kasama ko, gusto niya raw muna makita. Saan daw kami pupunta at kung anu-ano pang pambatang tanong. Palibhasa ay nag-iisang anak ako kaya napaka-overprotective nila sa akin. 'Yung tipong kakain ka lang sa dining room ay tatanungin pa nila kung saan daw ako pupunta.
"Mom, this is Kobie'ng mukhang-- I mean, Kobie..." tiningnan ni Mom si Kobie ng mabuti, ang mukhang paa, ngiting-ngiti pa. I rolled my eyes on my mind.
"Good afternoon Mrs. Valdez, Kobie Gin Adams po," he politely said to my mom. He stand up and kiss the hand of my mom. Napahawak ako sa sintido ko. 'Wag ka talagang magkakamali, Kobie!
"Hmmm, ano ka ng anak ko? Is there something between you and my daughter?" Diretsong tanong ni Mom.
"We're just friends..." Muntik na akong mabulunan sa sinabi ni Kobie, kahit na wala naman akong kinakain. Anong friends? Last time I checked, wala naman akong kaibigan na mukhang paa!
"Oh, so my daughter has a friend..." She glanced at me. "That's good to hear."
"It's my honor to be her friend..." This time, hindi ko na maiwasan ang pag-ikot ng mata ko. Ang plastic, grabe!
Mom chuckled. "Wow...you're a nice boy, huh? Pero saan mo ba dadalhin ang anak ko?"
"I'm going to date her, Mrs. Vadez..." Kumunot ang noo ni Mom. "As a friend." Pahabol naman ni Kobie at sinulyapan ako.
"So sweet, but no need to call me Mrs. Valdez, just call me Tita." Tumango si Kobie.
"Okay, Tita... mauuna na po kami ni Xia..." Parang may kung anong pumasok sa tiyan ko. Tinawag niya ako sa pangalan ko.
Lumabas kami ng bahay at nagpunta ulit sa kotse niya 'tsaka sumakay. Nang maisarado niya ang pinto ng kotse ay sinigawan ko na agad siya.
"Hoy, Kobie'ng mukhang paa, ikaw talaga! Kung anu-anong virus ang lumalabas diyan sa bibig mo. Sinungaling ka pa, hindi tayo magkaibigan! At saka, anong date as a friend ang sinasabi mo, ha?" Halos itulak ko 'yung noo niya gamit ang daliri kong nakaturo sa mukha niya. Hinawakan niya naman iyon at binaba sa hita ko.
"Kinilig ka ba, babe?" He said, grinning. Sineryoso ko ang mukha ko at nagcross arm.
"Tigilan mo ako sa babe na iyan!" He laughed.
"Why? Ang cute kaya. Why don't you call me babe?" Tumaas-baba pa ang kilay niya.
"Lubayan mo nga ako. 'Tsaka magdrive ka na lang, tss..."
"Alright, babe." He winked at me.