"Ikaw?" May pagkairitang sabi ko. Ngumisi agad siya nang makita ang reaksyon ko. Masaya ba talaga siyang naiirita ako?
"Ako nga, any problem with that?" Hindi ko napigilan ang pag-ikot ng mata ko. Bahagya akong naglakad palapit sa kanya at tinaasan siya ng kilay. Nagcross arm ako bago nagsalita.
"What are you doing here? This room is supposed to be the dean's office." Sabi ko at inayos ang salamin ko.
Nanatili ang ngisi sa labi niya at saka tumayo. Naglakad din siya palapit sa akin pero noong mga kalahating metro na lang ang pagitan namin ay tumigil na siya.
"Sabi ko nga kanina, ako ang may-ari ng academy na ito, 'di ba? This is Adams Academy and I am Kobie Gin Adams. Get it?" Umatras ako ng konti, ang lapit na ng muka niya sa akin e. So, anong pinaparating niya? Na porket kapareho ng apelido niya 'yung pangalan ng academy ay siya na agad ang may-ari nito? Gusto ko sanang makipagdebate pa sa kanya pero humalukipkip na lang ako.
"So? Pakihanap iyong pake ko." Walang emosyon akong tumingin sa kanya para mas maasar siya. Pero hindi man lang siya nagsalita at nakangisi lang.
Tumalikod na ako sa kanya para umalis pero hinawakan niya ako sa braso at iniharap sa kanya. Ang kulit naman ng lalaking ito. Ano bang kailangan niya sa akin at ako pa ang napagtrip-an?
"Where are you going?" Kumunot ang noo nito.
"I'll go somewhere. Somewhere without you and your shit." Nagulat ako nang bigla niyang kuhanin sa mata ko 'yung salamin ko. Tingnan mo, ang kulit talaga ng mukhang paa na ito!
"Abutin mo muna ito, nerd." I took a deep breath to calm myself. Hindi naman ganoon kalabo ang mata ko, at saka nakakakita pa naman ako. Malabo lang ang mata ko at hindi ako bulag. Kaso, nahihilo ako kapag matagal na walang salamin, parang dumudoble iyung paningin ko.
"Give it to me!" Asik ko sa kanya at hindi ko na tinangkang abutin, like duh? E hanggang dibdib niya nga lang ako. Sinong tanga ang magtatangkang tumalon pa para lang makuha sa kanya iyon? Syempre iyung mga mahaharot.
Tumawa siya na parang nag-eenjoy na naiinis ako. "Ayoko. Abutin mo muna!" Patuloy siya sa pagtawa.
"Ibigay mo na sa akin iyan!" Nagulat ako nang may kumuha sa salamin ko sa kamay ni Kobie'ng mukhang paa at saka sinuot niya sa mata ko.
"Ang kill joy mo talaga Owen, sumakay ka naman sa trip namin kahit sa nerd lang na iyan!" Sigaw ni Kobie. Napailing ako sa isipan ko, isip bata talaga.
"Tss." Iyan lang iyung sinabi nung Owen at lumabas na ng dean's office. Tumalikod na rin ako at lumabas pero bago ako makalabas ay sumigaw pa si Kobie.
"Hoy nerd! Siguraduhin mong 'wag na tayong magkakasalubong ulit, kung hindi ida-drop talaga kita!" Tumingin ako sa kanya.
"E 'di i-drop mo! Kobie'ng mukhang paa!" Nakita kong umusok pa iyung butas ng ilong niya pero tumakbo na agad ko. Narinig ko pa ang ilang malulutong niyang mura na nagpatawa na lang sa akin.
"Hoy, Pandak! Bumalik ka rito at bakit mo ako tinatawanan!" Hinayaan ko siya roong nagwawala at hindi na pinansin. Sinong engot ang babalik doon? At bakit ba ang hilig nilang magsabi ng bumalik ka rito kahit alam naman nilang walang bumabalik?
Pumunta na lang akong cafeteria. Hindi pa kasi ako nakapaglunch dahil doon sa mukhang paa na iyon! Bwisit talaga. Malilipasan pa yata ako ng gutom dahil sa lalaking iyon.
Umorder ako ng kakainin ko at umupo sa bakanteng table.
"Hey Miss, mind if I will join you?" Tiningnan ko iyung nagsabi noon. Kumunot pa ang noo ko pero agad ding nawala. Si Owen 'to, 'di ba?
"Nope." I said, emphasizing the letter 'p'. Umupo siya sa tapat na upuan ko.
"Owen," nilahad niya iyung kamay niya sa akin, kaya inabot ko naman. I'm not rude. Kay Kobie lang dahil sa ginawa niyang paghagis sa libro ko.
"Xianne, but call me Xia." He smiled. Hindi ako sanay kapag tinatawag nila akong 'Xianne' kahit na konti lang naman ang kaibahan noon sa Xia.
"Okay. If that's what you want..." Tumango ako at sumipsip ng coke. "Bago ka rito?" Umiling ako. Kanina pa nila ako tinatanong kung bago ba ako rito. Sabagay, hindi naman ako sikat dito pero matalino naman ako. Valedictorian ako. Ganoon na ba talaga ngayon? Kung sino pa 'yung wala namang alam at maganda lang ay sikat na agad? Aanhin ang kagandahan kung utak nama'y walang laman? Tama naman 'yung kasabihan pero parang nag-iiba na ngayon.
"I started studying here since I was grade 10." Tumango siya.
"I see, actually we were studying here also. But when we were grade 10, we transferred to States." Tumango ako, so nung pagpasok ko rito ay sila naman 'yung umalis. "Then, we decided that this year, we'll back to Philippines and we'll finish our senior highschool here in Adams Academy..." Tumango-tango ako.
"Kaibigan ka ni Kobie'ng mukhang paa 'di ba?" He chuckled. Akala ko ay sasapukin niya ako o ano. Siyempre, kaibigan niya iyon e. Dapat lang na ipagtanggol niya.
"Yup. I am his best friend, actually and why are you calling him Kobie'ng mukhang paa? Aren't you afraid to him? You know, he's the owner of this school. Kaya ka niyang patalsikin dito kailan man niya gusto..." So si Kobie talaga ang may-ari nitong academy? Parang hindi pa rin ako na naniniwala.
"I am not afraid of him. He's not monster, right? Unless he is, but anyway, ganoon ba talaga iyon? Ang lakas ng trip niya. Parang masayang-masaya pa siya na nakikitang naiinis ako." Sabi ko at umiling-iling. Tumawa siya ng mahina.
"Yeah. Ganon talaga siya. May pagkaisip-bata pero mabait naman iyun." Nanliit iyung mata ko sa sinabi niya.
"Magkano ang binayad niya sa'yo?" Natawa siyang muli.
"He's kind. He is my best friend since we were kinder, I almost know his attitude... secrets..." Nagkibit siya ng balikat. Sa ugali nung lalaki na iyun? May naging kaibigan pa? Wow, just wow. Kung ako? Nako, hindi talaga ako makikipagkaibigan doon. Grabe na kung grabe pero hindi talaga. Never. Sinong makakatiis sa ugali niya?
"Okay, sabi mo e. Anyway, una na ako, tapos na akong kumain..." Tumayo ako at ngumiti sa kanya.
"Alright. Bye, Xia..." He smiled back.
Umalis na ako at dumiretso sa library, wala namang klase remember? So mabuti pang dito muna ako tumambay. Noong nakaraang taon ay laging dito lang din ang tambayan ko. Kapag hindi rito ay sa garden, pero madalas ay dito talaga dahil bihira naman ang mga estudyanteng pumupunta rito.
Kumuha ako ng calculus na libro. STEM ang kinuha ko. Dahil, I am thinking of being an engineer. Chemical engineer. Bago ako mag-STEM, ang sabi nila ay mahirap daw. Ang sabi pala ng ilan. Lalo na raw 'yung precalculus at physics. Pero para sa akin, parang hindi naman. Sa una, mahirap. Pero habang tinititigan ko iyong libro, parang namang dumadali lang. Konting analyze, ganoon.
Umupo ako sa nakita kong upuan. Dito ako nagbasa sa may pinakalikod. Halos twenty'ng book shelf din ang madadaanan mo bago ka makarating dito. Medyo malaki naman kasi itong library na ito. Nahahati ito sa lima. At bawat isa ay may twenty five na book shelf kung hindi ako nagkakamali. Ito ang pinakamain library.
Pagkaupo ko, naramdaman kong may umupo rin sa tabi ko pero hindi ko na lang pinansin. I just opened the book and started to read it.
"Hi, nerd." Teka... Bakit pamilyar?
Tumingin ako sa katabi ko. Parang kumulo bigla iyung dugo ko.
"WHAT-" tinakpan niya iyung bibig ko kaya hindi ko na naituloy ang sasabihin ko.
"Shh... lower your voice, we're in the library, babe..."
What...the...hell?
"Bakit ka nandito? Sinusundan mo ba ako? Ha?" Inis na bulong ko sa kanya. Kung pwede lang ako sumigaw, kukuha pa ako ng megaphone at sisigawan ko talaga ito. Bwisit na iyan!
"You don't care. At ano naman kung sinusundan nga kita, babe?" 100°C na iyung dugo ko, nasa boiling point na. Naiinis talaga ako sa mukhang paa na ito!
"Don't call me babe, you jerk! Umalis ka nga rito!" He leaned forward to me and whispered to my ear.
"I want to call you babe and you can't do anything about that. Anyway, this is my own school, so wherever I want to go, pupunta ako, understand? Babe?" Nanggagalaiti na talaga ako sa lalaking ito. Unang araw ng klase, kumukulo na ang dugo ko! Ganito ba talaga kapag grade 12, nakakastress?
"I don't care, umalis ka rito!" Gusto ko na talagang sumigaw, kung hindi lang ako natatakot sa librarian. Bwisit na bwisit na kasi talaga ako sa Kobie na ito. Ano bang pinakain sa kanya rito ng nanay niya at sobrang kulit?
"I don't want to go, babe. Unless, you will go with me..." he said then winked at me.