Nakatunganga ako habang tinitigan ang suot kong black shoes na ngayon ay kuminkintab pa. Paniguradong lahat ng estudyante ay excited ng pumasok. Dahil syempre, makikita na naman nila iyong mga kaibigan nila-- na wala naman ako. Mga crush nila, at kung anu-ano pang pwede mong mamiss sa school.
Pero ako, kahit isang bagay yata sa school ay wala man lang akong mamiss. Libro. Iyon lang naman lagi ang kasama ko. Hindi ako sanay na may kasamang kaibigan o ano. I'm not used to it. Mas gusto ko iyong mag-isa lang ako at tahimik.
"Xia! Bumaba ka na. Naghihintay na sa'yo si Manong sa labas..." Narinig ko pa ang mahinang pagkatok ni Mom sa pinto ko. I yawned as I stared at the door.
"Just give me five minutes and I'll be downstairs na po..." Hindi na sumagot si Mom, umalis na yata siya. Humiga ako sa kama ko at pumikit. Wala na akong pakialam kung malukot man ang uniform ko. Ang alam ko lang ay tinatamad talaga akong pumasok ngayon.
Para saan ba kasi ang pag-aaral? Sa future namin? Bakit iyong iba naman ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral pero tingnan mo naman, ang unlad-unlad nila ngayon.
Nang tingin ko ay medyo nilayuan na ako ng katamaran ko, tumayo na ako at kinuha ang maliit na bag ko. Hinarap ko ang salamin at inayos ang sarili ko, pati na ang salamin na nasa mata ko. Nilugay ko ang buhok ko at bahagyang sinuklay gamit ang daliri. Nang masatisfy na ako sa itsura ko ay lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba.
"Mom..." Tawag ko. Busy ito sa pagbabasa ng diyaryo. I wonder where my dad is? Binaba niya ang diyaryo sa center table at lumapit sa akin. Sinuklay ulit nito ang buhok ko.
"You should put some make-up on your face..." She commented.
I shrugged. "I'm okay with my face, Mom." Ngumiti ito at inipit sa tainga ang ilang hibla ng buhok ko.
"Fine. Good luck, baby." Hindi ko na pinansin iyong tawag niya sa akin. Lagi niya talagang nakakalimutan na ayaw kong tinatawag niya ako ng ganoon.
"No need to say that, Mom... School is just a piece of cake..." Tumawa ito.
"Ang hangin ng baby ko! Manang-mana sa tatay niya." Umiling ako.
"Whatever, Mom. I'll go now... Take care po..." Tumango lang ito at nginitian ulit ako. Hinalikan din niya ako sa pisngi at saka hinatid sa may labas ng gate namin para sumakay sa kotse na pag-aari rin namin.
Kumaway sa akin si Mom habang paalis ang kotse. Ngumiti lang ako at tumingin na sa may daan. Si Manong lagi ang naghahatid sa akin patungong academy. Sa totoo lang, gusto na akong matuto ni Dad na magmaneho ng sarili kong kotse (ibibili niya raw ako) para naman hindi ko na raw maabala si Manong.
Medyo natawa pa ako noon, anong silbi ni Manong kung hindi niya ako ipag-da-drive? Hindi sa pagiging maarte o ano, pero totoo naman 'di ba? That's her job. Na ihatid at sunduin ako araw-araw sa school. So bakit naman maaabala roon si Manong? Kakaiba talaga mag-isip si Dad.
Pagdating namin sa gate ng academy, bumaba na agad ako ng kotse at pumasok sa may gate, iyong ibang estudyante, ang gusto ay hinahatid sila hanggang loob ng eskwelahan. But in my case, okay na ako rito. Hindi naman kaso sa akin ang paglalakad. I'm used to it kahit na may kotse naman kami.
Pumunta agad ako sa dean's office at kinuha ang schedule at key ng locker ko.
Grade 12 na ako ngayon, senior highschool na ako. Actually, ako ang valedictorian noong gumraduate kami ng grade 10, halos lahat ng awards ay sa akin napunta. Best in math, best in science, best in english, so on, so forth.
But it doesn't matter to me. Does it matter, anyway? It's just an award, right? Anyone can get it. Kung magsisikap ka. Kahit naman kasi na matalino ka na ay kailangan mo pa ring matuto. Kahit na marami ka ng alam...may dapat ka ring matutunan.
Ako, bilang babae, I want to know... What love is. Marami kasing nagsasabi na alam na raw nila ang definition niyan pero hindi naman talaga nila alam ang tunay na pakiramdam niyan.
I let out a deep sigh and tilt my head. Bakit ba biglang iyon ang naisip ko? Wala naman akong time para roon. Mas masaya pa ring pag-aralan ang siyensya kasya makipaglandian. Right. Wala naman talagang pag-ibig. Landian lang. Bakit? Sa una lang naman nagiging masaya ang mga relasyon-relasyon na iyan. Kapag tumagal na, wala na. Magsasawa na silang dalawa o kaya naman ay may isang masasaktan 'daw' pero wala pang isang linggo ay may bago na namang karelasyon.
Nang mapagtanto ko na kung saan-saan na umaabot ang pag-iisip ko ay minabuti ko nang maglakad na at hanapin ang classroom ko. Hindi naman ako mahilig mag-gala para lang sayangin ang oras ko.
Nakarating ako sa tapat ng isang pinto na kulay berde. Tiningnan ko ang papel na nakapaskil doon at hinanap ang pangalan ko. Nang makita ko na naroon ay pumasok na agad ako nang hindi tinitingnan ang mga estudyanteng nasa loob din ng classroom na iyon.
Umupo ako sa pinakadulo ng sitting arrangement at binuksan ang cellphone ko, pasimple ko ring kinuha ang earphone ko at saka sinaksak sa cellphone ko at sa tainga.
Hindi ko pa man napipindot ang play sa may music ay may biglang kumalabog na. Inangat ko ang tingin ko at nakita ang isang lalaki na may iba pang kasamang lalaki. Sinipa niya 'yung pinto. Umiling lang ako at nagkibit ng balikat. People nowadays are weird... or they're just noob? Pwede naman niyang buksan ng maayos pero mas pinili pa niyang magpapansin. I wonder why?
Bumalik na lang ako sa pagbabasa ng libro. Kailangan ko itong makabisado para kapag nagsimula ng magturo ang prof namin, matutulog na lang ako sa klase niya, I hope she/he will let me to do that.
Nagulat ako nang ililipat ko na sana sa next page 'yung libro ko pero bigla iyung tumalsik. Nanliit 'yung mata ko roon sa tinalsikan ng libro ko. Ang mahal pa naman no'n tapos binalibag lang ng ganoon?
Tiningnan ko 'yung gumawa noon at nakita ko ang isang-- I mean lima silang lalaki na nasa harap ko. At 'yung nasa gitna nila ay nakangisi ng malaki, I think siya 'yung nagbalibag sa libro ko.
Bastard. It looks like he doesn't have any manners.
Tumayo ako. Matangkad siya kaya hanggang dibdib niya lang ako. But I don't care about his tallness, sipain ko pa ito palabas ng solar system, e.
Tinaas ko 'yung kaliwang kilay ko. "Mr. Who ever you are, who are you to disturb me?" He leaned forward to me.
"Ms. Nerd, who are you to ask me?" He said, grinning. I rolled my eyes at him.
"Give my book to me, now." Madiin kong sabi sa kanya.
Lalo siyang lumapit sa akin pero hindi ako umatras. Gusto kong ipakita sa kanya na hindi naman ako natatakot.
"Ayaw ko." Madiin din niyang sabi sa mukha ko. Tinulak ko siya pero umatras lang siya ng konti. He chuckled. "I am sure that you didn't know me, right?"
Nginisian ko rin siya. "Oo. Hindi kita kilala, e ano naman ngayon? Doon ka nga, ang aga-aga pero nakakakita na ako ng mukhang paa!" Nawala unti-unti iyung ngisi niya at napalitan ng poker face. Mukhang natamaan siya sa sinabi ko, ha? Dapat lang naman talaga.
"What did you say?" Pinangliitan ko siya ng mata.
"Bingi ka ba? Sabi ko, mukha kang paa!" He clenched his jaw. Narinig kong nagsitawanan iyung apat na lalaki sa likod niya kaya tinaasan ko sila ng kilay. "Is there something funny?" I said in a serious tone.
The boy in front of me cleared his throat. "Bago ka ba rito, nerd?"
"Nope. Ikaw, bago ka ba rito?" I asked back.
"So, hindi mo talaga ako kilala... Let me introduce our selves to you, nerd. First, I am the owner of this academy. And I am Kobie Gin Adams..." He said as if everybody knows his name.
"I'm Blake Samonte. Nice to meet you, beautiful lady..." lumapit siya sa akin at kinuha ang kamay ko, akmang hahalikan niya iyon pero hinila ko ang kamay ko. Masyado ng advance ang panahon para gawin ang mga bagay na iyon.
"It's not nice to see you, Mr. Samonte." matabang kong sabi
"Owen Dail Sy, Miss..." He smiled at me. He seems nice. Hindi katulad ni Kobie at ni Samonte.
"Magpakilala na kayo Wayne sa nerd na iyan... para naman malaman niya kung sino iyong kinakalaban niya..." Tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Kobie. Wow, ha?
"Dice Eis Correns..." Malamig na sabi nung isang lalaki. Tinitigan ko 'yung lalaki na katabi niya. He also stared at me. His eyes is cold as ice.
"Magpakilala ka na, dude, tinititigan ka oh? Crush ka yata..." Rinig kong bulong ni Samonte.
"Tss..." Iyan lang ang sinabi niya. Kumunot ang noo ko at handa na sanang magsalita nang magsalita rin siya. "...Wayne Alford..." Tumikhim ako.
"So what? Who cares about your names? Can I memorize the whole book if I know your names? I don't care if who you are. Iba na lang ang pag-trip-an niyo." Nilagpasan ko si Kobie'ng mukhang paa at kinuha 'yung libro roon malapit sa white board.
Nang bumalik ako sa upuan ko ay nandoon pa rin sila kung saan sila mismo nakatayo kanina.
Tinaasan ko sila ng kilay. "Ano? Naistatwa na kayo diyan? Oh please, kung gusto niyong makipaglaro, humanap kayo ng katulad niyong isip-bata..." Mataray kong sabi sa kanila.
Nakita kong parang umuusok na iyong ilong ni Kobie.
"You nerd! I swear that you'll pay for this. I can't believe it!" Tumalikod siya at dire-diretsong naglakad palabas, ganoon din naman 'yung mga kasama niya. Pagkaalis nung mga lalaki na mukhang paa ay sinamaan pa ako ng tingin ng mga chismosa kong kaklase.
"Sino ka para tawagin na mukhang paa si Baby Kobie ko?" Sabi nung malandi kong kaklase na sobrang kapal ng make-up. Baby? Disgusting!
"She's a papansin guys!" Napairap ako. I'm just wasting my time for their nonsense chitchat. Tumingin na lang ako ulit sa libro at sinimulang magmemorize.
Hindi dumating iyung Prof namin, may pinadala siyang sulat sa isang classmate ko na nagsasabing inaayos pa raw kasi 'yung records namin.
Nung tanghali na, lumabas ako ng room para maglunch, nagugutom na kasi ako. Pero bago pa ako makarating sa canteen ay may sumalubong na sa akin.
"Hoy nerd! Tawag ka sa dean's office!" Sigaw sa akin nung lalaking mukhang unggoy. Makatawag ng nerd, wagas! Mga tao talaga ngayon, ang to-toxic. May salamin at matalino lang, nerd na? Palibhasa kasi ay mga engot sila kaya kahit na magsalamin sila ay hindi sila papasang nerd, tss.
"'Kay..." Inirapan ko lang siya at nilagpasan na.
Pagdating ko sa dean's office, huminga ako ng malalim. Bakit naman kaya ako pinapatawag? Hmmm, baka siguro ia-accelerate na ako? Hindi na ako mag-grade 12, college na agad. That's good.
Binuksan ko 'yung pinto.
"Good afternoon po. Ano pong kailangan niyo, dean?" Nakarinig ako ng paglock ng pinto kaya napatingin ako rito at nagulat ako nang makita ko si Samonte. Blake is his first name.
Napatingin ako sa may table ng dean, laking gulat ko nang hindi si Dean ang makita ko kung hindi siya.
"Ikaw?" May pagkairitang sabi ko.