PROLOGUE

290 Words
Paano mo nga ba malalaman na dapat mo ng bitawan ang isang relasyon? Dapat mo bang ipaglaban ang isang relasyon dahil sa tagal? Paano kung hindi ka na masaya? Paano kung bored ka lang pala? Paano kung pakiramdam mo lang pala na hindi ka na niya mahal at wala na siyang oras? Paano kung lahat pala ng iniisip mo mali? Paano kung tama? Sabi nila tama daw lagi ang women’s instinct. Pero lagi nga bang tama ito, paano mo malalaman kung paranoia lang pala?  ~~~~~~ Mali bang isipin ko na makipaghiwalay na sa kanya dahil pakiramdam ko na hindi na niya ako mahal at may iba na siya? Pakiramdam ko ako na lang ang nagpupumilit sa relasyon na to, ilang araw na ba nung huli kaming magkausap? May boyfriend pa ba ako? May hinihintay pa ba ako? Yan lagi ang tumatakbo sa isip ko tuwing naiisip ko ang estado ng aming relasyon ng long-time boyfriend ko. I am Ellison Tanseco, I am in a relationship with Nolan Santiago for 8 years. But for the last few months hindi kami masyadong nagkakausap or nagkikita. Sabi niya busy lang daw siya sa trabaho. Sa totoo lang nagsimula ang mga issues namin nung unang beses ko siyang nahuling may ibang babae pero dahil sinabi niya na wala lang yun at naisip ko na isasaalang-alang ko ba ang relationship namin ng dahil doon. So in short kinalimutan ko na yun. Tapos sa pangalawang beses nahuli ko na naman siya at dun na nga nagsimula ang mga away at panlalamig namin sa isa’t isa. Tapos dumating siya sa buhay ko, si Liam Serrano.   Kaya ko bang pakawalan ang walong taon kong relasyon at tuluyang papasukin ang bagong tao sa buhay ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD