CHAPTER 1

813 Words
Ellison: 3 years ago Nandito ako sa apartment ni Nolan. Natutulog pa siya at ako naman nanonood ng tv ng tumunog ang phone niya. Hindi ko alam pero sa tinagal-tagal ng relasyon namin, ngaun lang ako nagkainteres na tignan kung sino ang nagmessage sa kanya. Dati naman kahit hawak ko ang phone niya at may tumawag or nagmessage wala akong pakialam. Pero iba ang pakiramdam ko ng mga oras na yun at dahil hindi ako nakatiis sinilip ko. Nagulat ako sa nabasa ko kaya pagkagising niya ay tinanong ko siya agad. “Sino si Angel?!” Tanong ko kay Nolan “Wala lang yun, kakilala ko lang yun” Sagot niya “Kakilala mo lang? bakit kailangan magsabi sayo kung papasok na siya sa trabaho?” Tanong ko ulit “Wala nga lang yun, wag mo ng intindihin yun. Hindi ko na kakausapin para wala ng away” Pinabayaan ko na lang anyway naman sa loob ng 5 taon namin na magkarelasyon ngaun pa lang naman siya nagkaron ng ganun. “Siguraduhin mo lang na wala lang yan ha.” “Oo nga, promise! Hindi ko na kakausapin pa ulit” Pagkumbinsi niya sakin. Kinuha ko yung phone number nung nagtext sa kanyang babae pero hindi ko naman na masyadong inintindi. Pagkatapos nun wala na ulit nangyaring ganun at nagtiwala naman ako sa kanya. So in short hindi na namin napagusapan ulit yun at parang walang nangyari. 6 months after, hindi ko alam pero nagsimula na naman akong makaramdam ng kakaiba. Bigla akong hindi mapakali at bigla kong naisip na isearch yung babaeng nagmessage sa kanya dati using yung phone number. Sa messenger sinearch ko yung phone number at lumabas ang profile niya then I check her profile sa sss at i********: at dahil nakapublic ang profile niya sa IG tinignan ko ang story niya. Nagulat ko sa nakita ko gusto kong magwala. Nakapost lang naman sa IG story niya ang sweet na sweet na convo nila ng boyfriend ko though nakablurred ang profile pic niya at ng boyfriend ko alam na alam kong siya yun. Iniscreen shot ko agad yung story it sinend ko sa boyfriend ko at napatawag siya sakin agad agad. “Ginagago mo ba talaga ako” Asik ko agad sa kanya. “Sinabi mo hindi na kayo naguusap, eh ano yan?! Niloloko niyo kong dalawa!! Napakagago mo!” “Oo inaamin ko nagkausap kami, pero ngaun lang yan…sorry, wala talaga akong planong kausapin pa siya pero nagmessage siya kaya natempt ako magreply” Sagot ni Nolan sakin. “Ano ba talagang relasyon niyo? Nagkikita ba kayo? Kelan? Paano?!” Nagwawala kong tanong sa kanya. “Minsan lang kami nagkita, pero walang nangyari. Nagkita lang kami, kwentuhan ng konti. Yun lang walang ibang nangyari. Sorry na talaga. Pero yun lang yun, wala kaming relasyon. Sweet sweet lang konti pero wala talaga kaming relasyon.” “Gago ka ba talaga! Bakit magpopost yan ng ganyan kung wala talaga kayong relasyon?” “Hindi ko alam sa kanya bakit niya pinost yan, pero totoo talaga wala kaming relasyon. Naguusap kami ng may konting landi pero walang kami. Promise! Sorry talaga. Hindi na talaga mauulit.” “Talagang hindi na mauulit, dahil hindi kita patatawarin hanggat hindi mo siya hinaharap sakin ng personal! Alam ba niyan na may girlfriend ka at pinopost niya pa yang mga conversations niyo?” “Hindi! Hindi niya alam. Wag na natin paabutin sa ganun kasi hindi ko din alam anong motibo niya para ipost yan. Hindi ko pa siya masyadong kilala. Baka kung ano pang gawin niyan kapag nagkaharap kayo.” “Gago ka! Ngaun hindi mo masyadong kilala matapos mong makipaglandian! Hindi! Iharap mo yan sakin, wala akong pakialam!” Galit kong hamon sa kanya at tsaka tinapos ang tawag. Iyak ako ng iyak magdamag kasi hindi ko matanggap na sa loob ng ilang taon naming relasyon lolokohin niya lang pala ako. Iniisip ko kung kalian pa siya nagsimula mangbabae. Matagal na ba? Ngaun lang ba talaga? I was so broken. Before Nolan I also had a boyfriend who cheated on me kaya it was so painful for me. Iniisip ko na ganun na ba ko katanga. Lagi na lang akong niloloko. Ganun ba talaga lahat ng lalaki? Tanong ko sa sarili ko. Pero dahil sa mahal ko, pinatawad ko pa rin. Kasi nangako naman siya na ngaun lang niya talaga ginawa yan at wala naman talagang nangyaring iba. Pero sino nga ba naman lalaki ang umamin na nangbababae sila. Nagkabati kami ulit, inayos namin pero nagiba na. Lagi na akong nagdududa sa kanya. Lagi na kaming nagaaway kasi lagi ko na siyang inuusisa sa mga ginagawa niya na dati ko naman hindi ginagawa. Away-bati kami halos lagi. Pero never namin naisip na maghiwalay and i-let go ang aming relationship. We tried to save and work things out between us. We are trying.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD