Chapter Nineteen -Uno/Callix- Tuluyan na akong umalis sa Isla, pero masayang ngiti ang ipinabaon ng asawa ko sa akin. Sakay ng bangka ay nagtungo kami sa may pantalan, kasama ko parin sina Jayson at Wilson. Si Lolo Marciano kasi ay naunan ng umalis kaninag madaling araw dahil sa mga gagawin pa raw nito. At kung kanina ay nakangiti pa ako ngayon naman ay halos hindi na maipinta ang mukha ko dahil sa pagiging seryoso at walang pakialam sa mga taong nasa paligid ko. “Uno, you have dinner today with the Suarez family because their hotel is about to be finished. And your Daddy is still with you at dinner.” Sambit ni Wilson habang nagmamaneho papuntang office ko. Tumango lang ako dito at pumikit balik na naman ako sa dating buhay. Pagkapasok ko pa lang ay nagulat ako ng makita ko si Da

