Chapter Twenty -Kendal- Ilang araw ng masama ang pakiramdam ko sa hindi malamang dahilan, hindi ko na rin alam kung ano ang nangyayari sa akin ngayon. Gigising akong masakit ang ulo at halos isuka ko na ang lahat ng kinakain ko at kahit makaamoy pa lang ako ng amoy ng bawang ay parang hinahalukay ang sikmura ko. Nanghihina na rin ako ngayon kaya palagi lang akong nakahiga sa kama dito sa kuwarto dahil nahihilo ako sa tuwing susubukan kong tumayo. “Kmausta na ba ang pakiramdam mo iha?” Nag-aalalang tanong sa akin ni Lola Auring ng dahlan ako ng pagkain nito sa akin kuwarto. “Nanghihina po ako Lola, lalo na po kung pipiliting kong tumayo nahihilo po talaga ako.” Nakapikit kong sagot sa matanda dahil sa pakiramdam na umiikot ang panitingin ko. “Mabuti ay magpapatawag na ako ng doc

