Chapter Twenty-four -Third Person- (Five year ago) Nag-iinom sa isang bar si Khen De Lana ng lapitan siya ng isang lalaki at abutan siya ng kapirasong papael na may nakasulat na address, gulat man at may pag-aalinlangan ay nagawa parin niyang puntahan ang address na yon. Nakatayo siya ngayon sa isang lumang bahay at masasabi niyang maayos pa rin ito at mababakas ang gandang meron ito dati. Pumasok siya at kung nagulat siya sa labas dahil mukhang naalagaan ito at mas nagulat siya ng mapasok sa loob. Ang natural na ganda nito nung panahon na umalis sa dating tahanan. Oo ito ang dati nilang bahay noong nabubuhay pa ang kanyang tunay na mga magulang. Hindi niya maintindihan pero nakakaramdam siya ngayon ng sobrang pagkamiss dahil sa maalala ang masasayang araw na meron sila ng kanyang

