Chapter Twenty-three -Kendal- Nang gabing umalis si Uno ay iba na ang naging pakiramdam ko. Alam kong may mali at hindi ko kayang hayaan na lang ang lahat. Kaya naman nagpaalam ako kay Lola Auring na bantayan muna ang anak ko at mag pupuntahan lang ako sa bayan. Meron akong gustong malaman at kapag tama ang hinala ko ay hindi ko alam kung ano ang magagawa ako sa lalaking nakasama ko ng mahabang panahon. Nasa labas ako ngayon ng isang bilihan ng key chin, madalas ko kasing makita sa mga ala-ala ko ang isang store na kagaya nito sa ibang lugar at may kasama akong lalaki na isang nerd at mukhang mahina, pero makikita dito ang malaking pagkakahawig kay Uno. Pero ang lalaking nasa gunitain ko ay nangangalang Callix. Pumasok ako ay binati agad ako ng isang Ginang na naroroon ay mukhang s

