B-Lies (Ten)

474 Words
HER POV Nagising ako nang maramdaman kong may humiga sa tabi. “I’m sorry if I woke you up.” He kissed my forehead. “Anong oras na?” Nagkusot ako ng mata. Nakaligo na siya at naka-boxers at white shirt. “3 AM. Matulog ka na ulit,” tugon niya. Saka inayos ang kumot at yumakap. I hugged him back. “Nate, do I really need to take over the company?” I asked. Hindi ko alam kung makakayanan ko talagang patakbuhin ang kumpanya na wala akong kaalam-alam. I heard him sigh. “I talked to mom and dad earlier. We will go to the US nextweek. Ipapa-check natin doon kung may mas madaling paraan para maibalik ang memory mo,” aniya. I looked at him. Gumaan ang pakiramdam ko nang ngumiti ito. “Don’t worry! We’ll get through this,” saad niya saka ako niyakap ng mahigpit. ***** Hindi na muna namin itinuloy ang balak na turuan niya akong magmanage ng company dahil kailangan niyang asikasuhin ang oil company bago kami umalis papuntang US. Two weeks lang naman kami doon dahil kailangan ding bumalik agad. “Are you okay?” tanong niya habang nagtetake-off ang plane. Nasa gitna namin si Janella. Ayoko kasi siyang iwan sa bahay kasama ng mga maids. Tumango na lang ako. Ba’t ganoon parang hindi ako sanay sumakay ng eroplano? Nakakahilo. Pumikit na lang ako. Nagising ako sa mahinang pagtapik ni Nate sa pisngi ko. “Do you wanna eat? You’ve been sleeping for eight hours,” saad niya. I looked at Janella. Tulog pa rin ito. Nakaramdam din ako ng gutom. Maya-mama’y dumating na ang flight attendant na may dalang pagkain. Minabuti kong gisingin na rin ang bata. “Mom, I’m still sleepy!” reklamo nito. “You have to eat baby. You can sleep later,” lambing ko dito. Hinaplos ko ang pisngi niya. Amused naman na nakatingin si Nate sa amin. “Bakit?” tanong ko sa kanya. Ngumiti naman ito. “’Wag ka na lang mag-pacheck up. Magbakasyon na lang tayo roon,” nakangiti niyang hayag. “Bakit?” Napakunot-noo ako. “Para ganyan ka nalang lagi!” nakangiti nitong sagot. What? Ayaw niya akong gumaling? Does he have any idea kung gaano kahirap kumilos na walang direksiyon dahil wala ni isang maalala? Tsk! “Don’t pout!” natatawa niyang saway. “I like you better now. You are such a sweet mom!” hayag niya saka ako kinabig. He kissed me lightly on the lips. “Yieeh!” tili naman ni Janella sa pagitan namin dahil bahagya siyang naipit. Nagtawanan na lang kami. May mga ibang passengers pa ang napatingin sa amin. “Ikaw kasi!” tinapik ko siya ng mahina sa braso. Natawa lang ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD