“Welcome back to Long Beach!” bungad ng isang maganda ngunit may katandaan nang babae paglabas namin ng airport.
“Nice to see you mom, I missed you!” Agad na yumakap si Nate. Nanatili akong nakatayo. I don’t know how to react. Even if I saw her in pictures, hindi ko siya kilala.
“And how’s my beautiful granddaughter?” malambing nitong niyakap ang bata.
“I’m fine granny!” tugon naman nit Janella saka itinaas ang kamay at yumakap. Tumayo siya pagkatapos at tumitig sa akin. I looked at her warily.
“I thought you weren’t serious when you said she has amne-”
“Mom!” Nate cut her words saka tumingin sa bata. Hindi kasi alam ng bata na naaksidente ako. Ang akala niya noon ay nagbakasyon lang ako. Yumakap sa akin ang mommy niya. It took few seconds bago ako yumakap din. Nate smiled.
“Let’s go? Your dad wasn’t able to come because he has some business to attend to,” hayag ng mama niya. Ngumiti lang din ako at sumunod sa kanya. Si Nate ang nagdrive. Ang maglola naman ay umupo sa backseat.
“I scheduled an appointment with the doctor tomorrow,” saad ng ginang nang nasa biyahe na kami.
“Who’s sick granny?”naguguluhan namang tanong ng bata.
“No one. We’ll just have to make sure that mom’s healthy.” sabad ni Nate.
“Why mom?” pangungulit pa rin nito. Nate looked at me and sighed. Napangiti lang din ako. Lusutan mo ‘yan. I mutely signaled.
“So that she can have the next baby in the family!” walang kagatol-gatol nitong hayag.
“Really!?” excited namang tanong ni Janella. I looked at Nate. Nakangiti ito habang nakatuon ang pansin sa daan. Napailing nalang ako.
“We’re here!” masayang hayag ng mommy ni Nate para putulin ang usapan. Tumigil ang sasakyan sa isang two-storey beach house. Agad na sumalubong ang dalawang maids at tumulong kay Nate na nagbuhat ng gamit.
“Janella, you’ll stay at granny’s room, okay?” lambing ng ginang sa bata nang paakyat na kami sa room.
“Sure granny!” saad naman nito at sumunod na sa lola niya na hila-hila ang pink suitcase niya. Pumasok naman kami ni Nate sa isang guestroom. Agad kong napansin ang family portrait namin na nakasabit sa dingding. Ito siguro talaga ang room namin kapag nandito kami. Iginala ko ang paningin sa loob ng kuwarto. I sighed. I don’t remember anything. Naglakad ako papunta sa kabilang side ng kama at hinawi ang kurtina. I gasped at the sight. It’s overlooking the beach. I opened the sliding door at agad na bumungad ang samyo ng malamig na hangin nagmumula sa dagat. Nakahinga ako ng maluwag. I stepped out at the terrace at tinanaw ang dagat. Marami-rami ang nagsu-swimming sa di kalayuan.
“Do you remember anything?” bulong ni Nate saka yumakap sa akin mula sa likod. Napailing ako. He sighed.
“Beautiful right?” pag-iiba nito sa usapan.
“Yeah!” I answered. He kissed my hair and held me closer. Somehow, I feel at peace.