Her POV
“Mom, did you cry?” tanong ni Janella pagkababa namin. Nakahawak siya sa kamay ng daddy ni Nate. Nakita ko na siya sa wedding pictures namin. Tulog na kami kagabi nang dumating siya at pag-alis namin kanina ay tulog pa siya kaya ngayon ko lang siya nakita.
“Nope, my eyes were just strained,” palusot ko. Tumango naman ito.
“Jelna” tawag naman ng daddy ni Nate sa akin saka ako niyakap. I just hugged him too kahit napaka-unfamiliar niya sa akin.
“So, it’s really true?” he hissed. Naramdaman siguro nito ang pagkaasiwa ko.
“Let’s get inside?” pukaw naman ni Nate. Hinawakan niya ako sa kamay at iginiya na papasok sa loob. Sumunod naman ang maglolo sa amin.
“Brunch is ready!” bungad ng mommy niya sa amin. Sumunod naman kami sa kanya. Umakyat ito sa second floor kung nasaan ang veranda overlooking the beach. Nakahanda na nga roon ang pagkain na binabantayan ng dalawang maids.
“So, how was your check up?” tanong ng mommy ni Nate nang makaupo kami.
“We’ve decided that she will not undergo the therapy,” tugon ni Nate.
“Why?” naguguluhan namang tanong ng mama niya. Nate looked at me.
“She doesn’t need it. She’s okay! She’s actually better now,” saad naman ni Nate. We all looked at him puzzled.
“You’ll see!” saad niya looking at his mom. Napailing naman ang ginang at inabutan nalang kami ng plate. Kumuha nalang kami ng pagkain.
“You eat this baby. Veggies are good for you,” saad ko at isinandok ng vegetable salad si Janella at inilagay sa plate niya. Naramdaman ko ang biglang pagtigil ng dalawang matanda sa pagkuha ng pagkain. Pinaglipat-lipat ko ang tingin sa kanila.
“See?” may pagmamalaking saad ni Nate. Napatawa naman ang dalawa. Iyong pagiging maasikaso ko na naman siguro sa bata ang tinutukoy niya. Siguro hindi ko nabibigyang pansin noon ang anak ko. I looked at my daughter. She’s happily munching the veggies. Nakakagaan talaga siya ng pakiramdam.
Pagkatapos naming kumain, napagpasyahan naming manuod na lang muna ng movies sa living room. Nakakatamad din kasing lumabas. Sa ibang araw nalang kami mamamasyal. Nakadalawang Disney movies kami dahil iyon ang gusto ng bata. Naglalambing naman ito sa amin all troughout the movie dahil kung hindi sa akin, sa ama naman niya ito nakakalong. Si Nate naman nakaakbay lang sa akin. Pansin kong panay ang sulyap at ngiti ng mga magulang niya sa amin. Ipinagkibit-balikat ko na lang.
Pagkatapos ng movie marathon, pumasok naman ako sa room samantalang si Janella ay inakay naman ng lola niya. Hindi ko alam kung lumabas sila or what. Hinayaan ko na lang, bonding time din siguro nila.
*****
“Gusto mo bang maglakad-lakad sa beach?” tanong ni Nate pagbukas ng pinto. I looked at the clock. It was 7 PM. Hinawi ko ang kurtina. Maliwanag pa rin sa labas. Kung sa Pilipinas ito ay paniguradong lubog na ang araw. Tumango na lang ako at sumunod sa kanya. Pagkalabas namin ng bahay, hinawakan niya ako sa kamay. Holding hands tuloy kami. Ang awkward pa rin ng feeling ko minsan pero iniisip ko nalang na asawa ko siya at normal lang naman ang mga ganitong bagay.
“Dati kapag pumupunta tayo dito gustong-gusto mong mag-sun bathing. Nakikipag-contest ka pa sa paliitan ng bikini sa mga ‘yan.” Tatawa-tawa itong ngumuso sa mga babaeng naka-bikini na naglalakad sa tabing dagat.
“Bakit hindi mo sinabi agad? Eh ‘di sana nagbikini ako,” biro ko. Naka-shorts lang kasi ako at fitted na spaghetti strapped. Pero sa totoo lang parang hindi ko maimagine ang sarili ko na naka-two piece bikini at nakabilad sa araw.
“Mas bagay sa’yo yan!” He chuckled. Napahinto naman ako.
“So hindi ko bagay magbikini?” I raised my brow. Bigla naman siyang napatawa sa tanong ko. Lokong to.
“Hmp!” irap ko at naglakad nalang. Natatawa naman siyang sumunod.
“Hey, are you mad?” natatawa niyang tanong at umakbay sa akin. Pinapalis ko ang kamay niya pero mas lalo pa akong kinabig payakap sa kanya.
“Wala naman akong sinabing hindi mo bagay magbikini ah!” natatawa niyang hayag.
I looked at him, amused siyang nakatingin sa akin.
“Really?” I raised my brow. Parang kanina lang sinabi niyang mas bagay pag di ako nakabikini.
“Yeah, bagay mo lahat kahit anong isuot mo, okay!” he chuckled and pinched my nose. Napahawak naman ako sa ilong ko. Feeling ko nagblush ako sa sinabi niya. Hehe!
“Pero mas bagay pag wala kang suot!” bulong niya saka kinagat ng mahina ang tenga ko at tatawa-tawang lumayo.
“Perv!” I shouted at hinaplos ang braso kong nag-goose bumps sa ginawa niya pero tumawa lang siya.