CHAPTER 6

4081 Words
• Steven • Tatlong linggo na at ganun parin ang set up namin pag nagkakasama sa private room, wala na kaming ginawa ng impaktang yun kundi ang magsigawan. Ayos nga, eh. Nakaka-wala ng antok pag nag-iingay siya. Badtrip nga lang kung bakit ang sungit sungit niya ngayon. Okay lang naman kami kahapon, ah? Problema nun? "Hey! What's with the face bro? At saka nasaan si Audrey?" tanong ni Rm. "Ewan ko dun sa impaktang amazonang yun, wala ng ginawa kundi sigawan ako kahit wala akong ginagawa sa kanya. Lintek!" nagtawanan naman sila. "Ayan din ang sabi sa'min ni Ashley at Mira, eh. Inis na inis daw siya sa'yo," sabat naman ni Rain. "Talaga bang nakakainis ako?" tanong ko sa kanila. "Bro, hindi naman sa ganun. Pero iba kasi ang tingin ng mga babae sa ating mga lalaki kaya mas maganda kung i-daan sila sa mga sweet talks." Tangina! Sweet talks? Ang bading amputcha! "Eh bakit ako? Si Mira, galit na galit parin sa'kin kahit wala akong ginagawa?" "Inborn na kasi yun!" ngumuso lang si Zake habang kami tawa ng tawa. Hindi na kasi lilipas ang araw hangga't hindi siya nasasaktan ni Mira. Bumalik na kaming pito sa classroom. Since tinatamad na kaming lumabas, pinili nalang naming mag-klase. Nagkasalubong kami nina Audrey kasama yung dalawang babae sa corridor pero hindi rin naman niya ako kinausap. Bwiset! Ano ba kasing ginawa ko!? Pagkarating namin sa loob ng classroom ay nawala na ako sa mood. Naupo na ako sa upuan ko at sinubsob ang mukha sa desk. Wala na talaga! Tinatamad na ako sa klase. Dismissal na. Nagkita ulit kami, this time sa hallway na pero wala parin. Iniiwasan niya ako ng tingin. Pagtatanungin ko siya sasabihin niya, "Not now. Wala ako sa mood." Nak ng putcha, nakakabarino na, ha! Hindi ako sanay ng nang-aamo ng babae! Nakita ko nalang siyang dumiretso sa gate, uuwi na yata? Sinabi nilang sundan ko nalang daw. Eh, wala rin naman akong magagawa. Ano ba kasing tama ng babaeng ito? "Hoy! Amazona!" tinawag ko siya pero hindi siya tumigil sa paglalakad. Putcha naman, oh! Hinigit ko yung braso niya para tumigil siya pero hindi parin siya tumitingin sa'kin. "Ano ba kasing problema?" "She— she told me everything." "Sino?" "Amara." Bigla akong natigilan. A-amara? "What are you talking about?" Takte! Ano ba ang kailangan ng babaeng yun? "Please, Seth. Just leave me alone or better yet umalis ka nalang sa buhay ko." I stilled for a moment as she left me dumbfounded at kasabay nun ang pagbuhos ng malakas na ulan. • Audrey • "Hoy! Amazona!" he called me but I didn't bother to look back. Shit naman, Seth! Just stop it! Please, habang nakakapagpigil pa ako. Naramdaman kong hinila n'ya ang kamay ko dahilan upang mapatigil ako sa paglalakad palayo, pero hindi ko parin magawang tumingin sa kanya. Ugh! I can't even look at his eyes because if I did, I'll lose. "Ano ba kasing problema?" tanong n'ya na punong puno ng pagtataka. I bit my lower lip. "She— she told me everything." I answered. "Sino?" tanong n'ya ulit. "Amara." I answered back. Yeah, si Amara nga. Ang kapatid yata daw ng ex n'ya. I know I'm not in the position to judge her and to get annoyed with her dahil sa mga sinabi nya, but the heck! I can't help it! Nagkita kami sa park malapit lang sa school at hindi ko gusto ang mga sinabi n'ya. At saka, hello? Seth is not my boyfriend for Pete's sake! Napansin kong humigpit ang pagkahawak n'ya sa kamay ko kaya napatingin ako sa kan'ya. Mukha s'yang natigilan. "What are you talking about?" napaiwas agad ako ng tingin, because he seems like a living monster right now. I saw madness at his eyes that is now staring at me. "Please, Seth. Just leave me alone or better yet umalis ka nalang sa buhay ko." I just said didn't bother answering his questions as I left him dumbfounded at kasabay nun ang pagbuhos ng malakas na ulan. I was in denial, ayokong isipin at aminin sa sarili ko na noon palang attracted na ako sa kanya. At habang tumatagal na nakikilala ko sya, my attraction to him grew stronger and developed to something I don't even know. Damn it! I hate this! I hate this damn feeling of mine! I don't know but all along I've been convincing myself that I don't like him. I hate the feeling na mapapadikit balat ko sa kanya, that feeling na paglumalapit s'ya sakin ay di ako mapakali. I don't even get through my emotions, bigla nalang bumibilis yung t***k ng puso ko when I know that he's around. "Audrey," nagulat ako nang may biglang humawak sa kamay ko at sapilitang hinarap sa kan'ya. "What?" irritable kong sabi while looking at his side, I cant even look at his eyes. "I-I don't know why but— but-," "But what?" I ask confused. Ngayon ay nakaharap na ako sa kan'ya. Napakamot lang s'ya sa batok n'ya seems like he doesn't know what to say. "Nevermind, tara na nga. Ang lakas na ng ulan oh!" saka n'ya ako hinila paalis. Damn! How can I stop it when you're always like this? "Hey! Let me go! I can go home by myself!" sigaw ko. We're now walking under the rain! Diba for couples lang ang thing na 'to? My goodness, Audrey Marie! You're starting imagining things again! "No! You'll come with me whether you like it or not!" sigaw n'ya pabalik saka n'ya ako hinila ulit pero di ako nagpahatak. "Please, don't make things any harder." But he didn't give a damn bagkus, binuhat n'ya ako na parang sako. "Hey! Put me down!" sigaw ko rito pero hindi n'ya ako pinansin. Takte naman, ano ba ang problema ng lalaking 'to? Hindi n'ya ba naintindihan ang sinabi ko? "Ano ba! Bakit mo ba ginagawa 'to? And what the heck are you thinking?!" inis kong sigaw sa kan'ya. "Shut up!" sigaw n'ya rin pabalik dahilan upang kahit labag sa loob ko ay tumahimik nalang ako. Nakarating kami sa may parking area ng school at pagkatapat namin sa kotse n'ya ay binaba na n'ya ako kaagad. "Hop in," he said in authority. I bit my lower lip to prevent myself to burst out in annoyance. Pag ganitong seryoso s'ya ay hindi na ako nakikipag-argue pa. Alam ko naman na hindi rin s'ya nagpapatalo plus, it's better to shut up than to hear his goddamn cusses! Kahit basa ay padabog akong pumasok sa kotse n'ya at nag crossed-arms habang hindi maipinta ang mukhang nakalean sa backrest ng passenger seat. After he entered the driver's seat, he already started the car engine. Hindi n'ya binuksan ang air-con because obviously it's already raining outside at pareho kaming basa. Wala rin kaming balak magkasakit. Pero, infairness kahit walang air-con ang lamig parin. Silence filled us. Napayakap rin ako sa sarili ko dahil sa lamig na nararamdaman ko. "Are you okey? You're shaking," basag n'ya sa katahimikan nang mapansin ang panginginig ko. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. "Yeah, I'm okey. Don't mind me, and please eyes on the road." "Don't worry malapit na tayo," sabi n'ya. "Where are we going?" I asked. "Stop asking," my lips protruded. Okey fine! Ang sungit. Matapos ang ilang minutong byahe ay nakarating na kami sa isang kilalang condominium sa Manila. Teka, sandali— condo? Anong gagawin namin dito? Dito ba s'ya nakatira? At saka, wala naman sigurong masama? Wala naman siguro s'yang gagawing masama? Uh, siguro? Pagkarating namin sa unit n'ya ay wala paring nagsasalita. I roam my eyes around his condo. Cool! Ang ganda! Masyadong malinis, hiyang hiya naman ang cockroaches na gumala sa condo n'ya. Pang high class talaga, puro ba naman glass ang makikita mo. Parang hindi lalaki ang nakatira. "Are you done checking out my condo?" Napabaling ang tingin ko sa kan'ya. He is now wearing a ward robe while holding a white plane towel. Ang bilis naman ata n'yang makapagpalit ng robe? "Ugh, whatever." I rolled my eyes. "Here," he said as he throw his towel at my face before he turned his back and left me here standing at the living room. Bastos talaga! "Thank you, ha!" feel the sarcasm, stupid Casanova! "You're welcome!" he answered back. Argh! I hate you! "Anyway, you can use the guest room. I already prepared you're clothes there. Pag-tiyagaan mo nalang yun, medyo malaki sa'yo." sabi n'ya habang paakyat ng kwarto n'ya at sinarado ang pinto. Napairap nalang ako. As if I have a choice? Pumasok na ako sa guest room. Na nasa tapat lang ng hagdanan. Pagkapasok ko ay dumiretso na kaagad ako sa may banyo and did my rituals. Matapos ang ilang oras ay lumabas na agad ako sa bongga n'yang banyo na nakatapis lang ng manipis na tuwslya. Feeling ko tuloy parang nasa bahay lang ako. Hindi sa bahay namin dito sa pilipinas kundi sa bahay namin sa Cali. It's a mansion probably. May pagka classy din kasi ang paggawa nung mansion namin. Knowing dad, he's a well-known business man on our country. Pagkalabas ko ng banyo ay nakita ko na kaagad ang hinanda n'yang damit para sa'kin. Isang pajama, lose shirt at undies. Teka— undies?! I felt my cheeks heated up. Where did he get these? Sa mga babae n'ya kaya? Ugh! What am I thinking? Ganito ba talaga ang epekto ng ulan? Nagiging overthinker? Bigla namang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha sa may kama at tiningnan ang screen. Kuya calling..... "Kuya!" I exclaimed after answering his call. (How's my princess?) he asked sweetly which made me smile. He is always like this when he missed me. And I already missed him too. "I'm doing well kuya. How bout you? It's been a while since you called me, huh? Are you busy these last few weeks?" hindi kasi s'ya nakatawag sa'kin these last few weeks kaya medyo nag-aalala na ako. Buti nalang tumawag na s'ya. Three times a week kaya s'ya tumatawag sa'kin para hindi ko raw s'ya mamiss. He's so sweet. That's why, I am so much thankful to have him. (I'm so sorry, sweetie. Dad and I have a business trip in japan last two weeks and I forgot to tell you about it because of a very full meeting schedule. I hope you understand.) "Naah, it's okey kuya. I understand, anyway... How's dad?) tanong ko na ikinatahimik n'ya bigla. I know he was taken a back at my sudden question because, everytime he called I never asked about Dad. You know? I don't have a good relationship with him. (You missed him?) Damn, he's teasing me. Pero alam kong nakangiti 'yan. "Kuya—," (Daddy missed you so much,) he said on the other line. "How is he?" I guess it's about time to ask about him right? He's still my dad, I know. (He's doing fine, he's always asking about you.) "Would you mind if—," "Audrey, what are you—" halos mapatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot si Seth mula sa may b****a ng pinto ng guest room na nasigaw tapos bigla nalang s'yang namula nang makita ako. "Problema mo ba ha?!" sigaw ko sa kan'ya nang marealize kong nakatowel lang pala ako. "Aahh! You jerk, get out! Get out of this room now!" I shouted at the top of my lungs while covering my body using my both hands. Nakatowel naman ako but, damn it! I dont want him to see me like this! Remember? He is still a retarded stupid Casanova! Napahinga naman ako ng maluwag nung umalis na s'ya at sinarado ang pinto. (What's happening? What happened? Are you alright?!) Napatingin ako sa screen ng phone ko. Jusmiyo! Naka on call pa pala! "Hello, kuya! Amh, ano— its just nothing, don't worry and just don't mind it I'm okay-yeah I'm fine." I said while controlling myself not to stammer. (Who's with you? I heard—) "Ahh, kuya.. ano kasi— may gagawin pa ako, eh. Uh, tatawag nalang ako sa'yo soon, okay ba yun?" I heard him chuckled. "Why?" I asked. (I didn't know that you are now talking in tagalog, huh? Well, not fluently but—,) "Kuya!" I pouted. Duh Audrey? As if he sees you, stupid! (Hahaha, okay— okay. See you soon baby, bye.) Nabigla ako. See you soon daw? Does it mean he'll going to visit me here? "Ku—," But he hung up the call already. Napatitig nalang ako sa phone ko kung nasaan ang wallpaper ko ay kaming dalawa ni kuyang nakangiti. I missed my kuya, very much. I miss his sweetness, I miss his annoying face when teasing me, and I miss our bonding. After kong magbihis ay lumabas muna ako sa guest room. I'm hungry. Nahihilo na din ako, feeling ko matutumba ako. Pagkalabas ko ng kwarto ay sumalubong naman si Seth na pababa ng hagdan. "Audrey, are you okey?" he asked with his worried face. Seriously? He calls me at my name? That's new. I guess this was the first time that he calls me not using pet names. "Yeah, I guess." Lumapit naman s'ya sa'kin as he put his right hand at my forehead down to my neck, checking if I'm sick? "s**t! You're burning!" nalito naman ako. "What are you talking about? I'm just—," Then all went black. • Steven • Pagbaba ko ng kwarto ko ay sumalubong naman sa akin si amazona wearing my shirt and pajamas, medyo malaki nga sa kan'ya. Ang cute n'ya ngang tingnan, eh. Mukha s'yang scarecrow, the living scarecrow. Aasarin ko na sana s'ya nang matigilan ako dahil sa mukha n'yang namumula. Is she blushing or something? "Audrey, are you okay?" tanong ko, syempre nag aalala din ako. Kasalanan ko nga kung bakit kami naulanan. Oo na! inaamin ko kasalanan ko! Pero ngayon lang, no! "Yeah, I guess?" sagot naman n'ya. Pero hindi, eh. Lumapit ako sa kan'ya para tingnan s'ya. Nung lumapat ang palad ko sa noo n'ya ay para akong nakuryente. s**t! Tapos yung leeg n'ya naman. Putcha— "s**t! You're burning!" sabi ko na nga ba eh! "What are you talking about? I'm just—," hindi n'ya na natapos ang sasabihin n'ya nang mawalan s'ya bigla ng malay. Para akong tinulos sa kinatatayuan ko dahil sa nangyari pero nabalik naman ako sa reyalidad nang bigla nalang kumidlat saka ko s'ya dinaluhan. "Audrey!" inalog alog ko siya, pero naramdaman kong ang init n'ya talaga. Fuck! What the hell should I do? Binuhat ko agad s'ya at inakyat sa kwarto ko. Binuksan ko kaagad ang pinto ng kwarto ko at hiniga s'ya sa kama. Kinumutan ko siya. Aalis na sana ako para kumuha ng maligamgam na tubig nang biglang nang s'yang magsalita. "Please, don't leave me." Nakahawak siya sa kamay ko at umiiyak. When I see her crying silently, I felt my heart skip a beat. Para bang ang sakit. Lumapit ako sa kan'ya at hinaplos ang noo niya. "Hindi kita iiwan, Audrey. Hinding hindi." I said firmly as I kissed her forehead. Fuck! What the hell is happening to me? So gay! Pumunta ako sa banyo para makakuha ng maligamgam na tubig. Pagkabalik ko sa kwarto, nakita kong balot na balot siya ng kumot. "Please don't leave, please? Dito ka nalang," rinig kong sabi n'ya ulit. Takte, ang sakit talaga eh. Bakit kailangang ulit ulitin pa niya?! At saka, sino ba ang napapanaginipan n'ya? Ex n'ya kaya? O baka naman boyfriend n'ya? Maisip ko palang ang naiisip ko, parang ang sakit na. Tsk! Tangna, ano bang kabalbalan ang nangyayari sakin? Tinawagan ko ang ate ko para pumunta sa condo ko. At oo, may ate nga ako. Wala pang thirty minutes ay nasa condo ko na s'ya. Hindi ko kasi alam kung ano gagawin at saka, basang basa na s'ya ng pawis hindi naman pwedeng ako maghuhubad sa kan'ya ng damit no! Kahit Casanova ako, may respeto naman ako. "Ate halika. Paki punasan mo naman siya," Hila hila ko ang ate ko papasok sa loob ng kwarto sa condo ko. Tinanggal ko ang kumot at kitang kita kong namumula na si Audrey sa taas ng lagnat n'ya. "Holy s**t, Steve Seth Park!" napamura si ate sa akin. Ano bang problema ng gurang na to? Alam kong nagpabaya nanaman ako sa babae pero wala naman akong ginawa sa kan'ya. "Wh-who, P-paanong... What the f**k is this?!" sunod sunod at medyo nauutal pang mga tanong ni ate sa akin. Ha? What? "Aish! Lumabas ka na nga muna ng room!" sambit n'ya at pinagtulakan ako ni ate palabas ng sarili kong kwarto. So nice, just nice! After a while ng paghihintay ay lumabas na agad ng kwarto ko si ate. "Oh walang papasok sa loob." Pagpipigil ni ate sa akin nung hinawakan ko ang doorknob. "Bakit, porket hinawakan ang doorknob papasok na kagad? Di ba pwedeng hinihipo ko lang?!" oo ate ko siya at ganyan kami magsagutan. "Hoy, Steven Seth Park! I know if what's running in your freaking damn mind kaya doon ka sa sala!" Talagang pinagtatabuyan na ako ng kapatid ko,ah? Hayup talaga 'to. Minsan talaga ayoko nang umuwi yan dito,eh. Basta kapag nandito kasi yan sa pilipinas, parang bitter, kapag nasa korea naman sobrang flirt. Bipolar ata. Depende sa bansa? Eh? May ganun ba? Ilang beses na ring naglabas pasok si ate sa kwarto ko. Ako naman aligagang aligaga. Nag-aalala ako kay Audrey. Hindi ko naman kasi alam na tatablan pala siya kaagad ng sakit, eh. Kamusta na kaya siya? Si ate kasi eh masyadong epal, sana pala di ko nalang s'ya pinapunta dito. "Ate, is she okay?" tanong ko nang makalabas s'ya ng kwarto ko. "Yeah, medyo bumababa na yung lagnat n'ya. Ano ba kasing nangyari at nagkasakit s'ya?" tanong n'ya sa'kin na nakapamewang pa. "Naulanan kasi kami kanina. Hindi ko naman alam na tatablan pala agad yan ng sakit kaya ayan," paliwanag ko naman, mahirap nang mabatukan no? Sadista pa naman yan, baka masapak ako ng wala sa oras. "Sa susunod kasi magdala kayo ng payong! At saka may kotse ka naman ah, bakit kasi nagpabasa pa kayo ng ulan? Hay nakung bata ka talaga!" saka s'ya napakamot sa batok n'ya at pumasok na ulit sa kwarto ko. May saltik ata talaga tong babaeng to sa tuktok, eh. Buti nalang di ako tulad n'ya. • Audrey • Naalimpungatan ako sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. "Hmm..." ayoko pa kasing bumangon. Tsk! Sabi ko naman kay Yaya na wag na wag n'yang bubuksan ang bintana ng kwarto ko, eh. Kulit din ng lahi nun. "Hey, gising na." Ano ba yan. Hanggang dito ba naman sa bahay boses parin ni Seth naririnig ko? Naririndi na tenga ko. Naramdaman ko na may yumuyugyog sa akin. "Hmm... Ghad Yaya?! I still want to sleep." I heard him chuckled. "Wala ka sa bahay mo Ms. Amazona," napadilat ako bigla sa narinig ko. Agad akong napabangon sabay masid sa paligid. Ako nalang ang tao sa kwarto. Ginala ko ulit ang mata ko sa paligid. Doon lang nagsink in ang nangyari sa akin kahapon. I look at myself under the blanket that covers my body and— I don't like the idea I was thinking right now. "Steven Seth Park!" Hayup kasi! Wala akong suot na damit, as in wala! "Oh?! Bakit?! What happened? May masakit ba sayo?" lumapit siya sa akin. Tinitignan niya ang bawat parte ng katawan ko. Para bang iniinspect niya kung may something. "Ano ba! Just get out!" he suddenly looks confused. Eh kasi... Kahit ganito ako, I'm still a virgin! "Where the hell is my clothes?! Anong nangyari kagabi?" naguguluhan parin ako. Si mommy kasi ang huli kong nakita, eh. Bigla niya akong binigyan ng nakakalokong tingin. Unti unti siyang umupo sa kama. Malakas niyang nilapag ang kamay niya sa kama. Dahilan para tumalbog yung kama (bola?!) Ahh, basta parang umalon yung kama basta masyadong malakas ang binigay niyang force sa kama. Tapos, unti unting sumampa si Seth sa kama at papalapit sa akin. Nakangisi parin siya ng nakakaloko. Lumalapit siya at ako naman ay lumalayo sa kanya. Until I was cornered by this stupid retarded Casanova. Nasa edge napala ako ng kama that means, kapag umatras pa ako ay malalaglag na ako at pag nalaglag ako, makikita n'ya ang buong katawan ko pagnagkataon! "Hoy Steven Seth Park!" nagulat kami dahil biglang nagbukas ang pinto. I saw a beautiful girl entering the room while carrying her bag. Looks like ka-age lang sila ni kuya drew. "Tigil-tigilan mo nga yan! Umaandar na naman yang kamanyakan mo!" she looks beautiful! "Aish! She's the one who undressed you last night. Nilagnat ka lang naman kasi," sabi n'ya then umalis na s'ya sa pagkakasampa sa kama. I smiled at the girl that is now smiling at me. Girlfriend niya kaya yun? "I'm going," masungit na sabi nung babae kay Seth. Then she wave at me while smiling. Hmm, if you'll going to analyze that she's seth girlfriend, flirt s'ya. But no, parang kayang kaya niya si Seth. "Ge, ate salamat." Ahh, ate lang pala niya. Lumabas na sila ng kwarto. I saw my clothes at the bedside table. Nagshower ako at nagbihis then I checked my phone kung may mga messages. 200 messages 45 misscalls Lahat galing kina Ashley at mira. May message din na galing kay kuya. Binasa ko ang messages at pare-pareho lang din naman ang mga tanong nila. From mira: Girl where are you? From Ashley: Audrey nasan ka? From Kuya: I'm going there with savanna and Kyle. Don't worry, I already buy you pasalubong. See you there sweetie, kuya misses you so much. OMO! I can't wait to see them again, kyah! I hurriedly get all my things and went out running towards the dinning area. I saw seth preparing a breakfast. "Seth-" "Let's eat, I prepared breakfast for you." "A-ahh, O-okey.. But after this, you should take me home whether you like it or not. Uuwi ang kuya ko from California, I should be home before sila makarating." he just smiled, a sad one. "Okey, as you say so." • "Thank you for driving me home." I said as I took off my seatbelt and open the car's door para lumabas. As what I have told him a while ago, hinatid nga n'ya ako sa tapat ng gate ng bahay namin. He just smiled and mouthed "You're welcome," saka pinaharurot n'ya ang sasakyan nya paalis. Before heading inside the gate ay may bigla namang bumusina sa likuran ko dahilan para mapalingon ako bigla. And to my surprised. "Kuya!" I shouted as I run towards the car. Lumabas naman s'ya ng kotse kasunod ng dalawa which is ate savanna and kuya kyle wearing wide smiles when they saw me. Dinambahan ko naman kaagad ng yakap si kuya nang makalabas s'ya ng kotse. "Kuya! I missed you so much." I said, while hugging him so tightly. He just hugged me back and kissed my hair. "Kuya missed you more, sweetie." "Hey sissy, I'm getting jealous here. Aren't you missed me too?" singit naman ni ate Savannah while pouting her lips that made her look so cute. Kumalas naman ako sa hug ni kuya na natatawa pa sa inasal ng girlfriend n'ya. Savanna Alvarez is my brothers' girlfriend. She's pure American but she knows how to speak tagalog, amazing right? Not like my brother, he doesn't even know how to pronounce it but, he can understand naman. Daddy taught us about that language when we were in gradeschool at nadadala ko yun till now pero si kuya? Ewan ko ba sa kan'ya. "Of course not ate. You know that I missed you more!" sabay damba ko sa kanya ng hug. Naramdaman ko namang may yumakap din samin at napagtanto kong naki-hug din pala yung dalawa kaya naman nag group hug nalang kami. "What about me? Hindi mo ata ako namiss, eh. Kakatampo ka pinsan ha!" reklamo ni kyle habang nakayakap sa'kin. Nathan Kyle Anderson was our cousin in our father side. And for clarification, he is 3 years older than me, magkakaedad kasi silang tatlo that means I'm the youngest. He can fluently speak tagalog because his parents raise him here for almost 15 years and went back to America when he's 16. "Naku! Makakalimutan ba kita? Over my dead beautiful body no!" then nagtawanan kami. After that scene, we decided to go inside the house para mas makapagkwentuhan kami about our lives. Ang dami nilang baong kwento sa'kin lalo na ang mga pasalubong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD