CHAPTER 7

2679 Words
• Lance • (Tol, bar daw sabi ni Steven,) kausap ko si Zake sa phone. "Sige sige, I'll be there in a few." I hung up the phone as I grabbed my keys. Palabas na sana ako ng building ng makasalubong ko si Aina. She's Hinnayah Ruiz, Aina for short. She's studying at Waston University, kabatch lang din namin. Matagal ko na siyang crush at kilalang kilala din s'ya ng barkada dahil minsan ko na s'yang pinakilala sa kanila bilang close friend at kapitbahay. Dito din kasi siya sa building na to nakatira at magkatapat lang ang unit naming dalawa. "May lakad ka Lance?" tanong niya sa akin habang nakangiti. Ang ganda talaga n'ya. "Ha? Ah—eh oo, eh. Pupunta ako sa bar," sabi ko. Nakakatorpe talaga tong babaeng 'to. "Ah ganun ba? Si Steven na naman ba?" kahit kalian talaga mind reader 'to. May pagka psychic kasi yan. "Oo, eh. Ewan ko kung ano na namang trip ng mokong na yun. Sige alis na ako," sabi ko naman. "Sige, ingat ka." Pagdating ko sa bar, naabutan ko si Zake na hinihimas himas ang likod ni Steven na halatang lasing na lasing na. Ayan kasi, maglalasing tapos hindi naman pala kaya. Ibang klase. "Bro, di ko na mapigilan eh," sabi ni Zake sa akin nang makalapit na ako sa gawi nila. "Sige, ako na ang bahala. Mag enjoy ka na dun. Alam ko naman kanina ka pa sabik na sabik, eh," sabi ko tas ayun si Zake, parang bata na nagtatatalon talon at nilapitan ang isang babae. Napailing nalang ako. Kahit kailan talaga 'tong taong 'to hayok sa babae. "Bro, tama na yan. Lasing ka na," pilit kong kinukuha ang baso sa kan'ya. Isa rin 'to. Ano na naman kayang problema ng taong to at naglalasing ng ganito? Huli ko kasi s'yang nakitang naglasing ay nung naghiwalay sila ni Amber. "Sinong lashing?" sabi niya habang sinisinok. "Walang lashing— walang madaling malashing sha barkada. Peste yang Amara na 'yan— oras na malaman kong may pinagshashabi shang 'di maganda kay Audrey, she'll talk to my fisht— kahit babae sha! I will rip her head off or make her unfucking recognizable!" talak n'ya at napasubsob ang ulo niya sa lamesa. Napataas ang kilay ko sa sinabi n'ya. Si Amara? Yung kapatid ni amber? Kinausap n'ya pala si Audrey? Kaya ba ganun nalang ang pag-iwas sa kan'ya ni Audrey nitong mga nakaraang araw? Ano na naman ba ang pinaplano ng bruhildang yun at ginugulo na naman n'ya ang buhay ni Steven? Dinamay pa pati si Audrey! Matagal na namang hiwalay silang dalawa ng kapatid n'ya, ano na namang ikinapuputok ng butchi n'ya? Oras na malaman kong may gawin silang 'di ko magustuhan kay Audrey humanda sila sa'kin! Napalapit na rin sa'min si Audrey and we threat her as one of our gang already. Mabait naman si Audrey, eh. She's a girl version of Ken. May pagkamataray nga lang talaga. At ito namang 'to, hindi na siya ang dating Steven na nakilala namin. Ang steven na masungit. Ang steven na babaero at malandi. Wala na yun. He's f*****g changed a lot and that was all because of Audrey. He is now overprotective and always cared about her, dati halos hindi mo s'ya makausap ng matino. Not until Audrey came and changed everything. Tinawag ko ang waiter para makaalis na kami. "Tol halika na iuuwi na kita," inalalayan ko si Steven na makatayo. Tangna! Ang bigat pa naman nito! "Ugh! Ugh!" oh s**t! Nagsuka pa, kadiri 'to! Buti nalang may dala akong pamalit. Maiuwi na nga 'tong taong 'to. • Tyler • Sinenyasan ako ni Lance na aalis na sila kaya tumango nalang ako bilang tugon. Hays. Kahit ganyan 'yan si Lance, sa totoo lang broken hearted yan kay Aina. In love pero 'di kayang umamin. Di pa kasi nakakagraduate sa torpe university, eh. Buti pa ako maayos ang lovelife Walang girlfriend. Puro fling lang. Sila kasi masyadong sineseryoso. Bigla namang tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko agad ito mula sa bulsa ko at tiningnan kung sino ang tumawag. Alissa calling.... Isa rin 'tong babae na to. Wala ring lovelife. Alissa Ferrer was once my fiancé. Oo naging fiancé ko nga 'yang babaeng yan a few years ago, 'di nga lang natuloy dahil 'di naman namin gusto ang isa't isa at saka, may boyfriend s'ya that time at ako naman iritang irita sa presensya n'ya. Ewan ko ba basta ayaw ko sa kan'ya, so we both decided to do something just to stop that nonsense and it works. Tho, we still end up being friends. "Oh, yes babe?" sagot ko sa tawag n'ya at wag na kayong magtaka gan'yan talaga ako sa kan'ya, nasasanay na nga akong tawagin s'ya sa gan'yang endearment, eh. (Babe your face stupid. Saan ka?) "Ouch lang ha! Maka stupid 'to, eh. Dito ako sa bar, why?" (Come here at my pad, ASAP. I need you right now.) "Okey, I'll be there in a minute," saka ko in-end agad ang call. "Aalis ka na?" tanong ni Rm habang nainom ng brandy. Magkaharap lang kasi kami dito sa may bar drinking at kung tinatanong n'yo kung nasaan yung iba? Ayun sa dancefloor nakikipaglandian. "Oo, eh. Tumawag kasi si Alissa." "Aba, bro. mukhang nagkamabutihan na kayo ng Ex fiancé mo, ah! Don't tell me you've fallen for that brat na masungit, ha?" gago talaga oh, inasar pa ako! "Gago! Iniisip mo, eh! We're just friends! Diyan ka na nga." Tumayo na ako at pumunta na sa pad ni Alissa. Maybe, lahat sila nasusungitan sa kan'ya. Pero hindi nila kilala ang tunay na Alissa Ferrer. Ang alissa na mabait, masayahin, makulit at malambing. Pagdating ko dun, nakita ko siyang umiiyak. Fuck! This is what I hate seeing her crying! "Hey! What happened?" napayakap siya sa akin pagkapasok na pagkapasok ko palang sa pad n'ya. "H-he... he broke up w-with... me," yeah she has a boyfriend. "Why?" taka ko namang tanong sa kan'ya. Naupo muna kami sa may sofa sa sala ng condo n'ya saka s'ya nagkwento. And f*****g asshole! Niloko lang niya ang kaibigan ko? He's having an affair with other girl? Akala mo naman kung sinong napakagwapo, eh dumi lang naman s'ya sa kuko ko! s**t talaga, eh! Sino ba s'ya sa akala n'ya? Tangina, hindi ko nga to nagawang saktan tapos s'ya—ugh! Pag nakita ko lang ang gagong yun humanda s'ya sa'kin! He'll going to borrow a shitty dog's face! "Shhh, enough Alissa. He doesn't deserve your tears," pag-aalo ko sa kan'ya. "May mali ba sa akin? Why did he do this to me?" umiiyak n'yang tanong na hindi ko rin naman masagot. "Tyler ang sakit lang— it really hurts a lot!" She added between her sobs. Pity her, she doesn't deserve this. "Sige ilabas mo lahat ng sama ng loob mo. Cry as long as your heart content but after that, just make sure you won't cry for the same reason again." I said tapping her back gently. And with that, she cried a lot seems like there's no tomorrow until she fall asleep at my arms. Naaawa ako sa kanya, she doesn't deserve any of this tears. Humanda talaga sa'kin ang gagong na yun! Hinding hindi ko talaga mapapalagpas ang ginawa n'ya! • Steven • Nagising ako sa sikat ng araw na tumama sa mukha ko. Tsk! Sino bang hukluban ang nagbukas ng kurtina sa bintana ng kwarto ko? Napatingin ako sa alarm clock sa bedside table ng kwarto ko and it's already 12pm. Babangon na sana ako nang maramdaman ko ang sakit ng ulo ko. Tsk! Hangover, naparami ata ang inom ko kagabi— Bigla akong natigilan. Sandali nga! Paano nga pala ako nakauwi? Sa pagkakaalam ko nasa bar kami nina Tyler nag iinuman, ah? "At last you're awake," napabaling agad ako ng tingin sa nagsalita dahilan upang mamilog ang mga mata ko sa gulat. "Audrey?" hindi ko makapaniwalang tanong. Tangina! Lasing parin ba ako? Putcha! "What?" nakataas kilay n'yang tanong. Ang taray talaga ng babaeng 'to. "As if you saw a ghost based on your face expression, duh!" she said as she rolled her eyes. Maldita talaga kahit kailan. "Well, if you're wondering why I'm here? Lance called me last night to come over at exactly 11pm! And you know what's worst? Nagsinungaling lang naman ako sa kapatid ko just because of you!" sabi n'ya habang nakapamewang. I raised my eyebrow. Kasalanan ko ba yun? "Pwede mo namang tanggihan si Lance, ah. So why still bother? Unless ginusto mo din." I smirked. Bigla naman s'yang nagblushed. Huh! Got yah. Sinasabi na, eh. May gusto rin sa'kin ang babaeng 'to. "You know what? Hindi ka lang pala mayabang, assuming pa! FYI lang ha! Do you think I will come over here just to see you? Over my dead body Mr. Park! Naawa lang naman kasi ako kay Lance dahil sa pinagagawa mo kagabi! And don't you know that you're keep calling my name even when you're sleeping?" sabi niya na ikinatigil ko rin. This time, s'ya naman ang napasmirked. Sandali— tinatawag ko ba pangalan n'ya? "At bakit ko naman tatawagin ang pangalan mo! Mandiri ka nga! Ang pangit nga ng pangalan mo, eh! Kasing pangit mo!" putcha! Halatang defensive Steven?! Ikaw ba yan?! "So defensive, napaghahalata ka, eh. Anyway, you're breakfast is ready kumain ka nalang if you want and don't worry, I didn't put something on you're foods so it's safe. Aalis na ako baka hinahanap na ako ng kapatid ko, bye." saka s'ya naglakad patungo sa pinto ng kwarto ko. But before she step out from my room ay wala sa sariling tinawag ko ang pangalan n'ya. "Audrey," napalingon naman s'ya sa direksyon ko. Shit! Bakit ko ba sya tinawag?! Stupid steven! "Yes? You need something?" "Ha? Ahh, w-wala-wala. S-salamat nga pala," saka ako nag-iwas ng tingin. Tangina! Ako ba 'to? Ano bang nangyayari sa'kin? I didn't even bother to look at her. Napansin ko naman sa gilid ng mata kong napangiti s'ya. Huta! Ba't ba ang ganda n'ya kahit anong anggulo? Putek! "You're welcome. Pero sa susunod, pag hindi mo naman pala kayang uminom 'wag ka nang uminom, or better yet, iinom ka pero 'wag yung sobra. Sige babye," sasagot na sana ako pero lumabas na s'ya agad. Pang-asar talaga ang babaeng 'to kahit kailan. • Audrey • Pagkalabas ko ng kwarto n'ya ay nakahinga na agad ako ng maluwag. Shit! Why am I acting strange these last few days lalo na kapag kasama ko s'ya? "Aalis ka na?" napatingin ako sa nagsalita. Si Lance pala, akala ko ba umuwi na 'to? "Umh, yeah. I bet my brother was looking for me already. Hindi ko kasi dala cellphone ko baka nag aalala na yun, eh," sagot ko naman. "Hatid na kita. Tutal kasalanan ko naman dahil naperwisyo pa kita," pag-aaya n'ya pero umiling lang ako. "No, it's okey magkaibigan naman tayo, eh and I can handle myself. Don't worry," tanggi ko habang nakangiti. "I insist," pilit n'ya kaya napabuntong hininga nalang ako. "Okay, as you say so," maglalakad na sana kami paalis when I felt someone hold my wrist as he dragged me closer to him. Napalingon naman ako sa kan'ya. Ano na naman bang kailangan ng taong 'to? "Lance, stay here. I'm the one who'll drive her home," he said which made me look confused. "Pero—," hindi na nakapalag si Lance nang hilahin na ako agad ni Seth palabas ng condo n'ya. "What the hell are you doing? Aren't you supposed to have some rest? You still have a hungover right?" sabi ko nang makapasok na kami sa elevator. Umaandar nanaman ata pagiging stupid n'ya! "Tsk, stop talking! Nakakaturete sa tenga, eh. Can you just shut up your mouth?" wala sa mood n'yang sabi dahilan upang umurong ang dapat ay sasabihin ko pa sana. Tatahimik nalang nga ako, bahala nga s'ya sa buhay nya! I'm just concern but he's still acting stupid! He stopped his car in front of our house before he turned his gaze at me. "I'll fetch you tomorrow morning here at your house so don't be late. I hate waiting," he said with authority which leave me no choice. Napairap nalang ako sa hangin. Kahit kailan kasi talaga napakabossy n'ya! "Whatever." I said as I took off my seatbelt and open the cars' door but right before I stepped out from his car ay bigla n'yang hinawakan ang kamay ko dahilan para mapalingon ako sa kan'ya. "Don't think about ditching me young lady," he stated with a warning tone which made me rolled my eyes for a second time. "As if I have a choice," sabi ko bago tuluyang lumabas ng kotse n'ya. Dire-diretso akong naglakad papasok sa bahay namin at bahagya ring bumagal because some kind of commotion that I'm hearing inside. Maingay sa loob ng bahay ngayon. How come na nag-iingay sila kuya? Everytime naman kasing umuuwi ako, madadatnan ko nalang sila na nanonood ng tv sa sala o 'di kaya'y nagfofoodtrip sa rooftop ng bahay. Naningkit ang aking mata at napantig ang tenga ko when I heard a familiar voice kaya naman mukha akong tangang nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay. Napatigil ako at bahagyang napaawang ang aking bibig when I saw my dad talking with kuya, ate Savannah and Kyle here at the sala with my butler and personal maid. "Daddy?" I trailed off. My dad looked at me and smiled. He walked towards me and gives me a tight embrace. "How's my daughter?" malambing n'yang tanong sa'kin. "I've missed you a lot," dugtong n'ya pa. Para akong tinulos sa kinatatayuan ko. "I-I'm fine." I answered unsure. Shit! Why am I stammering? And what's with my Dad? I can't believe he was here. "Why are you here?" I asked him. It's a good thing that I'm able to hide the sarcastic tone of my voice. I can almost hear myself laughing at my question. "Baby, aren't you missed me too?" I rolled my eyes. "Dad, I know that you only came here for business and not because of me. Stop pretending that you cared about me but actually not." I control myself not to lose my temper. "Audrey," it's kuya Drew with his warning tone. "Snap out of it, aren't we talked about it last time? I thought you already understand." I released a deep breath before facing them. "I'm sorry, I'll go to my room now. I still have a lot of assignments to finish," aalis na sana ako nang magsalita ulit si Daddy. "We have a formal dinner to attend tomorrow. It was a very short notice but we've made it on time. So you better go straight home from school." Napalingon ako sa kanila. "Kasama ako?" I pointed myself. "Yes, sweetie." Kuya answered. "Hey sissy, I bought you many dresses. It's already in your room. Check them later and look for something to wear tomorrow night, okay?" ate Savannah stated with a smile form to her lips. "Okay," Sabi ko nalang saka ako tuluyang umalis at umakyat ng hagdan papuntang kwarto ko. I'm sure that whoever can see us right now, they'll think that there's nothing wrong with our family like we have no issues, that I have no issues. But I don't still have the rights to demand, I'm just his daughter and he's my Dad. At isa pa, alam ko naman kung anong isasagot n'ya if I demanded for more time from him. Sasabihin lang naman n'yang he's busy running our companies, he's busy in his works. Busy nalang s'ya lagi and that was for my future daw! I can work on my own future. They don't have to overwork their selves to the point na nawawalan na sila ng time for me, especially my Dad. And besides, one year nalang ga-graduate na ako. They don't need to fund me anymore. Pagkapasok ko ng room ko ay bumungad agad sa'kin ang mga dresses na binili ni ate Savannah sa'kin, but I didn't bother to look instead sumalampak agad ako ng higa sa kama ko. Till when should I wait for more time from him?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD