holding hands sa eri

1566 Words
“Sinugod ka raw ng ina ng isa sa mga bully ko na sinaktan mo,”bungad kaagad ni Elias. Kuyate naman kakarating ko lang po eh nakikimosang ka kaagad. Painumin mo muna ako ng tubig, kaloka ka po. Si Lucy na naman ang naibalita sayo noh? Napaka mosang talaga ng babaitang yon. Alam mo Elias duda na ako dyan kay Lucy. “Correction your honor, I am Elisse Peralta Marcos. Here's your water your honor. At huwag mo akong makutya-kutya dyan kay Lucyfer mong kaibigan yuck kadiri ka sisteretz,”sabi pa niya. Ikaw ang yuck Elias, kadiri ka rin uy. Ninanakaw mo siguro ang mga panty ko ano? Huwag na huwag mong galawin ang mga Victoria Secrets kong thong at tbacks na regalo pa nina tita at auntie. Uupakan talaga kitang baklatot ka. “Hoy Yette Marcos na ipinaglihi sa bulkang Mayon. Huwag mo rin akong pagbintangan dahil hindi ko type ang mga tbacks at thong thang thing mo. Kapag sinuot ko ang mga iyan mahihirapan lang akong sipitin ang mga christmas balls ko. Idagdag mo pa ang sticks kong pinagpala gets mo,”sigaw niyang sabi. “Diyos por santong mga nilalang kayo, hindi parin nagbabago iyang mga pag-uugali ninyo. Ewan ko ba kung bakit nagkapalit kayo ng pagkatao. Ikaw Elias galaw babae pero nilagyan ng diyos ng talong at bola. Si Yette naman daig pa ang kuya Raiden ninyo sa katapangan pero ginawang babae,”problemadong sabi ni mama Nina. Ang aming yaya na mula pagkadalaga hanggang nagkapamilya nasa poder parin namin kasama ang kanyang asawa na driver na din ni daddy noon binata palang ito. Mama and papa ang tawag namin sa kanila dayon na ang nakasanayan itawag simula pa kay kuya Raiden. “Masanay kana dyan sa bunso mong alaga mama kinulang yan sa buwan kaya may pagka-tililing mag-isip,”pairap na sabi ni Elias. Uy Elayas na kuyate sino ba ang may tililing sa ating dalawa. Pinasubo na sayo yong maliit na Tt--- “Maria Yette Marcos bunganga mo,”putol ni mama sa aking sinabi. Mama naman eh di pa ako tapos. Pinasubo yong singliit lang na tt ng unggoy sa'yo di ka parin nag-react. Gustong-gusto mo rin talagang makita yong TT nya eh. “Yette, tumitigil na sabi eh, kababae mong tao binilisan mo pa talaga ang pagbigkas ha. Naku kang babaita ka makukurot ko na yang singit mo eh,”mama Nina frustratedly said. Puro kasi make up ang inaatupag mo eh kaya hindi ka natutong mag-aral ng martial arts. Hindi sa lahat ng oras may tagapagtanggol sayo kuyate. I know that you trust my strength to face them kahit hindi mo man aminin hehehe. “Ang yabang mo talagang bruha ka,”sabi pa niya. “Tama na nga iyang mga bangayan ninyo. Get ready dahil manananghalian na tayo,”sabi ni mama Nina sabay alis. “Yette, paano ba niya nalaman na ikaw ang bumugbog sa anak niya? Ang bilis naman niyang nakasagao ng balita,”pangungulit pa ni Elias. Malamang maretes siya kaya agad niyang nalaman kung saan ako nag-aral. “Tapos anong ginawa niya? Sinabunutan ka pa sinampal, sinipa o ano pa. Sabihin mo na bunso because I'm worried,”baklatot niyang sabi. Talaga lang Elias huh? Worried ka sa ginawa ng ginang. Tuno mo uy tuwang-tuwa kung nangyari man sa akin ang mga binanggit mo. Sinugod lang naman niya ako kaagad pagkapasok ko sa guidance office. Minura niya ako ng husto at gustong ipasok sa jail. “Tapos anong ginawa mo?”singit ng bruha. Pwedi ba patapusin mo muna ako nakakainis ka. Ayaw niyang makinig ng magpakilala ako. Para siyang machine gun na ratatatat-tatat kahit inawat ni sir. Kinuha ko ang phone ko sa bag at binuksan ito habang off light ang office. Nakita niya ang lahat ng mga pangyayari kaya umiyak na tila naduwag. Mas lalong kahihiyan yon dahil sa office ng guidance pa talaga siya nagwala. Syempre sinabi ko na si Atty. Raiden Peralta Marcos na ang bahala sa kaso. Nagmamakaawa na kausapin ako pero hindi ko na pinagbigyan. Umalis na kaagad ako, nasisira lang ang araw ko dahil sa kagagahan niya. “Ay ang taray ng sisteretz ko, I like you and I love you talaga. Salamat huh dahil palagi kang nariyan for me. Ewan ko ba kung bakit hindi ko talaga type ang martial arts. You know baby sis, I am a soft heart kasi yong tinatawag nilang pusong mamon daw. Hindi ko talaga kayang manakit ng kapwa eh,”sarap sabunutan ng impakta. Kaya pala okay lang sayo na paglalaruan ka nila. Di ba ang mga baklatot palaban, walang inuurungan. Sila pa nga ang mas kinatatakotan kasi di sila nagpapatalo kahit sa dibatihan. Mag-aral kana ng martial arts Elias para kaya mo namang ipaglaban ang iyong sarili. Tanggap namin kabaklaan mo pero paano kung di ka namin masaklolohan. Sa ginawa nila sayo alam mong anxiety at depression ang kahahantungan mo. Kapag namatay ka magluluksa kami like 40 days o maximum 2 months. Tapos back to normal na ang buhay namin habang paunti-unti kang naaagnas sa ilalim ng netso. Magiging matatag kami to accept the fact na nasa kamay kana ni God at hindi na babalik. Nobody can stop our death kung sakaling oras na natin right? Pero at least lilisanin natin ang mundo na sinubukang lumaban bago lumisan. Kaya huwag mong hayaan na mangyayari ulit sayo ang pangyayari na yon Elias. Simula bukas uumpisahan ko na ang paglatigo sayo. “Hoy maghunos dili ka bunso, sayang ang makinis kong skin kung lalatigohin mo ako. Ayoko ng ganyan, bigyan mo nalang ako ng ibang task,”reklamo pa niya. Eh di pumasok ka sa PMA kasama ni kuya Yasser tapos isasalang ka sa Sulo hahaha. Nga pala dumating daw si Austin galing America. Bakit hindi dumiretso dito para iwanan ang aking pasalubong. “Ikaw lang naman ang nag-iisang babae na pasasalubongan ng lahat bakit ba atat na atat ka?”inis niyang sabi. Remember may karibal na ako sa pasalubong. Sina ate Amber at Bella hehehe. oooOooo Linggo ngayon kaya naisipan namin ni Lucy na magsimba muna bago gumala para mag-shopping. Gusto kong bilhan si Austin ng gift sa nalalapit niyang kaarawan. It's my own money mula sa aking Yette BabyShop Collection. Sa awa ng Diyos I have eight branches na. “Bestie, nag text si Lemuel at nagtanong kung may gala ba daw tayo ngayon. Ano sasabihin ko na ba na pupunta tayong Divisoria para bumili ng gift para sa pinsan mong Shukla rin,”natatawang sabi ni Lucy. Sabihin mo may family bonding kami today kaya wala kamo ako at hindi tayo magkasama. Manggugulo lang yan sa gala natin. At saka Lucy pwedi bang ikaw nalang ang magpaligaw kay Lemuel. Huwag mo nga akong idamay dyan sa karingkingan ninyo. Ipinarada ko na ang aking kotse sa parking ng simbahan. Saka kami bumili ng kandila para magtirik at manalangin. “Lord nasa tamang edad na ako, sana naman may tamang lalaki na ang makapansin sa kagandahan ko. Matagal na akong single dahil ayaw ng parents kong magkajowa ako. Lord gusto kong tumikim ng kucho-kucho. Arayyy masakit yon ah,”reklsmo niya dahil pinalo ko sa ulo. Dasal na ba yang binibigkas mo? Ano yang mga pinagsasabi mo? Pati kaluluwang nanghihingi ng dasal sayo lumipad palayo. Panginoon ko ako na po ang humihingi ng pasyensya para sa kaibigan ko. Hindi lang po siya nakapag-almusal kaya nahanginan ang kanyang ulo. Pstawarin mo kami sa aming mga kasalanan panginoon at gabayan mo kami sa Tamang landas. Amen. Naghahanap kami ng mauupuan nauna si Lucy at ako naman ang sumunod. Kunti nalang ang mga tao kaya maraming bakanteng upuan. Seryoso kaming nakikinig sa sermon ng pari. Ang sarap ng amoy niya pero nahiya akong lumingon para tingnan kung sino siya. In my peripheral vision alam kong lalaki ito at mukhang daks ayehhhh kinilig ang kiffy ko. Nang tumayo na para hawakan ang kamay ng bawat isa at kantahin ang ama namin. Bigla akong parang na kuryente kaya napatingin ako sa kanya. Nanaykopo AFAM TEMTATION na this ang gwapo niya. Huwag mo lang akong englisin baka makarate pa kita ng wala sa oras sir. But hello! Hindi simpling hawak lang ang ginawa niya. Pinaghugpo niya ang aming mga palad like holding hands sa Eri charrr. Close ba kami? God wala akong kasalanan dahil hindi ko siya inakit. Nakita mo naman siya itong humawak na feeling nya close kami. Nang matapos ang kanya dahan-dahan kong binawi ang aking mga kamay. “Pre, I'm in the church now, I will call you later after the mass,”sabi niya sa kanyang kausap. In fairness ang ganda ng boses niya makalaglag panty. “Excuse me wala akong suot na panty para walang malaglag,”singit ng baliw kong utak kaya napangiti ako paharap kay Lucy. “Anong nangyari sayo bruha ka? Bakit parang kinikilig ka dyan? Ang pangit mong kiligin para kang baliw na namumula. Owhhhh afam is beside you pala. Naku huwag mong pangarapin yan dahil mukha siyang f*ckboy. Ang laking mama din best di mo kaya yan. Sinasabi ko sayo mawawasak ang kiffy mo dyan at baka balakang mo ma dislocate pa,”sabi ni Lucy. Gaga ka talagang babae ka pinagsasabi mo dyan. Sinabi ko bang jojowain ko yan. Napaka advance mo namang mag-isip, gusto mo sabunutan na kita. Magtigil ka Lucinda Iranum Galang, mawalang galang po nasa simbahan tayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD