Perfect vital statistics

1501 Words
Uy hello! Sayo ba ang parking? Bakit nakaharang yang dambuhala mong sasakyan ha? Kainis naman itong delubyong to, magsimba lang eh naka range rover pa. "Sorry Ms. Pretty, just give me a minutes to exit first,"sabi ni Mr. Dolyaris. Tangos ng ilong eh kaya legit na afam siya. Pumasok na ulit ako sa loob ng kotse. Lucy bakit puro afam ang nai-encounter natin ngayon? Tag-ulan ba ng afam ang linggong ito? "Hindi ko alam hindi ko naman nakita eh. Busy ako sa text ni Lemuel tinatanong kasi kung nasaan tayo kasi para daw na nakita niya ang kotse mo. Nasa loob daw siya ng simbahan eh for the next mass,"sabi ni Lucy. Ay lintik na, afam, afam please pakibilisan mo lumabas kana kaagad. "Tange mag-english ka uy!"sabi ni Lucy. Afam, hurry up please....the second is running, the minute is going what are you doing? "Hahaha bruha ka para kanang baliw dyan,"tinawanan pa ako. Haiissstt nakaraos rin tayo sa traffic. Sa basement na tayo mag parking para hindi mainit. "Oo nga maganda sa basement para kapag marami tayong pinamili madali lang at walang problema,"sabi pa niya. Kaya sa basement na nga talaga namin ipinarada ang aking kotse. Una kaming pumunta sa Victoria Secret. Pabango nalang ang ibibigay ko kay Austin. Sana kung buhay pa si Aubrey dalawang tao sana ang bibigyan ko ng regalo. But I didn't lost my hope, ramdam ko parin na magbabalik siya balang araw. Kaya bawat bili ko ng gift para sa aking pinsan binibilhan ko rin ang kanyang kambal ng mga make up at lingerie stuff. "Hoy pasusuotin mo si Austin ng ganyan? O para kay Elias yan? Para kang tanga Yette, can you imagine yong lato-lato ni Afam Austin lalabas bali dalawang bola sa magkabilang tali. Tapos yong hotdog niya sisilip sa bintana like this,"with action pa. Hahaha letse ka talaga Lucifer lato-lato talaga ng dalawang baklatot ang inisip mo. Kahit hindi afam kapatid ko malaki di ang popsicle nun. Kaya nga sabi ko sayo gahasain mo na si Elias para mabuhay ang natutulog niyang Santo Tomas. Nagulat kami ng may humalakhak sa likuran namin. Hala apat na afam na namimili rin ng lingerie. "Lucy laway mo natulo na."sabi ko sabay punas sa bibig ni Lucy. I'm sorry sir for our harsh words. Yong isa naka black shade para tuloy siyang men in black. "It's okay ladies hindi kami malisyoso,"sagot ng isang gwapo. Ay nagtatagalog po kayo? Hala para po kasi kayong mga afam. "Afam? What is it?", sabi ng naka sunglass kahit nasa loob ng mall. Lucy, may pulikat sa mata o di kaya Randy Santiago siya kaya nakasuot ng sun glass hehehe. "Lukaret, baka marinig kapa nila,"saway ni Lucy. Ah-eh mga sir afam po yong mga Americans. Excuse me po, mauna na kami sa inyo. Tara na Lucy nakakahiya sa kanila. Naiintindihan nila ang mga sinabi natin kanina kaloka ka. "Hey ladies wait please,"tawag ng isang afam. "I'm Zykher, this is Jeremy, this is Gian and this is Froilan. Pwedi namin ba kayong hingian ng pabor kahit saglit lang. Gusto sana naming bumili ng gift para sa mga asawa namin. Maaari nyo ba kaming tulungan kung ano ang magandang iregalo para sa kanila,"sabi ng mamà. Kaya kumuha ako ng sticky notes at ballpen para ilista. Favorite color and vital statistics sir? Nakita kung nagkatinginan silang apat. Parang tanga di kaagad na gets ang sinabi ko. Hello po! Ibigay ninyo sa amin ang favorite color nila at ang kanilang size para mahanapan namin ng pweding iregalo po ninyo. Kaya isa-isa ako ng kinuha sa kanilang apat color at size. "Next sir! Tall 5'7 ,34-26-36, fav color red,"sagot nya. Parang pamilyar ang kanyang boses sa aking pandinig pero baka katunog lang. Ma'am excuse me, pwedi pakibigyan ng mga upuan sina sir. At baka po may libre kayong snacks pakibigyan nyo na rin sila para buena mano po ang sales ninyo. Agad namang tumalima ang ang dalawang sales lady at halatang kinilig pa. Kaya kami ni Lucy naman ay nagpakabaliw sa pamimili ng mga lingerie items. Syempre galing kami ng simbahan kaya naka casual outfit kami ni Lucy. "Ang dami nating kinuha beshy afford kaya nila ang lahat ng mga ito,"tanong ni Lucy. Bahala sila mukha namang yayamanin ang mga hitsura nila. Malay natin baka bil----oopppsss, ooopppsss, Lucinda Iranum Galang mawalang galang. Kunin mo nga phone mo dali, bilisan mo na bruha. Paki click mo nga sa google ang Engineer's builder and construction limited. Sa walong members sila ang apat na kasapi. Nataranta naman si Lucy at mabilis na inilabas ang kanyang cellphone. "Shocksss confirm bakla sila nga iyan. Oh shutaa bakit hindi natin kaagad napansin. Mga gwapo at bilyonaryo nga ang mga ulupong,"impit na sabi ni Lucy. Kaya ipinagpatuloy na namin ang aming pagpili ng mga pang regalo nila. Pagkatàpos naming makuha ang lahat kasama na ang make up at perfumes. Ibinigay namin kaagad sa kanila ang basket na naglalaman ng mga items. Sir, heto na po ang lahat ng mga items paki-check nyo nalang po. If ever hindi ninyo gusto pwedi nyo pong alisin sa basket. "Ah ano nga pala ang pangalan ninyong dalawa?"tanong ni sir Zykher. Hindi ako sumagot kaya ang karingking na Lucy ang sumagot. "Hmm I am Lucinda Lucy Galang and she is Maria Yette Peralta Marcos,"sabi niya pero sinamaan ko siya ng tingin. Gaga ka sobra kang honest. Paano kung mangutang yan tapos sa atin pabayaran? Paano kung mudos ng sindikato at balak pa nila tayong ibinta para mapakinabangan organs natin. "Ang ganda naman ng pangalan ninyo. Maraming salamat dito sa pabor na pinaunlakan ninyo girls,"si--jeremy yata ang pangalan niya. Okay po sir, nice to meet you all and have a nice day. Umalis na kaagad kami ni Lucy sa harapan nila. Nakapili narin kami ng gift para kay Austin at Aubrey. Pumunta na kaagad kami sa counter para mabayaran na. "Nakakagutom beshh, grabeh mga bilyonaryo na yon di man lang tayo niyayang mag-lunch. Nagwawala na ang mga alaga ko, kanina lang nananahimik sila dahil kinilig."sabi pa ni Lucy. Ngayong nawala na ang kilig mo, mga bulate mo naman ang nagwawala ganurrnnn. "Oo eh, parang nainis sila sa ginawa ng mga kuripot,"pairap niyang sabi. Saan mo gustong kumain Lucinda Galang? Sana may kuya akong makasalubong ngayon para libre ang lunch. Sumaglit muna kami ni Lucy sa bookstore dahil may bibilhin kaming mga kakailanganin namin sa university. Nang matapos na kaming mamili papunta na kami sa fastfood. Legit na talaga ang gutom na nararamdaman ko. "Hey! Yette Peralta Marcos." Sinamaan ko ng tingin si kuya Alexis. Narito na ang enemy ko dahil ito ang pinaka-asungot kong pinsan. Wala na itong ibang gagawin kapag nasa pilipinas kundi ang pestihin ako dahil favorite cousin daw kasi niya ako. Kailangan ba talagang ipagsigawan ang buo kong pangalan kuya Alexis? "Pa hug naman dali,"laki ng dipa eh. Kaya niyakap ko kaagad ito, nakakamiss naman kasi siya kahit nakakainis. Sa ibang bansa kasi nag-aaral si kuya Alexis bilang doctor. Na miss mo ako kuyz? "Hindi ba halata bunso? Sobrang na miss ka ng kuya, naglalaman kana ng konti oh. Hi Lucy! Kamusta ka na? Kamusta ang pag-aaral natin?"tanong niya kay Lucy. "Okay naman kuya, maayos pong nami-maintain ang mga grades. Saka mabait na po ako basta may pasalubong mula sa Netherland,"sagot naman ng aking kaibigan. "Good to hear that Lucy at syempre may pasalubong ka mula sa kuya. Kunin mo nalang sa bahay nina Yette. Kamusta naman itong bunso namin magpapakabait ba?"tanong pa niya. "Ayehhh may pasalubong ako."tili ng bruha. Hanggang sa ikwento niya ang buong detalye s anangyari kay Elias. "Really? You did it? Maaasahan na pala ang bunso namin sa oras ng kagipitan."papuri pa niya. Kuya gutom na kami ni Lucy baka pwedi na mag-lunch na tayo. "Ako rin bunso gutom na, sige kakain tayo basta ilibre ninyo akong dalawa,"sabi niya habang nakaakbay sa akin. Sobrang clingy niyang pinsan o baka pakiramdam ko lang kasi ako lang naman ang babae sa pamilya. Pumasok kami sa isang high class restaurant. Nang order ng aming pananghalian. Habang inasikaso ang order nagpaalam muna si kuya Alexis na magwa-washroom. Gumala ang aking paningin sa paligid dahil napakaganda nga naman ng lugar. Simple lang pero makikita mo ang pagka unique ng design nito na gawa sa kahoy. Tingnan mo kuya ko Lucy. Para maparami ng kain nagbawas muna hahaha. "What did you said little snoopy?" Arayyy kuya, yuck baka hindi ka naghugas ng iyong mga kamay. Reklamo ko dahil niyakap niya ako ng mahigpit at kunwari sinakal ang aking leeg gamit ang kanyang braso. Umayos ka nga kuya Alexis ang dugyot mo eh. "Little snoopy, someone over there is watching you closely. Do you know that person, young lady?"nagtaka ako sa tanong ni kuya kaya napatingin ako sa may unahan namin. "Uy sila yong mga bilyonaryo na kuripot na tinulongan natin kanina,"singit ni Lucy. Down your voice Lucy and try to move on. Ang pagtulong ay hindi kinakailangan na palaging may suhol o may kapalit. Good samaritans never asked for a payment. "Wooohhhhhh little snoopy is that you?"kuya Alexis said.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD