WAKAS 2 Papalubog na ang araw at nakaupo ako sa kahoy na upuan kung saan sa harap ay matatanaw ang tatlong maliliit na mga bata na naghahabulan. Nakangiti ko silang tinatanaw nang maramdaman ko ang pagsandal ng iyong ulo sa aking balikat. Mababaw akong natawa at hinaplos ang iyong buhok. Rinig ko ang iyong hininga malapit sa aking tenga. “Masaya ka ba?” narinig kong tanong mo sa mababaw na tinig. Ang mga balat natin ay kapwa na kulubot. Ang mga buhok nati’y puti na, bakas ng katandaan. Ngunit kahit ganoon man, nananatili ang pagmamahal at saya natin sa isa’t-isa. Lumipas man ang bawat segundo, mga araw, sa ligaya man o lungkot, nanatili pa rin tayong matatag. “Masayang-masaya.” Bumaling ako ng kaunti sa iyo. “Ikaw ba? Masaya?” “Kahit kailan at kahit saan, basta kasama kita, wala nang
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


