WAKAS 1 [RAINE ISMAEL] At first, I only want to be her friend. “Simula sa araw na ito, magkaibigan na tayo!” Her reaction was so cute that time. Alam kong natatakot siya. She’s used of being alone, with her own world. But the more I’m getting aware of her presence, I’m getting drawn and drawn to her. Totoong hindi ko talaga siya kilala noong una, kaya nang sinabi nila Hyacinth na siya ang most bullied sa paaralan, mas lalo akong nakyuryoso. Para siyang bagong flavor sa paningin ko na hindi ako mapakali at gusto kong tikman. “Hoy, anong trip mo?” tanong sa akin ni Hya pagkatapos kong kulitin si Shan ngayong araw na ito na kaibiganin din ako. “Ang cute niya,” wala sa sarili kong sagot. Matagal na napatitig sa akin si Hyacinth na tila ba tinubuan ako ng dalawang ulo. Napawi naman ang n

