KABANATA 17 Ayon kay Raine, Grade 6 noon si Hyacinth samantalang ang kapatid niya ay nasa Grade 4 pa lamang. Mataba, may braces, lampa; iyon ang pag-describe ni Raine sa kapatid ni Hyacinth. Hindi pa raw matapang na tao si Hya noon. Formal, babaeng-babae kung kumilos, walang hilig sa mga extreme things kaagaya ng gawi niya ngayon. Ngunit nabago ang lahat ng iyon isang mainit na araw. Uwian na raw noon at papunta na si Hya sa classroom ng kapatid niya para sunduin ito. Nagtataka raw si Hyacinth noon dahil habang papalapit siya sa classroom ng kapatid niya ay nagsimula siyang kabahan. Tila ba may maling nangyari sa kapatid niya na pinalangin niyang wala naman sana. Hindi naman lingid sa kaalaman ni Hyacinth na tampol ng tuksuhan ang kapatid niya, hindi lang nila inaasahan lahat na sukdulan

