MAYENN BLAIRE DE VERA Halos wala akong tulog kakaisip ko kagabi kay Lex. Napagod na nga yata siya kakatakbo sa isip ko. Pero kahit puyat kailangan ko pa ring bumangon dahil may trabaho pa ako. Ttmayo na ako sa kama at niligpit ang higaan ko. Pagkatapos ay kinuha ko na ang tuwalya saka ako pumasok sa banyo. Maaga pa naman kay hindi ko kailangan mag madali. Parang ang gaan ng pakiramdam ko ngayon, kahit puyat feeling ang ganda ng gising ko. Pagkatapos kong maligo ay nagpatuyo lang ako ng buhok bago lumabas ng banyo at nagbihis ng pambahay. Maaga pa kaya gusto ko muna mag almusal. Lumabas ako ng silid ko at pag bukas ko pa lang ng pinto ay sumalubong na sa akin ang mabangong pagkain na niluluto sa kusina. Nakaramdam ako ng pagkalam ng aking tyan kaya mabilis akong naglakad para tigna

