MAYENN BLAIRE DE VERA Kinilig ako sa ginawa ni Lex sa akin, hindi ko alam na may pa dinner pala sa sa may hill top at tanaw ang buong Baguio. Akala ko kasi meeting lang ang pupuntahan namin, yun pala may paandar na siya. Pero kung nagulat ako sa dinner mas lalo kong kinagulat nung kinantahan niya ako habang naka upo kami at pinagmamasdaan ang kumukutitap na mga ilaw sa buong Baguio. Nakita ko siyang sumenyas kay Vince at agad na binigay nito ang gitara kay Lex. "Mayenn, inaalay ko ang kantang ito sayo." Nagsimula na siyang magtipa sa kanyang gitara kasabay ng pag awit niya ng 'Kung akin ang mundo ni Eric Santos' "Susungkitin mga bituin, para lang makahiling Na sana'y maging akin, puso mo at damdamin Kung pwede lang, kung kaya lang, kung akin ang mundo Ang lahat ng ito, ang la

