MAYENN BLAIRE DE VERA
"Mayenn!" narinig kong tawag sa akin ni Gianna sa labas ng bahay. Maaga siyang pumunta dito sa amin dahil aayusan niya ako. May parada ngayon dito sa aming baranggay para sa liga ng basketball at isa ako sa mga muse.
Excited din si Nanay at siya pa ang kumuha kagabi sa mananahi ng damit na susuotin ko ngayon. Nakakatuwa na napakasupportive niya. Naalala ko tuloy si Mommy, supportive rin sa akin si Mommy noon, sa tuwing may event kami sa school ay lagi siyang umaattend. Lahat ng gusto ko ay sinuportahan niya, maliban lang kay daddy na puro lang negosyo ang alam. At kung ano ang desisyon ni Daddy ay hindi na sumasalunggat si Mommy kaya pati ang pagpapakasal ko ay naging sunod-sunuran lang siya kay daddy.
"Anak, nandyan na ang kaibigan mo, papasukin ko ba siya dito sa silid mo." tanong ni Nanay na dumungaw sa aking pinto.
"Lalabas na lang po ako nay, nakabihis na naman po ako."
"Oh siya, hintayin ka na lang namin sa labas." muli niyang sabi.
Tumango lang ako at ipinagpatuloy ko na ang ginagawa ko, sinuot ko na ang sapatos na binili ko pa sa ukay sa bayan. Isang terno na jersey na maikling short at fitted na sando ang suot ko. Hindi naman nagtagal ay lumabas na rin ako sa aking silid.
"Good morning!" bati ko sa kanila pag labas ko sa terrace.
"Hala! Mayenn, ang seksi mo pala, bagay na bagay sayo yang uniform mo." Namimilog ang mata na sabi ni Gianna sa akin.
Nagsimula niya na akong ayusan,simpleng make up lang ang pinalagay ko at plinantsa niya lang din ang mahaba kong buhok.
Matapos akong make-upan ni Gianna ay dumating na ang sundo kong tricycle, sasamahan ako si Ayesha at Gianna sa parada. Si Nanay naman ay susunod na lang daw sa plaza para manood.
Pagdating naming tatlo sa plaza ay agad kaming sinalubong ng mga ka team ko. Lahat sila ay nakatingin sa akin at bakas sa mga mata nila ang paghanga. Nilapitan kami ni Dan at pinapwesto ako sa harap. Lumapit naman ang isang lalaki na parang galing din ng Maynila at tumabi sa akin.
"Hi Miss, pwede ko bang malaman ang pangalan mo?" mayabang na tanong niya sa akin.
"Mayenn," simpleng tugon ko.
"Sa tingin ko tayo na ang panalo, maganda ka, gwapo ako, kaya tayo na ang best muse at escort." mayabang pa na sabi niya.
Napataas lang ang kilay ko dahil sa narinig ko, kung tutuusin hindi ko naman bet ang kagwapuhan niya. Mas gwapo sa kanya si Lex, kahit medyo may edad na yun mas gwapo siya kesa dito sa kumag na katabi ko.
Hindi ako mataray na tao, pero sa hangin naman nitong katabi ko ay napapataas niya talaga ang kilay ko. Napansin yata ni Jay na naiinis ako, kaya lumapit siya sa akin.
"Mayenn, may problema ba?" pabulong na tanong niya.
"Wala naman nayayabangan lang ako dito sa katabi ko." Sagot ko.
"Pasensya ka na, tyagaan mo muna yan di pa kasi nadating yung totoong escort mo na kinuha namin. Ayaw ko naman maglakad ka na walang partner kaya siya muna ang kinuha ko."
"Ah, ganun ba! Akala ko siya na talaga, sige salamat." Nakangiti kong sabi.
Pinapila na lahat ng kasali sa liga at magsisimula na ang parada. Napapaisip tuloy ako, kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ang escort ko. Ang sabi ni Jay mala-late lang daw ito"
Tinawag ako ng staff ng baranggay at kukuhaan daw kami ng litrato, tinawag din nila ang mayabang kong partner at pinapwesto kami sa tabi para kuhaan ng litrato.
Naka ngiti na ako at handa ng magpapicture ng akbayan ako ng escort ko, hindi ako nakapalag dahil maraming nakatingin sa amin. Pero nagulat ako ng bigla nalang may pumalipit sa kamay niya at inalis ito sa pagkakaakbay sa akin.
"Don't you dare lay your hands on my girl's shoulder!" A baritone voice was heard from behind me, and slowly lifted his hand from my shoulder.
"Sino ka ba? Bakit ka ba nangingialam?" galit rin na tanong ng binatang katabi ko.
"Huwag ka ng magtanong kung sino siya, sumunod ka na lang kung ayaw mong maputulan ng kamay." Narinig ko naman na bulong ni Vince sa kanya.
Medyo nagkaroon ng komosyon dahil sa ginawa ni Lex sa binata. Nakita kong lumapit si Jay at kinausap ang lalaki. Umalis naman ito ng kusa kaya hindi na lumala ang gulo.
"Bakit ka nandito? Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko.
Ang sabi kasi ni Gianna ay bumalik na ng Manila ang kuya niya at may mahalaga itong gagawin. Kaya nagulat ako ng bigla na lang siyang sumipot ngayon dito.
"Don't you see, ako lang naman ang magiging escort mo. Di ba sabi ko sayo, akin ka lang at hindi ka pwedeng magpaligaw sa iba. Sino ba yung pangit na yun at ang lakas ng loob na akbayan ang babaeng mamahalin ko?" Mayabang din niyang sabi.
"Alam mo kung nayayabang ako sa unang kapartner ko, mas 10x ang yabang mo naman sa kanya." mataray kong sagot.
"Aray ko, pero aminin mo mas yummy naman ako kesa doon. Tignan mo ang mga kababaihan sa akin lahat nakatingin." Turan pa nya nilibot ko naman ang paningin ko at tama naman siya, halos lumuwa na ang mga mata ng mga kadalagahan dito na kinikilig sa kanya.
"Yabang mo talaga," sabi ko naman sabay irap sa kanya.
"Akala ko pa naman matutuwa ka na ako ang partner mo, nagmamadali pa naman akong bumaik dito para lang masamahan ka. Pero mukang mas masaya ka kasama yung pangit na lalaking yun. Nakakatampo ka na talaga." malungkot na sabi niya sa akin.
Bigla naman akong nakonsensya dahil sa sinabi niya.
"Sir, picturan na po namin kayo," biglang sabi ng babae na nasa harapan namin. Nakita pa yata nila kung paano kami magbangayan ni Lex. "Sir, paki akbayan po si Ma'am para po maganda sa picture." request pa nito. Nakangisi naman si Lex na parang tuwang-tuwa.
"Siguro binayaran mo yan si Ate kaya pabor lahat sayo ng pinagagawa niya?" pabulong kong tanong.
"Hindi ah! Sa gwapo kong ito, hindi ko na kailangan mag bayad. Sadyang marunong lang silang maka appreciate ng maganda at pogi. Gusto mo magpustahan pa tayo, kapag nanalo tayo mag dadate tayo sa baguio ng 1week at kapag naman natalo tayo ililibre kita ng kahit na anong gusto mo." sabi niya sa akin.
Napangiti ako, pabor naman sa akin pareho. Date lang naman yung kanya walang mawawala sa akin.
"Okay deal," sagot ko sa kanya.
Nagsimula na ang parada , iikutin lang naman namin ang buong baranggay. Naiisip ko pa lang parang napapagod na ako, habang naglalakad kami ay lagi naman niya akong inaalalayan. Binigyan niya pa ako ng jacket dahil daw masyadong kita ang tyan ko. Saan ka ba naman nakakita ng muse na gusto nakatakip lahat.
Nakaramdam na ako ng pagod pagkatapos ng parada.
"Are you tired?" Malamyos ang boses na tanong sa akin ni Lex. "Gusto mo bang umuwi na tayo, nasa labas ang sasakyan ko. Tell me kung gusto muna para iuuwi na kita sa bahay ko." Nakangiting sabi niya.
"Kahit kailan ka talaga, akala ko seryoso ka na, puro ka na naman pala kalokohan." Paismid kong sabi sa kanya,.
"Seryoso naman kasi ako, ikaw lang itong lagi na lang tingin sa sinasabi ko puro joke. Kung sinasagot muna ba kasi ako eh di tayo na. Ikaw na sana ang disney princess ng buhay ko." Seryosong sabi niya sa akin.
Hindi ko alam kung tatawa ba ako o maiinis, maka disney princess naman wagas.
"Oo na sige na," wala sa loob na sabi ko.
"Oo na, sige na, ibig bang sabihin tayo na." tuwang tuwa niyang sabi sa akin.
"Ha! Wala naman akong sinabi, ang ibig kong sabihin oo na ako na ang mali, sige na tama ka na, ayun yun!" nanlaki bigla ang mata ko dahil sa sinabi niya.
"Wala ng bawian sabi mo tayo na, masama ang nambabawi ng sagot." giit niya.
Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya, wala naman akong sinabi na kami na. Paano ko nga siya sasagutin eh hindi pa naman siya pormal na nanliligaw sa akin.
Nagulat na lang ako ng bigla siyang tumayo at sumigaw.
"May I have your attention, please!" malakas ang boses na sabi niya. Napakunot noo ako, hindi ko alam kung bakit siya ngayon nag sasalita.
Lumapit siya sa babae na may hawak ng mic at hiniram ito.
"Mga kabaranggay, gusto ko lang sabihin sa inyo na may Girlfriend na ako!" Malakas niyang sigaw. "Sinagot na ako ni Mayenn, at dahil jan mag bibigay ako ng 20 thousand na cash price para sa mga mananalo sa ligang ito." sabi niya.
Nagsigawan bigla ang mga tao at isa-isa na kaming binabati. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, may tama ba siya sa utak. Wala naman akong sinabi na kami na bigla na lang niyang in-assume na kami na. Wala na akong nagawa kundi ngumiti na lang sa mga tao dahil ayaw ko rin naman siyang mapahiya sa ginawa niya.