MAYENN BLAIRE DE VERA
Natapos ang kasiyahan, isa-isa ng nag aalisan ang mga bisita. Nauna na rin mag paalam sa akin sina Ayesha at Gianna, ako naman ay katulong ni Nanay na nagliligpit ng mga kalat sa bakuran.
"Mayenn, pumasok ka na sa loob. Nay, matulog na po kayo, ako na po ang bahalang magpalinis ng mga kalat dito." utos sa amin ni Lex.
Lasing na lahat ng kasama niyang taga dito kasama si Tatay, pero sila parang nag sisimula pa lang ang gabi sa kanila dahil mga parang hindi tinablan ng alak na ininom nila.
"Halika na anak, gabi na kailangan na rin nating mag pahinga." sabi sa akin ni nanay.
Inakay na namin papasok sa loob ng bahay si Tatay, tinulungan ko si nanay na ipasok si Tatay sa silid nila at saka ako pumasok sa silid ko. Dahil antok na ako ay mabilis lang ako nakatulog.
Nagising ako dahil sa ingay sa labas ng bahay, kalampag ng kung anong bagay at kahol ng aso ang nakapagpa gising sa akin. Tumayo ako sa aking higaan at kinuha ang tuwalya ko saka lumabas ng silid ko para maghilamos sa banyo.
"Anak, gising ka na pala, pasensya ka na at maingay ang mga naglilinis sa labas." Sabi sa akin ni Nanay, ngumiti lang naman ako at nagpatuloy sa pag pupunas ng aking mukha. Nakasuot lang ako ng sando at maikling short, wala sa loob na naglakad ako papunta sa terrace.
"Good morning beautiful girl," biglang bati sa akin ng isang baritonong boses na nakapagpagising ng diwa ko.
"Ano na naman ginagawa mo dito, ang aga pa?" sabi ko sabay takip sa dibdib ko.
"Huwag muna yan takpan, wala ka naman tatakpan dyan." natatawa pang sabi ng buset na Lex.
"Napaka bastos mo talaga, sino naman may sabi sayo na wala? Bulag ka ba at hindi mo makita? Hindi lang siya ganun kalaki pero meron...meron...meron..!" Inis kong sigaw sa kanya.
"Hahaha... Pikon ka talaga biro lang naman, huwag ka na sa akin magalit." Tumatawag sabi niya as if nakakatawa talaga ang panlalait niya sa dibdib ko.
"Ewan ko sayo, mula ng makilala kita hindi na ako natahimik. Lagi mo na lang ako bini-bwisit, ako na yata ang pinaka malas na tao dahil naging kapit bahay ka pa namin." mataray kong sagot sa kanya.
"Baka ikaw ang pinaka maswerte kamo, araw-araw mong nasisilayan ang napaka gwapo kong mukha.", Muli niyang sabi kasabay ng malakas na tawa mula sa kanya.
"Bahala ka sa buhay mo, feeling ka talaga." nakaismid kong sabi sa kanya.
"Nag aaway na naman ba kayong dalawa?" mula sa likuran ko ay narinig kong sabi ni nanay.
"Mayenn anak, pumasok ka muna sa silid mo at mag bihis para sabayan mo ng mag almusal itong si Lex sa kusina." utos ni nanay.
Agad naman akong sumunod, mabilis akong naglakad pabalik sa aking silid at nagpalit ng damit. Mula ng mapunta ako dito sa baryo ay nag iba ang pananamit ko. Kung dati ay palagi akong naka short at sando sa loob ng bahay, dito ay madalas tshirt at jogger ang suot ko. Napapansin ko kasi na parang balot na balot ang mga taong nakatira dito at ayaw ko rin na ako ang maging sentro ng usapan nila dahil sa pananamit ko.
Hindi rin naman ako nagtagal at lumabas na rin ako, nakita kong handa na ang lamesa. Lumabas ako sa terrace para tawagin na sila nanay at ng makapag almusal. Pero pag labas ko ay hindi ko na sila nakita sa terrace tanging si Lex na lang ang nakaupo at binabantayan ang mga tauhan niyang nagliligpit ng mga kalat.
"Nasaan sila nanay?" tanong ko sa kanya.
"Nagpunta sa taniman nila," simpleng sagot niya sa akin.
Wala na akong nagawa, papasok na sana ako para mag almusal pero parang ang bastos ko naman kung hindi ko man lang siya aalukin gayong sinabi na ni Nanay na sabay kaming kakain.
Hindi ko alam kung paano ko ba siya aalukin, parang ang awkward lang na pagatapos naming magtalo ay aayain ko siya. Bahala na kesa naman mag mukha akong bastos, mabait naman siya mapang asar lang talaga.
"Ehemmm.... Kumain ka na ba? Halika na, baka gusto mong sumabay sa akin?" nahihiya kong sabi sa kanya.
"Gutom na nga ako eh, kanina ko pa hinihintay na alukin mo ako." nakangiti niyang tugon.
"Pumasok ka na dito sa loob para makapag almusal na tayo, tawagin mo na rin ang mga kasama mo. Marami naman ang nakahain sa lamesa." Ani ko pa sa kanya.
"Hayaan na natin sila, malalaki na sila kaya na nila ang mga sarili nila." Sagot niya.
Hindi na ako nagsalita pumasok na kaming dalawa sa loob at dumiretso na kami sa kusina.
"Wow, ang sarap ng almusal, ito pala ang kanina ko pa naamoy. Paborito ko itong pakbet at daing." natatakam niyang sabi.
Hindi ko alam kung nagpapanggap lang ba siya o sadyang gusto niya nga talaga ang nakahain sa harap niya.
"Gusto mo ba ng kape? Ipagtitimpla kita?"
"Sure, basta galing sayo at ikaw ang nagtimpla gusto ko."
Kinilig naman ako sa sinabi niya, kagabi pa pala niya ako pinapakilig.
"matamis ba o hindi? Barako lang ang kapeng meron kami wala kaming instant coffee, okay lang ba sayo?" muli kong tanong.
"Anything my loves, basta galing sayo." bigla akong nahiya sa sagot niya sa akin. Ang hilig niyang magpakilig, ang mga kagaya niya ay nakakatakot dahila baka mahulog akong bigla sa mga matatamis niyang salita at ang ending maiwan akong luhan.
Nagtimpla ako ng kape namin dalawa, since hindi naman ako mahilig sa matamis ay ganun na rin ang timplang ginawa ko para sa kanya. Inilagay ko na sa harap niya ang kape at saka ako umupo sa tapat niya. Nagsimula na kaming kumain at mukhang nagustuhan niya nga ang pagkaing nakahain sa harap niya.
"Mayenn, ilang taon ka na?" muntikan akong masamid ng bigla siyang nagtanong.
"Bakit mo naman tinatanong?"
"Wala lang, para alam ko kung makukulong ba ako pag niligawan kita." Seryoso niyang sabi.
"Mukha ba akong bata? Baby face lang ako pero legal age na ako."
"So, ibig sabihin payag ka na ligawan kita." para na naman akong nabulunan sa sinabi niya.
Bakit ba kasi kung ano-ano ang sinasagot ko, nahuhuli tuloy ako sa sarili kong bibig.
"May sinabi ba ako? Ang sabi ko lang naman legal age na ako, 24 na ako matanda na nga kung tutuusin."
"Mabuti naman, simula ngayon hindi ka na pwedeng magpaligaw sa iba dahil sa akin ka na." bigla niyang sabi na ikinagulat ko talaga.
"What? Nababaliw ka na ba? Anong akala mo sa akin, bagay na basta mo na lang pwedeng angkinin? No, hindi ako papayag, magpapaligaw ako kung kanino ko gusto at hindi mo ako mapipigilan." Mariin kong sabi.
Pero parang balewala lang sa kanya ang galit ko, nakuha niya pang ngumiti habang humihigop ng kape niya.
"Tignan natin kung meron pang magtangkang manligaw sayo bukod sa akin. Huwag kang mag alala, liligawan naman kita hanggang sa sagutin mo ako. Ayaw ko lang na maya akaagaw ako sa atensyon mo." muli niyang sabi.
Ibang klase din ang lalaking ito, walang preno ang bibig. Imbes magpa impress dahil gusto niyang manligaw, kapaliktaran ang ginagawa niya. Lahat na yata ng badside niya pinakita niya na sa akin. Ano pa ba ang dapat kong ikagulat sa kanya.
Nararamdaman ko naman na sa kabila ng ipinapakita niyang ugali ay may isang mabuting tao na nakakkubli sa kanya at yun ang gusto kong makita.