Chapter 9

2054 Words
MAYENN BLAIRE DE VERA "Nakakasakit ka na, bakit ka ba namamato ng unan?" sabi sa kanya ni Lex. "Bakit ka ba kasi sumunod pa rito sa loob? Bakit hindi mo na lang iuwi lahat ng pagkain at doon kayo sa bahay mo mag paparty." singhal ko din sa kanya. Nakakainis lang kasi dahil napaka yabang niya, hindi na nahiyang sabihin na mamahalin niya pa ako. The nerve grabe ang kakapalan ng mukha. "Okay, kung may nasabi man ako sayong hindi maganda kagabi, Im'm sorry. Hindi ko sinasadya, pagod lang kasi ako at marami akong iniisip na problema. Sayo ko lang nailabas ang galit ko, pero aminin mo rin na may kasalanan ka... Dahilss iniwan mo ako." pabulong niyang sabi sa huli na medyo malabo na sa pandinig ko. "Wala sabi ko maganda ka kaso bingi ka," sagot niya sabay ngisi sa akin. "Alam nanghihingi ka nga ng sorry pero wala naman sa loob mo, mas maganda pang umuwi ka na at bitbitin muna lahat ng pagkain at tantanan muna ako." "Alam mo din, nakakatanda ang pagiging masungit. Gutom lang yan, halika na kumain na tayo gusto mo subuan pa kita." Parang hindi siya mauubusan ng bala, lahat ng sasabihin ko ay sinasagot niya lang din ng pang aasar. Pero infairness ang cute niyang tumawa kahit alam ko na malaki ang age gap namin ay kita ko pa rin sa hitsura niya ang kagwapuhan at kakisigan. "Ewan ko sayo, pwede ba lumabas ka na dito, hindi ako kakain ng hinanda mo, period!" Mariin kong sabi. "Kung ayaw mo ng hinanda ko, pwede naman akong bumili ng iba para sa'yo. Say it, and I will definitely do it for you, my baby," malambing niyang sabi. Bigla akong nakaramdaman ng pamumula ng aking pisngi. Hindi ko maintindihan ang kakaibang kabog ng dibdib ko sa tuwing magbibitaw siya ng matatamis na salita. "Okay, fine, matigil ka lang. Hindi muna kailangan bumili ng iba pang pagkain dahil napakarami na niyan, kahit nga magtawag ka pa ng ibang tao ay mukhang kakasya parin yan. Kakain na ako, pero pwede ba mauna ka na susunod na lang ako." Mataray kong sabi sa kanya. Nginingitian niya lang ako at parang nagpapa cute lang sa akin. Actually, cute naman siya talaga, ngayon ko lang napansin na yummy din siya. Nagulat pa ako ng biglang magsalita si nanay Sonya sa likuran ko. "Anak, huwag mong paka titigan, baka matunaw." Pabulong na sabi ni nanay sa likuran ko, napaigtad pa ako dahil sa gulat. Kasabay noon ang mahihinang hagikgik niya sa akin likuran. "Nay naman eh, akala ko ba kakampi kita." kunwari'y nagtatampo na sabi ko. "Anak kakampi mo ako, aba'y kinikilig nga ako sa inyong dalawa niyang si Lex at talagang gusto pa'y subuan ka. Batiin muna anak, naka jackpot ka na d'yan." susog pa sa akin ni Nanay at parang kinikilig pa siya habang tinutukso ako. "Nay, isusumbong kita kay Tatay, binibenta mo ako sa bisita natin." tugon ko rin sa kanya. Dahil sa nag bubulungan kami ni nanay ay napatingin sa amin si Lex, kumindat siya sa akin kaya mas lalong kinilig si Nanay. Kinurot pa niya ako sa aking tagiliran kaya naman napa igtad pa ako sabay ang malakas kong tawa dahil sa pagkakiliti ko. "Kayong mag-ina hindi n'yo man lang ba ako papansinin, aba'y kanina pa ako narito at panay laang ang bulungan n'yo riyan." Bigla naman sabi ni Tatay Boy na kanina pa pala nakatingin sa amin. "Hayaan muna na sila, Tay, kung ayaw kang pansinin. Tayo na lng dalawa ang magmahalan," sabi ni Lex kaya nagkatinginan kami ni nanay at biglang tumawa. "Ayan, tumatawa na si Mayenn, ibig bang sabihin okay na kayo ni kuya Lex?" sabat naman ni Ayesha. "Hindi! Never! No!" sunod-sunod na sabi ko. "Ang lagay ganun lang ba yun kadali, kailangan niya munang maghirap bago ko siya mapatawad." Sagot ko. "Aray ko! Ang hirap mo naman amuin, pero okay, payag ako sa gusto mo. Hihingi na lang ako ng tulong kay nanay at tatay para hindi muna ako pahirapan." sabi niya sabay lapit sa alam nilang magulang ko. "Kaming bahala sayo, Iho, sagot ka namin sa anak namin." Mayabang naman sa sabi ni Tatay Boy. "Yown, pasado na agad ako kay Tatay, dahil dyan Tay mag iinuman tayo mamaya. Icecelebrate natin ang nalalapit kong panunuyo sa inyong anak." muling sabi ni Lex, nagpalakpakan naman ang mga tauhan niya. "Ayan ang gusto ko, anak, matagal tagal na ring hindi nasasayaran ng alak ang lalamunan ko. Pakiwari ko'y hindi ko na nga alam ang lasa ng alak." "Naku Boy, ika'y tumigil at baka pag nalasing ka' hindi ka makapasok bukas." mabilis naman na kontra ni nanay. Nagtataka lang ako sa punto nilang mag asawa, nasa atok benguet sila pero ang paraan ng pag sasalita nila ay iba sa mga taga rito. Para silang mga taga south gaya ng Quezon o kaya ay Batangas. Hindi ko pa naman natatanong si Nanay at lagi nawawala sa isip ko kapag kami lang dalawa. Binalewala ko na lang anagaa anaiisip ko, baka naman kasi taga south talaga sila at napadpad lang dito. Hayaan ko na nga ang mahalaga naman ay tinanggap nila ako ng buo at walang tanong-tanong. "Vince, ilabas mo nga ang bote ng alak at dalhin mo dito; lahat kayo imbitado. Sagot ko lahat ng alak at pulutan; skies the limit tayo ngayong gabi," sigaw ni Lex, tuwang-tuwa ang mga lalaking nakarinig sa sinabi niya. Maging ang mga kapitbahay na nakikain dito ay masaya rin. "Copy, boss!" mabilis na tugon ng tinawag ni Lex na si Vince. Nakita kong tinawag nito ang mga kasama nilang lalaki at pumunta sa malaking bahay. Pagbalik ay napakaraming mamahaling alak ang dala nila. May Black Label, Chivas, at sandamakmak na Fundador. Alam kong mayaman sila kasi sa porma at hitsura pa lang nila ay kita ko nang may sinasabi sila sa buhay. Pero hindi ko iniisip na sobrang yaman niya. Makisig at mukhang siga ang dating niya, pero makikita mo pa rin sa mukha niya ang pagiging soft-hearted niya. Hindi siya yung sigang nakakatakot. Muli na naman nag sigawan ang mga kalalakihan dahil sa dalang alak ng mga tauhan ni Lex. Dahil sa magaganap na inuman nila ay naghanda sila ng parang tent na magiging inuman nila mamaya. Ang iba naman ay umuwi at pag balik ay may mga dala ng mga manok at pato. Parang isang malaking fiestahan ang magaganap at ang lahat ay pwedeng pumunta. "Mayenn, sa kasal natin buong Atok na ang imbitado, sa ngayon baranggay lang muna." Biglang sigaw ni Lex sa akin. "Boss, kailan po ang kasal ninyo at lahat po kami ay mag bibigay ng baboy para sa inyo." Sigaw naman ng isang lalaki na kasalukuyan pang ngumunguya ng nganga. "Sinabi n'yo yan ha, Mayenn, may sponsor na tayo ng baboy, oo mo na lang kulang para ma kuha na natin ang mga baboy." Muling sagot ni Lex. "Boss, kasal muna bago makuha ang baboy kailangan ang marriage license muna kayo." sabi ni Vince kaya biglang umugong ang malakas na tawanan sa buong paligid. Para akong nasa hot seat sa ginawa ni Lex, lumapit sa akin si Gianna at Ayesha. "Mayenn, pulang-pula ka na, huwag mo pansinin si Kuya, palabiro talaga yan. Sinasakyan niya lang ang mga tao." sabi agad ni Gianna, akala niya siguro ay mapipikon na naman ako. "Okay lang naman ako, huwag kang mag alala hindi naman ako napipikon." sabi ko kay Gianna. Sumapit ang gabi, ang lahat ay nag sasaya. Ako ay naka upo lang sa may terrace kasama ang dalawa kong kaibigan na sina Gianna at Ayesha. Parang isang malaking handaan ang naganap, may nagkakatay ng manok at baboy at may nagluluto sa kabilang gilid. Ang lahat ng naroon ay nag bigay ng kanilang parte. Dumating din ang isang van na punong puno ng mamahaling alak na pinabili ni Lex sa kanyang mga tauhan. "Gianna, huwag kang magagalit ha, pwede ba akong mag tanong?" "Sure, ikaw pa ba, my soon to be sister in law." sagot naman niya sa akin. "Curious lang ako, ganun ba karami ang pera ng kuya mo para magpainom ng isang barangay?" bigla naman tumawa si Gianna at Ayesha. "Maganda niyan, ikaw na lang magtanong sa kanya. Pero bibigyan kita ng hint, may mga negosyo naman siya at bihira lang niya gawin yan. Madalas puro trabaho lang siya, actually, ngayon niya lang ginawa ang ganyan. Kasi nag papaimpress siya sayo at sa magulang mo. "Ganun ba, hindi niya naman yan kailangan gawin. Wala rin naman kasi ako balak na magpaligaw sa ngayon. Gusto ko lang ng tahimik na buhay at maging masaya, yun lang!" Sagot ko. "Hayaan mo na lang si kuya, masaya lang siguro siya ngayon dahil sayo." wika ni Gianna. Hindi na naman ako kumontra sa kanila, napatingin ako sa lugar kung saan nakaupo si Lex. Kaharap niya si Tatay, ang kapitan ng baryo at si Vince, ang iba ay hindi ko na kilala pero alam ko mga kagawad sila ng barangay. Habang pinagmamasdan ko siya mula dito sa kinauupuan ko ay may kung ano akong nararamdaman sa kanya. Hindi ko maipaliwanag pero masaya akong nakatingin sa kanila. Ang mga ngiti niya na parang ang saya niya at ang gwapo niyang mukha. Sa nakikita ko ngayon sa kanya, kung paano siya makitungo sa mga tao na mas mababa ang estado sa buhay kaysa sa kanya ay masasabi kong mabait siya. Sa isang iglap nagbago bigla ang tingin ko sa kanya. Mula sa kinaiinisan ko kanina ngayon ay parang nag iba na ang tingin ko sa kanya. Sa grupo nila si Vince ang may hawak ng gitara. Masaya silang nag aawitan habang si Lex ay nakikinig at nakikitawa lang sa kanila. May mga sumasayaw pa habang may kumakanta, isang masayang pag sasalo ang nagaganap ngayon. Ganito pala kasaya sa probinsya, sa syudad kasi bar at club ang puntahan ng mga tao kung gusto mong magsaya. Samantalang dito na payak ang pamumuhay ay simpleng inuman at kantahan lang masayang tagpo na agad ang magaganap. Ang sarap tignan ng mga local na sumasayaw ng katutubong sayaw nila, mga awiting hindi ko man naiintindihan ay parang kay sarap sabayan. Nakita ko si Lex na tumayo mula sa umpukan nila, naglakad ito sa direksyon kung saan kami naka upo. Bigla akong binalutan ng kaba, ewan ko pero feeling ko sa akin siya pupunta. Pinilit kong maging normal sa harap ng kapatid at pinsan niya. "Mayenn, si kuya mukang dito pupunta," kinikilig na sabi ni Gianna. Dedma lang naman ako, kunwari ay wala lang sa akin. Pero ang puso ko ay parang tambol na sa lakas at ang tyan ko ay parang napakarami ng paru-parong nagliliparan sa loob. Napalunok ako ng huminto sa tapat ko si Lex at nagsalita. "Mayenn, can I dance with you?" bigla niyang tanong. Napatulala ako, hindi ko alam kung 'oo' ba o 'yes' ang isasagot ko. Pareho lang naman yun pero ewan ko ba bigla akong nabobo. Nakita ng mga kasama namin na nakatayo sa harap ko si Lex, isang malakas na sweet music ang biglang umalingawngaw sa buong paligid at lahat sila ay nagsigawan. Tatayo na yan.... tatatayo na yan.... Sabay-sabay nilang sigaw kaya wala na akong nagawa kundi ang tumayo at ibigay ang kamay ko kay Lex. Inalalayan niya naman ako palabas ng teraace at dinala niya ako sa gitna. Pagdating namin ay biglang nag alisan ang mga tao, may mga cellphone na nakatutok sa amin kaya kinabahan ako. Alam ko na halos lahat at may social media na, baka maipost nila na kita ang mukha ko at may kakilala akong makapag sabi sa magulang ko. Kahit nahihiya ako ay nilakasan ko na ang loob ko para kausapin siya. "Lex, pwede bang sabihan sila na huwag tayong kunan ni video aor picture." kinakabahan kong sabi. "Why?" takang tanong niya. "Can I explain it to you some other time. Hindi lang ako komportable na may mga camera na nakatutok sa atin at baka ipost pa nila sa social media." kinakabahan kong sabi. Agad naman niyang tinawag si Vince at binulungan, after nun ay kinausap ni vince lahat ng may ari ng mga camerang nakatutok sa amin at isa-isang pinatabi. Nakahinga lang ako ng maayos ng makita ko na wala na kahit isang camera at puro na lang sila palakpakan at sigawan dahil sa kilig nila habang kaming dalawa ni Lex ay sumasayaw dito sa gitna.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD