Chapter 8

1500 Words
MAYENN BLAIRE DE VERA "Ikaw! Anong ginagawa mo dito? Stalker ka ba? Ang kapal din ng mukha mo hanggang dito sinundan mo pa ako." galit kong sigaw sa lalaking kaharap ko. "Bakit naman kita susundan? Anong akala mo sa akin, cheap? Asa ka, bakit maganda ka ba?" sagot ng hambog na lalaking kaharap ko. "Bakit sinabi ko bang maganda ako? Kung di mo ako sinusundan, bakit nandito ka?" nakataas pa ang isang kilay na sabi ko. Hindi ko talaga siya makalimutan yung ginawa niyang pambabastos sa akin kagabi kung malapit lang siya baka kinarate ko na siya. "Teka nga...teka lang... Magkakilala ba kayong dalawa? Kanina pa kayo nag sasagutan eh, parang ang tindi ng galit ninyo sa isa't isa." Awat sa amin ng kaibigan kong si Gianna. "Hindi! Wala akong kakilala na ganyan kasama ang ugali." singhal kong sabi. "Para namang ambait mo, parang wala kang kasalanang tinatago." Maangas na sabi niya rin sa akin. "Tama na nga yan, nagugutom na kami. Mamaya na kayo mag away kapag busog na kami. Bibigyan namin kayo ng time kahit mag rap battle pa kayong dalawa." Muling sabi ni Gianna. "Sino ba kasi siya? Bakit siya nandito?" baling ko kay Gianna. "Hindi pa nga pala kita napapakilala sa kuya ko. Mayenn si kuya Lex nga pala, kuya si Mayenn kaibigan ko." "What?!" gulat na gulat kong tanong. Hindi ako makapaniwala ang ang kaharap ko ngayon na lalaking kinaiinisan ko ay ang kuya ni Gianna. "Nagulat ka ba? Ako lang naman ang lalaking bumuhat sayo kagabi habang mahimbing ang tulog mo sa loob ng Van. Natuluan pa nga ako ng laway mo kagabi." bigla akong namula sa huling sinabi niya, napakabastos niya talaga. "Ang kapal ng mukha mo, hindi ako naglalaway matulog no." ani ko sabay irap. "Paano mo naman alam eh tulog ka nga?" giit pa niya sa akin. Nakaramdam ako ng pagkapikon, napakayabang niya at sobrang shambog akala mo naman ay gwapo siya. Walang sabi-sabi na tumayo ako sa kinauupuan ko at mabilis na naglakad palabas ng pinto. Narinig ko pa na tinatawag ako ni Ayesha at Gianna pero hindi ko na talaga sila nilingon. Sa sobrang gigil ko sa lalaking yun parang gusto kong umiyak ng umiyak para mawala ang galit ko. Tumakbo ako pauwi sa bahay namin at inabutan ko pa si nanay Sonya na nasa sala. "Anak, bakit ang bilis mo naman yata?" gulat na tanong ni nanay ng makita niya ako na nasapinto na. "Bakit ka umiiyak? Sino ang may gawa niyan sayo?" nag aalalang tanong ni nanay. "Wala po Nay, papasok po muna ako sa silid ko. Medyo masakit din po kasi ang ulo ko." sagot ko. "Sige anak, magpahinga ka na. Kailangan mo ba ng gamot? Ibibilihan kita sa tindahan." "Hindi na po Nay, itutulog ko lang po muna siguro ito." Tugon ko, saka na ako pumasok sa silid o at padapang nahiga sa kama ko. Umiyak ako ng umiyak, hanggang sa marealize ko kung bakit nga ba ako umiiyak? Sino ba siya sa akala niya? First time kong bastusin ng lalaki, hindi rin naman ako bastos. Infact humingi pa ako kagabi sa kanya ng sorry ng mabungo ko siya. Ilang beses ako nag sorry, pero siya mainit agad ang ulo na parang ang laki na agad ng kasalanan ko sa kanya. Habang nag eemote ako dito sa loob ng silid ko ay narinig kong kumakatok si Nanay sa labas ng pinto ko. "Anak, tulog ka ba?" mahinang tanong ni nanay Sonya. Pinahid ko muna ang luha ko bago sumagot. Alam ko na mag aalala sa akin si Nanay kapag nakita niyang umiyak ako. "Bakit po Nay, may kailangan po ba kayo?" Magalang kong sagot. "Anak, may bisita ka dito sa labas, kanina ka pa nila hinihintay." Muling sagot ni Nanay. Ayaw ko naman maging bastos kaya tumayo ako mula sa pagkakadapa sa aking kama at inayos ko ang sarili ko. Sinuklay ko ang mahaba kong buhok at nag lagay ng baby powder sa mukha para lang mag mukha akong fresh at hindi masyadong haggard tignan. Lumabas ako ng silid ko at nakita ko pa si Nanay sa harap ng pinto ko. "Anak, nandito ang mga kaibigan mo." Mahinang sabi ni Nanay. "Salamay po nay," nakangiti na ako sa kanya. Naglakad na ako papunta sa terrace para tignan ang mga kaibigan ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang isang lamesa na puno ng pagkain. Nagtataka ako kung bakit ang daming pagkain. "Anong meron? Bakit ang daming pagkain dito?" takang tanong ko. "Mayenn, sorry, hindi ko naman alam na si kuya pala ang nakaaway mo kagabi. Mabait naman yun, pangit lang siguro ang first meeting n'yo kaya ganun." "Sya pala nagpapunta sa amin dito, dito na lang daw tayo kumain, may pinuntahan lang daw siya pero susunod siya dito." MUling sabi ni Gianna. "Pasensya na Gianna ha, nawalan na kasi ako ng ganang kumain. Saka mas maganda kung wag na siyang pumunta dito. Pakisabi na lang sa hambog mong kuya, salamat sa effort. Pero hindi ko siya mapapatawad sa pagpapahiya niya sa akin." Mariin kong sagot. "Mayenn, sorry na, mabait talaga si Kuya pag nakilala mo siya. Wrong timing lang talaga yung first meeting ninyo." nakikiusap na sabi ni Gianna. "Alam mo Gianna, wala ka naman nagawang masama sa akin, kaya hindi ikaw ang dapat na nahingi ng sorry. Kung may isang taong dapat na makipag usap sa akin at humingi ng sorry, yung kuya mo yun at hindi ikaw." diretsahang sabi ko. Kung gusto niya palang mag sorry bakit kailagngan niya pang magpadala ng mensahero. Wala ba siyang bibig? Pipi ba siya? Ang galing niya nga mampahiya tapos ngayon hindi siya marunong humarap para humingi ng sorry. "Kumain na muna tayo, pangako, kapag dumating si kuya; uutusan ko siyang pumunta dito para siya ang personal na humingi ng sorry sayo." muling sabi ni Gianna. "Hindi mo siya kailangan utusan, kung ayaw niyang personal n mag sorry wala naman problema sa akin. Huwag na lang sana siyang magpapakita sa akin para lang inisin ako." "Pasensya na Gianna, kahit gusto kong kumain, nawalan na talaga ako ng gana. Mas maganda kung iuuwi mo nalang lahat ng yan at ipakain sa mga staff nio sa bahay. Para naman mabusog sila." ani ko. Hindi naman sa ayaw ko ng pagkain na inihanda nila, nawalan talaga ako ng gana at hindi ko pa kayang lunukin ang pagkain na siya ang maaalala ko. "Pwede bang kahit hindi ka kumain ay dito ka lang sa labas. Saka magpapaalam na rin sana kami kung pwedeng dito na lang kami kumain, nakakahiya na kasi kung ibabalik pa namin sa bahay ang lahat ng pagkain na ito." muling sabi ni Gianna. Ayaw ko naman maging kontrabida sa paningin nila kaya pumayag na ako. Habang masaya silang kumakain ay naka upo lang ako at nakikipag kwentuhan sa kanila. Ilang ulit rin nila akong pinilit na kumain pero hindi talaga nila ako napilit. Inabutan pa ni Tatay Boy ang masayang salo-salo na pinagsasaluhan nila dito sa amin. "Aba anak, napakarami naman natinag bisita? Ang dami ring pagkain, daig pa ang may fiesta." Nakangiting sabi sa akin ni Tatay Boy. "Tay, halina ho kayo at kumain, makisabay na po kayo sa amin." alok ni Ayesha kay Tatay na bagong dating. Hindi na naman tumangi si Tatay at nakisalo na silang dalawa ni Nanay. Ako ay masaya lang na nakatingin at pin apanood sila. Masaya kaming nag ku-kwentuhan ng may isang itim na Van na tumigil sa harap ng bahay namin. Kusang nagsalubong ang kilay ko ng makita ko ang lalaking bumaba mula sa Van. Kasama ng mga tauhan niya ay naglakad siya papasok ng bakuran namin. Aaminin kong napaka gwapo niya at napakakisig. Parang ang sarap niyang yakapin dahil sa mga muscle niya pumuputok. Para siyang yung pinapanood ko sa isang movie na lider ng mga mafia na sobrang gwapo. "Magandang hapon po," magalang niyang bati kina nanay at tatay. "Magandan hapon din anak, ano bang pakay mo?" tanong ni Tatay dahil hindi niya naman kilala ang mayabang na lalaking nasa harap niya. Pero kung tutuusin okay lang naman mag yabang siya dahil may ipag mamayabang naman talaga siya. "Magandang hapon po, ako po si Lex, nakatira ko tyan sa tapat. Gusto ko lang po sanang dalawin ang napaka ganda ninyong anak na si Mayenn." bigla niyang sabi. "Ay siya, ikaw naman pala ay aakyat ng ligaw, para ka rin palang intsik, iho, pumapanhik ng ligaw kahit na sobrang liwanag pa." Narinig kong sabi ni Tatay. Natingin naman sa akin si Lex, at parang manyak na nakangisi sa akin. Inirapan ko siya at pumasok ako sa loob ng bahay namin at naupo sa sala. "Bakit mo naman ako tinalikuran? Huwag ka ng magalit sa akin, hindi ko naman alam na mapipikon ka. Kumain kana para mabusog ka. Kailangan mong tumaba kasi mamahalin pa kita," Narinig kong sabi niya na kinainis ko, nahawakan ko ang unan satabi ko kaya ibinato ko yun sa kanya at sapol na sapol siya sa mukha kaya hindi ko naiwasan ang mapatawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD