Chapter 7

1839 Words
MAYENN BLAIRE DE VERA Nagising ako kinaumagahan na nasa loob na ng silid ko. Ang huling pagkakatanda ko ay nasa van ako nila Gianna, pauwi kami galing Baguio. Paano ako napunta ditqsa kwarto ko? Wala akong natatandaan na naglakad ako kagabi papasok ng bahay namin. Imposible naman na si Gianna at Ayesha ang bumuhat sa akin. Sumasakit na ang ulo ko kakaisip kung ano ba ang nangyari kagabi, kaya lumabas na ako ng silid ko upang magtanong kay Nanay Sonya. Alas sais pa lang ng umaga at ang kapal ng fog sa labas ng bahay. Hinanap ko si nay Sonya at natagpuan ko siya sa likod bahay na nag tatanim ng kanyang mga halaman. "Nay, ang aga pa po nagtatanim na po kayo agad." ani ko. "Nakapag kape na ako anak, maganda magtanim ngayon dahil malamig pa ang panahon. Inililipat ko lang itong mga rose na tanim ko masyado na kasi silang marami sa harap." Wika naman ni nanay. "Nay alam mo po ba kung paano ako nakarating sa silid ko kagabi? Ang tanda ko po kasi ay nakatulog ako sa van nila Gianna." Ani ko. "Siya nga anak, ginigising ka namin pero tulog na tulog ka. Mabuti na lang at lumabas ang kapatid ni Gianna na lalaki at nag prisinta ng buhatin ka." Napatakip ako ng kamay sa bibig ko, hindi ko akalain na bubuhatin ako. Aminado naman ako na pagnakatulog ako lalo na at pagod mahirap na ako gisingin. Pero hindi ko rin akalain na bubuhatin ako ng isang estranghero. "Nay, bakit n'yo naman po ako hinayaang buhatin ng isang lalaki? Nakakahiya po kaya," nahihiya kong sabi. "Anak, ginigising ka namin, abay napakahirap mo pa lang gisingin kapag tulog. Hinahampas mo pa ang mga kaibigan mo, kaya nilapitan na kami ng kuya ni Gianna at nag prisinta na buhatin ka na lang." "Nanay naman, nakakahiya po," para akong bata na nagmamaktol. Nakita ko naman na natatawa si Nanay Sonya kaya lalo akong nahiya. "Ano namang nakakahiya, pinabuhat na kita dahil nakikita ko na kagabi na nilalamig ka na. Siya nga rin ang nag kumot sayo ng maihiga ka na niya sa papag mo at siya rin ang nagtanggal ng sapatos mo." nakangiti pang sabi ni nanay. Napahilamos na lang talaga ako sa aking mukha dahil sa mga narinig ko. Ano na lang ang sasabihin sa akin ng kapatid ni Gianna. Hay, bigla yatang sumakit ang ulo ko dahil sa hiya ko. "Mayenn... Mareng Sonya..." tawag ng isang babae. "Anak, tignan mo nga kung sino ang taong nasa harap ng bahay natin. Mauna ka na at susunod na ako, huhugasan ko lang ang kamay ko." Utos sa akin ni Nanay. Pumasok na ako sa loob ng bahay para puntahan ang taong tumatawag sa amin. Paglabas ko sa terrace ay nakita ko na si aling Martha pala ang tumatawag sa amin. "Bakit po, aling Martha? Ano pong kailangan nila?" magalang ko namang tanong. "Pasensya ka na Mayenn kung naka isatorbo kami ng Anak ko. May sadya lang sana kami sayo," wika nito. "Jay, sabihin muna kung ano ang sadya mo kay Mayenn." utos nito sa kanyang anak. Ngumiti lang naman ako sa kanya at mukha siyang nahihiya sa akin. Sa tingin halos magkasing edad lang kami o baka mas matanda lang siya sa akin ng isa o dalawang taon. "A-ah, Mayenn, itatanong ko sana kung pwede ka ba namin maging muse ng basketball. Magkakaroon kasi ng liga dito sa baranggay natin, ikaw sana ang napili ng team namin na muse; kung papayag ka?" Nahihiyang sabi ni Bert sa akin. Tamang - tama naman na pumasok si Nanay Sonya at lumapit sa amin. "Kumare, napasyal kayo, anong atin?" nakangiting sabi ni nanay habang papalapit siya sa kinauupuan namin. "Sinamahan ko lang Mare, itong inaanak mo at may sadya raw sa alaga mong si Mayenn." Nakangiti ring tugon nito. "Ano naman ang sadya mo sa anak ko, Bert?" "Ninang, nag papaalam po sana ako na kung pwede namin siyang kuhaing Muse ng basketball, para sa liga na magaganap dito sa ating baranggay." Magalang na sagot naman nito kay nanay. "Ganun ba, si Mayenn na lang ang tanungin ninyo kung gusto niyang sumali. Ako naman ay susuporta lang kung ano ang gusto ng anak ko." muling sagot ni Nanay Sonya. "Ikaw anak, gusto mo ba?" baling na tanong sa akin ni Nanay. Hindi na bago sa akin ang pagiging Muse, madalas noong nag aaral ako ay palagi rin akong nakukuha na muse mula elementary hanggang college. Akala ko nga graduate na ako sa pagiging muse pero heto at kinukuha nila ako ulit. "Pwede bang maghanap po muna kayo ng iba, tapos kung sakali na wala kayong makuha ay saka ninyo ako sabihan." suhestyon ko sa kanila. "Mayenn, pwede bang ikaw na lang, para naman maranasan nang team namin ang manalo ng best in Muse lagi kasi kaming talo taon-taon." parang malungkot ang tinig na sabi ni Bert. "Sige na, pumayag ka na, kulang pa din kasi kami ng isang player. Para yun na lang ang problema namin." muli niyang sabi. Ramdam ko naman ang pagkagusto nila na ako ang kunin na muse, naawa rin naman ako at isa pa nahiya na akong tumanggi dahil sinadya pa nila ako dito sa bahay. Pumayag na ako na gawin nilang muse kaya labis naman ang saya ni Bert. Wala naman daw akong problema sa isusuot ko dahil papatahian din nila ako ng jersey na para sa muse. After kong pumayag ay nagpaalam na silang umalis, papasok na rin sana ako sa loob ng bahay para mag almusal ng muli na naman kaming makarinig ng tawag ni nanay mula sa tarangkahan ng aming bakuran. "Mayenn...!" sabay kaming napalingon ni Nanay. Nakita namin na binuksan na ni Gianna ang gate namin na gawa sa kawayan at sabay silang pumasok ni Ayesha na may dala-dalang tupperware. "Kayo pala, ang aga nyo naman akong istorbohin? Huwag n'yong sasabihin na mag aaya na naman kayong umali?" bungad ko sa kanila. "Hindi naman, napaka judgemental mo naman sa amin." biro ni Ayesha. "Bakit ba kasi kayo nandito? Ano bang kailangan ninyo?" "Ibibigay lang namin sayo itong brownies na dala ni kuya. Marami naman kay ishare na lang namin sayo. Saka gusto ka rin pala naming iinvite sa bahay para sa lunch mamaya, kayo ni nanay Sonya. Nagpaluto kasi si kuya sa kasambahay namin ng pagkain para pagsaluhan daw natin mamaya." Sabi sa amin ni Gianna. "Naku mga anak, ito na lang si Mayenn ang ayain ninyo at akoy hindi na sasama sa inyo. Dito na lamang ako sa bahay at akoy magpapahinga na lang. Mas gusto kong si Mayenn na lang ang ayain ninyo para naman malibang ang anak kong iyan." Sabi naman ni nanay Sonya. "Nay mas masaya po kapag kasama kita, minsan na nga lang tayo magkakasama ay aayaw ka pa po." malungkot kong sabi. "Anak, ayos lang naman ako, matanda na ako at mas gusto kong dito na lang sa bahay. Mayroon ka naman nilutong ulam ayun na lang ang uulamin ko mamaya." muli niyang sabi. Hindi ko na siya pinilit, ipagluluto ko na lang siya ng pagkain niya bago ako umalis para naman may kainin siya. Kinuha ko na ang dala nilang brownies at ipinasok sa loob, nagpaalam na rin naman ang dalawa kong kaibigan dahil may gagawin pa raw sila. Bigla akong natakam ng makita ko ang brand ng brownies na dala nila. Galing yun sa paborito kong shop kaya tuwang-tuwa ako. Habang maaga pa ay nagsimula na akong magligpit ng kalat namin. Naglinis na ako sa sala at maging sa kusin, pagkatapos ay kinuha ko na ang marumin namin ni nanay Sonya at agad ko na itong nilabahan. Konti lang naman ang marumi namin dahil inaagad ko na ito. Noong una ay ayaw pang ipalaba sa akin ni nanay ang mga damit nila ni Tatay pero pinilit ko sila. Kahit ito man lang ay magawa ko kapalit ng pagpapatira nila sa akin dito sa bahay nila. Pagkatapos kong mag laba ay naghanda na rin ako ng aking iluluto. Mahilig si nanay Sonya sa gulay kaya ang niluto ko ay pakbet at pritong isda. Natuto na akong magluto ng pakbet dahil tinuruan nila ako. Sigurado ako pag bumalik ako sa Maynila ay marami na akong natutunan dito. After kong magluto ay saka naman ako pumasok sa banyo para maligo, hindi ko kaya ang lamig kaya nagpainit muna ako ng tubig sa takuri. Hindi rin naman ako nagtagal sa paliligo. Saktong nakabihis na ako ng tawagin ako ni Nanay Sonya. "Mayenn, anak, nandito na si Ayesha, sinusundo ka niya." dinig kong sabi ni nanay sa labas ng aking pinto. Nagmadali na ako, nag pulbos lang ako at liptint saka na ako lumabas ng silid ko. Bago ako tuluyang umalis ay nag bilin muna ako kay Nanay. "Nay, nakahanda na ang pagkain mo sa lamesa. Kumain ka po ha, huwag kang magpapalipas ng gutom. After namin kumain babalik din po ako agad dito para samahan ka." "Huwag mo akong alalahanin, lumakad ka na at baka gutom na ang mga kasama mo." Taboy sa akin ni Nanay. Tuluyan na kaming lumabas ni Ayesha, naglakad na kami papunta sa kanila. Hindi naman kalayuan dahil halos katapat lang namin sila. Magand at malaki nga lang ang bahay nila kumpara sa amin na kubo lang. Pag pasok namin sa malaking gate ay kita mo agad na mayaman ang may ari. Hindi ko akalain na ganito pala ito kaganda. Ang mga lanscape at perpekto ang pagkakagawa na parang may maliit na rice terraces at ang mga halaman ay ang sisigla nila. "Halika pumasok tayo sa loob, nandon si Gianna naghahanda ng pagkain." aya sa akin ni Ayesha. Hawak ni Ayesha ang kamay ko naglakad kami papasok sa loob ng bahay. Sobrang luwag ng sala nila high ceiling at ang lalaki ng bintana. Perfect talaga para maging bahay bakasyunan. "Mayenn, nandyan ka na pala, halika na dito maupo. Pababa na rin ang kuya kon, naligo lang siya dahil nangamoy usok dahil sa inihaw niyang isda at liempo." nakangiting sabi ni Gianna. Lumapit na ako sa kanila, ang daming pagkain sa hapag na wari mo'y fiesta sa dami ng pagkain. "Anong mayroon? Bakit napakarami naman yatang pagkain kayong niluto?" tanong ko. "Utos ni Kuya, hindi ko nga alam kung bakit? Siya rin ang nagsabi na imbitahan ka namin ditong kumain." sabi ni Gianna. Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi ng kaibigan ko. Bakit niya naman ako iimbitahang kumain? Hindi naman kami magkakilala. Uupo na sana ako ng makarinig ako ng yabag na papalapit sa amin. Dahan-dahan kong iniangat ang aking ulo, hindi ko alam pero parang kilala ko siya. Pamilyar ang mukha niya sa akin, hindi ko lang matandaan kung saan ko ba siyang lupalop nakita. Habang papalapit siya sa amin ay lalo akong naiinis sa kanya. Nakangiting aso pa siya na akala mo nakakaloko, sa inis ko napataas tuloy ang kilay ko ng hindi ko sinasadya. "Hi miss, mabuti naman at nakarating ka?" sabi niya sa akin. Bigla na lang nag init ang ulo ko dahil pamilyar sa akin ang boses niya....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD