CHAPTER 6

1357 Words
THIRD PERSON Abala si Mayenn sa pagtatanim ng gulay kasama ang Nanay Sonya niya ng puntahan siya ng dalawa niyang kaibigan na sina Gianna at Ayesha. "Mayenn! Mayenn!" malakas ang boses na tawag ni Gianna. "Anak, mga kaibigan mo yata ang natawag sayo. Tumayo ka na dyan at puntahan mo sila." Utos ni Aling Sonya. Bago pa makatayo si Mayenn ay nakalapit na sa kanila ang magpinsan. "Bakit ba n'yo ba ako tinatawag? May kailangan ba kayo sa akin?" tanong ni Mayenn sa dalawang bagong dating. "Naiinip kasi kami sa bahay, yayayain ka sana namin pumunta ng Baguio. Para magandang pumunta ngayon sa night market." saad ni Ayesha. "Pasensya na, hindi ako makakasama, tinutulungan ko si Nanay sa pag lilinis ng pagtatamnan namin ng gulay sa isang araw." ani ni Mayenn. "Sige na anak, sumama ka na sa mga kaibigan mo. Ako na ang bahala dito, saglit na lang naman at patapos na rin tayo." tugon naman ng matanda. "Ayun naman pala, halika na Mayenn, sumama ka na sa amin ni Ayesha." ani ni Gianna. Tumayo na si Mayenn at naglakaad kasama ng dalawa niyang kaibigan pauwi sa bahay nila. Pag dating ay agad siyang pumasok sa banyo para maligo, dinig pa ang hiyaw ni Mayenn habang nagbubuhos siya ng tubig dahil sa parang may yelo ang tubig na galing sa poso. Hindi na siya nagtagal sa paliligo dahil nanunuot talaga ang lamig sa kanyang balat. Patakbo pa siyang lumabas ng banyo at pumasok sa kanyang sariling silid. Nagbihis na siya ng damit at isang skinny jeans at croptop shirt lang ang suot niya na pinatungan niya lang ng jacket dahil malamig sa lugar nila. Naglagay lang din siya ng konting liptint at blush-on bago siya tuluyang lumabas ng kanyang silid. "Wow! Ang simple mo lang pero lutang ang ganda mo Mayenn." papuri sa kanya ni Ayesha. "Maganda ka rin naman, saka magaganda talaga tayong tatlo." nakangiti ring sabi ni Mayenn. "Excited na talaga akong pumunta dito si Kuya, sigurado akong mawawala ang kasungitan niya kapag nakita ka ni Kuya." wika naman ni Gianna. Lumabas na sila ng bakuran nila Mayenn at nakaabang na doon ang van na sasakyan nila papuntang bayan. Habang nasa byahe ay nagkukwentuhan silang 3. "Mayenn, ilang taon ka na pala?" tanong ni Ayesha. "24" simpleng tugon niya. "May boyfriend ka na ba?" tanong naman ni Gianna. "Di naman ako na inform na may Q & A pala tayo ngayon." pabirong sagot ni Mayenn sa mga kaibigan niya. "Malayo pa kasi ang Baguio, ang boring naman kung matutulog lang tayo." Sagot naman ni Gianna. "Biro lang, wala pa akong boyfriend, noong nasa college ako nagkaroon naman ako ng boyfriend pero di rin nagtagal. Niloko niya lang ako kaya naka pag break ako. Since then, hindi na ako sumubok makipag relasyon." Seryosong sagot ni Mayenn. "So, single ka ngayon?" namimilog pa ang matang tanong Gianna. Tumango na lang si Mayenn bilang tugon sa kaibigan niya. Hapon na ng makarating sila sa Baguio, dumiretso na sila sa pakay nilang puntahan—ang night market. Bago pa sila mag simulang maglibot ay nag aya munang kumain si Gianna. Sa dami ng masasarap na pagkain ay lahat gusto nilang tikman. Una silang nagpunta sa nagtitinda ng ihaw-ihaw. "Mayenn, anong gusto mo? Pumili kana at ipapaihaw na natin." sabi ni Ayesha. Pumili lang siya ng paa ng manok at ulo ng manok, paborito niya ang mga yun lalo na noong nasa college pa siya. "Miss, kumakain ka ng adidas at ulo ng manok?" Takang-taka na tanong ng isang lalaki na kasabay nilang bumibili. Simpleng ngiti lang ang isinagot niya. Hindi naman kasi siya maselan sa pagkain. Mag gusto niya ang ang street food kesa ang mga mamahaling pagkain sa mga restaurant. Habang nagalalakad sila ay naisipan ni Mayenn na mag withdraw ng pera niya sa Atm. "Gianna, may pupuntahan lang ako, saan ko ba kayo hahanapin pag balik ko?" tanong ni Mayenn sa kaibigan niya. "Saan ka pupunta?" tanong ni Ayesha. "Gusto mo ba samahan ka na namin." Muli niyang ani. "Hindi na saglit lang naman ako," sagot ni Mayenn. "Sige, doon mo na lang kami puntahan ni Gianna, doon lang kami uupo sa may bench. Kapag nauna ka hintayin mo na lang kami koon." sabi ni Ayesha. Naglakad na palayo si Mayenn, muli niya pang sinilip ang dalawa niyang kaibigan kung nakatingin sa kanya. Ayaw niya kasi na makita ng mga ito na mag wi-withdraw siya ng pera. Binilisan niya ang lakad niyaa pag kalagpas niya sa lugar kung saan maraming tao. Iba ang pakiramdam niya, para bang may mga matang sumusunod kung saan siya magpunta. Malapit na siya sa bangko kaya binilisan niya na ang lakad niya. Hinid niya napansin ang lalaking kasalubong niya kaya nabungo siya dito, mabuti na lang at mabilis ang kamay ng lalaki at nahawakan siya sa braso. "Miss, hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo? Sa laki kong ito hindi mo ako nakita?" Inis na singhal sa kanya ng lalaking kaharap niya. "Pasensya na po, nagmamadali lang po kasi ako." hinging paumanhin niya. "Pasensya, may magagawa pa ba ang paghingi mo ng pasensya gayong natapon na ang pagkaing dala ko." inis pa rin na sabi ng lalaki. "Magkano po ba yan at babayaran ko na lang, hindi ko naman kasi sinasadya." "Ganyan naman kayo, kapag may mali kayong ginawa sasabihin ninyo hindi sinasadya. Pero paano naman yung tao na naperwisyo mo? Ganun-ganun na lang ba yon." Napakunot ang noo ni Mayenn, parang ang lalim naman ng hugot ng lalaking kaharap niya. Parang may roon itong mabigat na pinagdadaanan. "Hala, may hugot yarn? Sir, ano po ba ang gusto mong gawin ko para hindi ka na magalit?" "Ang mawala ka sa paningin ko, nakakasira ka ng gabi ko." biglang sabi ng lalaki. "Ang yabang mo! Hindi ko naman sinasadya galit na galit ka. Kasalanan mo yan kung bakit nasira ang gabi mo. Akala mo kung sino? Alam kong mayaman ka, pero sana marunong ka ring umintindi ng salita. Nanghingi na ako ng sorry diba! Willing naman akong bayaran o palitan kung ano man yang natapon ng dahil sa akin. Pero ayaw mo, kaya kasalanan mo yan. Bahalaka sa buhay mo!" malakas na sigaw ni Mayenn. Nanginginig na siya sa galit dahil sa asal ng lalaking nakaaway niya. Tumalikod na siya at iniwan ito, ayaw niya ng makipagtalo sa kagaya nito na makitid ang utak. Pinuntahan niya na ang nakita niyang Atm Machine at nag withdraw ng kanyang pera. Sarili niyang savings ang ginagamit niya. Dahil baka ma trace ng daddy niya kung nasaan siya ngayon. Nag iingat lang siya dahil ayaw pa niyang umuwi sa kanila. Matapos niyang makapag withdraw ay bumalik na siya sa mga kaibigan niya. Pinuntahan niya ito sa lugar kung saan ang usapan nilang magkikita sila. Dinatnan niya ang dalawa na kumakain na ng barbeque. Hindi pa rin naman mawala ang inis niya sa lalaking nakabangga niya. "Mayenn, anong nangyari sayo? Bakit parang galit na galit ka?" tanong ni Gianna. "May siraulo kasing lalaki akong nakabangga kanina, akala mo kung sino; parang siya lang ang nasaktan." Hindi maitago ni mayen ang inis sa lalaking nakabangga niya. "Nakita mo ba kung saan pumunta? Siraulo yun ah, napatol sa babae. Ano ba yun bakla?" inis rin na sabi ni Ayesha. "Hayaan niyo na, turista siguro yun dito. Kasi mababait naman ang mga local ng baguio. Mga turista lang minsan ang mayabang akala mo nabili na nila ang buong Baguio." ani pa ni Mayenn. Natigil lang si Mayenn sa pag rarant ng marinig niyang tumunog ang cellphone ni Gianna. "Yes Kuya, sige po mamaya uuwi na rin kami." Sabi ni Gianna sa kausap niya. "Tapos na ba kayong kumain, tara na maglibot na tayo para makauwi na rin tayo. Ang sabi ni kuya pauwi na siya ng atok." Namili lang si Mayenn ng pasalubong niya kay Nay Sonya at binilihan niya rin ito ng panlamig. Malamig kasi sa lugar nila dahil sa napapaligiran sila na kabundukan. Halos isang oras din silang naglilibot ng mag aya na si Gianna na umuwi. Dahil sa pagod ay nakatulog na si Mayenn sa biyahe at hindi niya na namalayan na nakarating na sila sa bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD