Chapter 5

1572 Words
MAYENN BLAIRE DE VERA Nakaupo kami ni Nanay Sonya dito sa may maliit na terasa na gawa sa kahoy. Hinihintay namin ang pagdating ni Tatay Boy. Ngayon kasi ang uwi niya galing sa trabaho niya bilang isang kundoktor. “Mayenn, anak, wag mo sanang mamasamain kung magtatanong ako sayo.” Malumanay ang boses na sabi ni Nanay Sonya. Ngumiti naman ako, “Bakit ko naman po mamasamain, napakabuti n’yo po sa akin ni Tatay Boy. Sige lang po magtanong po kayo.” Nakangiti kong sagot. “Anak, paano ka nga pala napadpad ng Baguio? Sa tingin ko naman sayo ay hindi ka mahirap, mukha kang may pinag aralan at mataas ang estado sa buhay. Bakit ka nagtitiis dito sa lugar namin?” Wika ni Nay Sonya. Sasagot na sana ako ng makita namin na padating na si Tatay Boy. "Kamusta kayong dalawa?" bungad na tanong agad sa amin ni Tatay Boy. "Mabuti naman kami, Lakay, nag uusap lang kami nitong anak natin." Nakangiting sagot ni Nanay Sonya. "S'ya nga pala anak, may mga lalaking naglilibot sa mga terminal noong isang araw. May mga larawan silang ipinakita mabuti na lang at wala ni isa sa mga kasamahan ko ang nakapagsabi na nakita ka nila." Sabi ni Tatay "Anak, paano ka namin poprotektahan kung hindi namin alam kung bakit ka nila hinahanap. Pwede kang mag kwento sa amin ng Tatay mo makikinig kami." sabi sa akin ni Nanay. Ramdam ko naman na sincere sila sa mga sinabi nila sa akin, sa maikling panahon na nakatira ako dito sa bahay nila ay ramdam ko ang pagmamahal nila. Ayaw ko sanang mag kwento sa kanila, pero mukang kailangan ko ng magsabi para naman alam nila kung bakit ako nagtatago. "Pasensya na po Nay, Tay, kung hindi po agad ako nakapagsabi sa inyo. Ayaw ko po kasi kayong madamay sana sa problema ko. Ang totoo po kasi noong araw na umalis ako ng Maynila at pumunta ng Baguio ay yun din po ang araw sana ng kasal ko. Hindi ko po kayang magpakasal sa isang lalaki na hindi ko po kilala at hindi ko po mahal. Nalaman ko lang po na ipakakasal ako ng aking mga magulang sa isang lalaki na kahit kailan ay hindi ko pa nakita. Kaya po nagdesisyon akong umalis dahil ayaw kong habang buhay kong pag sisihan ang pagpapakasal sa taong hindi ko po mahal. Tama po kayo, may kaya po ang pamilya pero hindi ko po alam kung bakit nila ito ginawa sa akin. Nag iisang anak din po ako kaya hindi ko po talaga maintindihan. Alam ko rin po na hahanapin nila ako kaya ginusto kong lumayo para hindi nila ako makita." Nahihiyang sabi ko sa kanila. "Pero anak hanggang kailan mo sila pagtataguan, kailangan mo rin harapin ang problema mo." Muling sabi ni nanay. "Alam ko naman po, hindi pa lang po siguro ngayon. Hayaan po ninyo, bukas po ay maghahanap ako ng bahay na pwede kong lipatan para hindi po kayo madamay sa problema ko." Malungkot kong sabi. "Anak, hindi mo naman kailangan na umalis dito. Ngayon alam na namin kung anong dahilan mo, kahit paano ay mapoprotektahan ka na namin sa mga taong naghahanap sayo. Hindi mo kailangan umalis, ikaw ang pinadala sa amin ng Diyos para may makasama kami ng Tatay mo. Ikaw din ang nagbibigay sa amin ngayon ng saya. Kahit papaano ay naranasan namin na magkaroon ng anak sa pamamagitan mo." Dama ko sa bawat salita ni nana Sonya ang labis na pangungulila sa anak. Kahit papaano ay napamahal na rin sila sa akin. Itinuring ko na rin silang pamilya ko. "Oh s'ya, tama na ang drama ninyong mag ina, pumasok na tayo sa loob ng makakain na tayo. May dala ako ditong litson manok, halina kayo at atin na itong pagsaluhan." Masayang sabi sa amin ni Tatay Boy. Masaya akong hinila ni nanay Sonya papasok sa loob ng bahay. Tinulungan ko siyang maghain ng aming pananghalian at masaya naming pinagsaluhan ang dala ni Tatay boy na litson manok. Ngayon ko mas na appreciate ang buhay, kahit simple lang ang buhay ko dito sa Atok ay mas panatag at kampante ako. Hindi nating kailangan ng maraming pera para lang maging masaya sa buhay. Kailangan lang natin makuntento para mas maging masaya. Hindi naman ako maselan pero nabuhay ako ng marangya at walang pakialam sa mga perang ginagastos ko. Pero mula ng tumira ako dito, dito ko nalaman kung gaano kahalaga ang bawat sentimo na aking sinasayang. Ngayon mas pinapahalagahan ko na ang ibang tao, mas natuto akong makisama sa mga taong mas mababa sa akin. Higit sa lahat nalaman ko na minsan mas masaya ang mabuhay ng simple lang dahil mas napapahalagahan mo ang mga bagay na meron ka. Pagkatapos namin kumain ay ako na ang naghugas ng aming pinagkainan. Si tatay naman ay pumasok na sa silid nila para makapagpahinga. Ang simple ng buhay ko dito, walang problema at walang masyadong iniisip na malalaking bayarin. Dahil napapalibutan kami ng kabundukan ay hindi na namin kailangan gumamit ng aircon. Sariwang hangin at magandang tanawin ang araw-araw na sasalubong sayo. ______________________________ Kinabukasan maaga akong nagising para tumulong sa pagluluto ng almusal. Kapag umaga kasi ay madalas pumupunta si nanay sa bukid para tignan ang kanyang pananim. Patapos na akong mag luto ng dumating si Nanay kasama si tatay na may dalang mga gulay. "Anak, gising ka na pala? Nanguha lang kami ng tatay mo ng gulay para siya nating ulam mamayang tanghalian." Wika ni nanay. Inaya ko na silang mag almusal dahil nakaluto na ako, pinagtimpla ko na rin sila ng kape. Hindi talaga ako mahilig sa kape pero mula ng mapunta ako dito ay natuto na akong uminom ng kape. Ang sarap lang kase iba talaga ang lasa kapag ang kape mo ay barako, puro at walang halong kemikal. Nauna na akong natapos kumain, lumabas muna ako para naman mag walis ng paligid. Kinuha ko na walis sa likod bahay at nag simula na akong mag walis. Sa ilang lingo ko ng nakatira dito ay may mga kakilala na rin naman ako. Mababait at magagalang ang mga tao dito kaya masarap din silang kakwentuhan. Habang abala ako sa pag wawalis ay may tumawag ng pangalan ko. "Mayenn, ikaw ba yan?" Malakas na tawag sa akin ng hindi pamilyar na boses. Nagpalinga-linga ako para makita ang taong tumawag sa akin. "Pssttt.... Mayenn, we're here!" muli kong narinig. Sinundan ko kung saan banda nanggaling ang boses at nagulat ako ng makita ko ang dalawang babae na kumakaway sa akin sa katapat naming bahay. Yung bahay na malaki at mukhang mayaman ang may ari. Ayun yung bahay na binenta na dahil nag migrate na sa America ang may ari. Iniisip ko kung bakit nila ako kilala at kung saan ko ba sila nakita. Hindi ko sila matandaan kaya nakakunot ang noo ko na nakatingin sa kanila para mamukhaan ko sila. Nakita ko na naglakad sila palapit sa akin. "Hindi mo na ba kami kilala?" Wika ng babaeng hindi masyadong katangkaran pero maganda. "Pasensya na ha, pero saan ba tayo nagkakilala?" Mahina kong tanong sa kanila. Nahihiya rin kasi ako, dahil hindi ko talaga sila matandaan. "Ayesha, remember yung nakabungo sayo sa grocery store sa bayan." sabi sa akin ng nagpakilalang Ayesha. "Ito naman sa ganda ba naming ito hindi muna kami agad matandaan. I'm Gianna, the very beautiful Gianna." natatawang sabi rin ng matangkad na babae na maganda rin ang mukha. "Ay oo naalala ko na kayo, pasensya na ha hindi kasi ako matandain sa mukha. Kayo ba nakabili niyang bahay?" Tanong ko sa kanila. "Yes! Binili yan ng kuya ko, gusto kasi niyang magkaroon ng bahay bakasyunan sa probinsya. Tamang -tama naman na inalok yang bahay ng kaibigan niya, kaya binili na ni kuya." Sabi ng nag pakilalang Gianna. "Ang yaman niyo pala?" Wala sa loob na sabi ko. "Hindi naman, sakto lang. Akalain mo yun, noh? Ang liit lang ng mundo. Hindi namin akalain ng pinsan ko na dito ka rin pala nakatira. Buti na lang at napansin ka ni Ayesha at itinuro ka niya sa akin. We are looking forward to becoming friends." Nakangiting sabi ni Gianna sa akin. Muka naman silang mabait at kalog kaya hindi rin naman ako natakot sa kanila. Noong una ko pa lang sila makita ay napaka friendly na nila sa akin. Nagduda pa ako noong umpisa pero ngayon mukhang okay naman silang maging kaibigan. "Anak, may bisita ka pala?" narinig kong sabi ni nanay. Nakalabas na siya ng pinto at papalapit na siya sa akin. "Opo nay, mga bago ko pong kaibigan. Sila po pala yung nakabili ng bahay jan sa tapat." Wika ko. "Abay napaka gaganda din pala ng mga dalagang ito. Maigi naman at may bago ka ng kaibigan, anak." sagot naman ni nanay. "Hali kayo sa loob at ng makapag kape na kayo, mayroong nilang saging at kamote ang tatay Boy mo. Pakainin mo muna ang mga bisita mo, Anak." Sabi sa akin ni nanay. Aayaw pa sana sina Ayesha at Gianna pero hinila ko na sila. Natutuwa ako at may mga bago na akong kaibigan. Sa tingin ko ay mga kasing edad ko lang sila. "Mayenn, ipapakilala ka namin kay Kuya kapag dumating na siya dito. Baka bukas o sa isang araw ay pumunta na siya dito para bisitahin kami." Sabi ni Gianna. "Sige ba, wala naman problema sa akin yun. Basta mabait at hindi manyak, go lang ako." Natatawa ko ring sagot kay Gianna.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD