Chapter 3

1505 Words
LEVI MONDIGO “Boss, marami na po kayong nababasag. Tama na po,” sabi sa akin ng tauhan kong si Vince. “That f*****g girl! Find her; I want her to suffer for what she did to me!” Galit na galit kong sigaw kay Vince. “Ipaparamdam ko rin sa kanya kung paano maghintay at mapahiya sa simbahan.” Halos mapatid na ang litid ko sa leeg sa sobrang galit sa babaeng dapat na mapapangasawa ko. Nagmukha akong tanga sa simbahan kakahintay sa kanya, hindi ko matanggap sa sarili ko na hindi niya ako sinipot sa araw ng kasal namin. Magbabayad sila ng mahal sa ginawa ng anak nila sa akin. “Vince, pull out all my investment on De Vera’s Realty, make them suffer.” Halos dumagundong ang boses ko sa buong bahay dahil sa lakas ng sigaw ko “Right away, boss.” Hindi ako papayag na hindi sila magbayad sa ginawa nilang pamamahiya sa akin. Ngayon nila malalaman kung paano ako magalit. Malaking kawalan ang investment ko sa kanila, tiyak na mapipilayan ang kumpanya nila. Tignan ko lang kung hindi sila magmakaawa sa akin. “Manang…. Manang…!” Malakas kong sigaw sa kasambahay namin. Humahangos naman na dumating ito sa aking silid. “Iho, anong kailangan mo?” tanong ni manang pagpasok niya ng silid ko. “Pakisabi po sa driver na ihanda ang sasakyan, aalis kami.” Utos ko. Agad na tumalima si Manang at lumabas ng silid ko, inayos ko ang aking sarili. Saka ako lumabas ng aking silid. Bumaba ako at dumiretso sa sa parking, nakita ko si Vince na nakatayo na sa tabi ng pinto. Agad niya akong pinagbuksan pag lapit ko sa kanya. “Boss, ayos ka lang ba? Baka kailangan mo munang magpahinga?” Sabi sa akin ni Vince, mababanaag sa kanyang boses ang pag aalala sa akin. “Ayos lang ako,” walang gana na sabi ko. Pagkarating namin sa tapat g building ko ay agad akong bumaba ng sasakyan ko. Hindi ko na hinintay na pagbuksan ako ni Vince ng pinto. Dala ang laptop bag ko ay diretso na ako sa entrance, ang mga tauhan ko naman ay nakasunod lang sa likuran ko. Pagpasok ko sa loob ng opisina ko ay agad akong kumuha ng alak at nagsain ako sa baso. Agad ko itong nilagok at ramdam ko ang pag guhit ng mainit na likido sa aking lalamunan. “Vince, I want you to find that woman. Kailangan siyang managot sa ginawa niya. Iharap niyo siya sa akin, hindi niya kilala kung sino ang ginago niya.” May diin at halos maningkit na ang mata ko sa galit. “Yes boss, nagsimula ng mag imbestiga ang mga tauhan natin malapit sa lugar nila. Just give me 1 week para malaman kung saan siya nagtatago.” Sagot sa akin ni Vince. Inabala ko na ang sarili ko sa pagtatrabaho. Habang nagbabasa ako ng mga documents na nasa ibabaw ng table ko ay tumunog ang intercom ko. “Sir, may bisita po kayo, gusto po nila na makipag usap sa inyo.” Sabi ng aking sekretarya sa kabilang linya. “Let them in.” Utos ko. “Mr. Mondigo, nakikiusap po kami, huwag n’yo po ipull out ang investment niyo sa company namin.” Napatingala ako ng marinig ko ang boses ng taong nasa harapan ko. “Do you still have the nerve to come here to my office after what your child did to me? Do you think I will let this slide? I already granted your request in exchange for your child marrying me—but what did you do? You humiliated me in front of many people. The woman I was supposed to marry made me look like a fool on the very day of our wedding,” was my angry response to the De Vera couple. “We understand your anger and disappointment, Mr. Mondigo, and I deeply apologize for the pain and humiliation you’ve endured. There are no excuses for what happened on your wedding day—you deserved to be treated with dignity and respect, especially after you showed us such kindness by agreeing to our request. We take full responsibility for our child’s actions. We know words alone can’t undo the embarrassment you faced, but we want to make things right. Please let us know what you feel would be an appropriate way to address this,” Mr. De Vera said humbly. “Bring your daughter to face me within three days. If you fail to do so, I will withdraw all my investments and ensure that your company collapses,” I said angrily. “Pero hindi po namin alam kung nasaan siya ngayon, pangako po na hahanapin namin siya at ihaharap sa'yo. Please, Mr. Mondigo, give us the chance to find our daughter. Baka natakot lang siya dahil hindi ka pa niya nakikita at wala siyang ideya na ikaw ang mapapangasawa niya,” paliwanag ni Mrs. De Vera. “I have a lot of work to do; please leave.” Matapang ang mga titig ko sa kanila, gusto kong iparating sa kanila na hindi ko gustong narito pa sila sa aking opisina. Walang nagawa ang mag asawang De Vera kundi ang lumabas ng akin opisina. Ayaw ko na silang pagbigyan, once is enough. Hindi ko namalayan ang oras kung hindi lang nagsalita si Vince. “Boss, hindi ka pa ba kakain hapon na.” Ani nito. “Hindi ako gutom, gusto kong pumunta sa bar para mag-relax. Tawagan mo sila Migz at Jeff. Sabihin mo, kailangan ko silang makausap. Doon tayo sa bar ni Zeb mag-meeting.” Utos ko kay Vince. Inayos ko na ang mga gamit ko; alas sais na pala ng gabi at wala pa akong kain buong maghapon. Bigla akong nawalan ng ganang kumain kaya halos hindi ko namalayan na gabi na pala. Kinuha ko ang bag ko at ang coat ko bago lumabas ng opisina ko. “Ms. Pante, why are you still here? Alas sais na, dapat nakauwi ka na,” ani ko sa secretary ko. Hindi pa pala siya umuwi. “Alam ko po kasi na may problema kayo, kaya naisip ko na baka may iuutos pa po kayo sa akin.” “Sige na umuwi ka na baka hinahanap ka na ng pamilya mo.” Utos ko. “Salamat po sir, mauna na po ako sa inyo.” Magalang niya sabi at naglakad na siya palayo. Kami naman ay dumiretso na sa private lift ko kasama si Vince. Ang iba kong tauhan ay sa ibang elevator sumakay. Pagbaba namin sa ground floor ay dumiretso na kami sa sasakyan ko. “Rey, sa bar ni Zeb tayo.” Utos ko sa aking driver. Pinatakbo niya na ang sasakyan at hindi naman nagtagal ay nakarating na kami sa bar. Pag pasok namin sa entrance ay amoy na agad ang usok ng sigarilyo at alak. Dinig mo rin ang ingay ng banda na tumutugtog sa stage at halos magsiksikan na sa dami ng tao. Sinaubong kami ng bouncer at agad na iginiya sa isang VIP room. “Sir, nasa Vip na po ang mga kaibigan ninyo. Sabi po ni Boss Zeb, sa 3rd floor daw po kayo.” Sabi sa akin ng bouncer, naglakad na kami papunta sa 3rd floor. Maluwag ang bar ni Zeb, isa ito sa malalaking bar dito sa BGC kaya laging maraming tao. Pagdating namin ng 3rd floor ay nakita ko na ang mga kaibigan kong sina Migz at Jeff kasama si Zeb. “Anong atin? Bakit ka nagpatawag ng meeting? Balita namin hindi natuloy ang kasal mo dahil tinakasa ka ng bride. Gusto mo bang patahimikin na namin para makaganti ka.” Bungad ni Migz. “Siraulo! Ayos lang ako. Sa ngayon pinahanap ko na siya, hindi sa ganun paraan siya mawawala sa mundo. Kailangan niya munang maghirap para maramdaman niya ang sakit ng ginawa niya. Gusto kong makita ang takot sa mga mata niya.” Seryoso kong sagot. “Hindi niya alam kung sino ang tinakbuhan niya.” Ngumingisi na sabi ni Jeff. “Huwag na natin pag usapan ang buhay ko. Nandito tayo para pag usapan ang shipment natin bukas. Handa na ba lahat ng kailangan natin? Siguraduhin ninyo na walang magiging aberya ang pag alis ng container van. I-secure ninyo ang lahat ng kargamento at kailangan makarating yan ng Mexico ng hindi nahuhuli ng awtoridad. Malaking pera ang mawawala sa atin kapag nagkataon.” Sabi ko sa mga kaibigan ko. “Walang problema, bukas ng gabi ay maayos na makakaalis ang barko na magdadala ng mga kargamento natin sa Mexico. Kami ni Migz ang bahala sa mga yun.” Saad naman ni Jeff. “Vince, asikasuhin mo muna ang paghahanap sa dalagang De Vera, pag natagpuan ninyo tawagan niyo aggad ako. Ako ang bahalang humarap sa kanya. Ibibigay ko sa kanya ang parusang hindi niya makakalimutan sa tanang buhay niya.” Ani ko, mababanaag sa mga mata ko ang galit sa babaeng may lakas nang loob na iwan ako sa araw mismo ng aming kasal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD