LEVI / LEX MONDIGO Hindi ako makapag-concentrate sa trabaho ko dito sa loob ng opisina. Ilang beses ko nang binasa ang report na nasa harap ko pero wala pa rin talagang pumapasok sa utak ko. Sa halip na sa laptop nakatutok ang mata ko, madalas akong napapalingon sa glass wall. Kung saan naroon si Mayenn. Tahimik siyang nakaupo sa table niya habang abala sa computer. Paminsan-minsan ay nakikita kong tumataas ang kilay niya at napapailing na parang may kinaiinisan sa ginagawa niya. Napangiti ako.... Mukhang hanggang ngayon ay inis pa rin siya sa sinabi ko kanina sa intercom. “GGSS daw ako,” bulong ko sa sarili ko sabay iling. Pero kahit ganoon… hindi ko maitatanggi na natutuwa ako kapag inaasar ko siya. Gustong - gusto ko kapag nagagalit siya sa akin. Atleast alam kong napapansin niya

