MAYENN BLAIRE DE VERA Nagising ako dahil sa amoy ng masarap na pagkain na umaalingasaw sa loob ng bahay. Napakurap-kurap ako habang pilit na inaaninag ang paligid ng kwarto ko. Medyo mabigat pa ang pakiramdam ng ulo ko dahil sa antok. Dahan-dahan akong bumangon at kinapa ang cellphone ko sa gilid ng kama. Pagkakita ko sa oras ay halos malaglag iyon sa kamay ko. “Shocks!” napasigaw ako. “Tanghali na?!” Mabilis akong napaupo sa kama habang napapahawak sa ulo ko. “Ano na Mayenn? May pasok ka pa, bakit hindi ka nagising ng maaga?” kastigo ko sa sarili ko. Hindi ko alam kung paano nangyari na ganito ako kahimbing matulog. Karaniwan ay maaga akong nagigising. Bigla ko tuloy naalala... Si Lex ang amo ko. “Patay!” bulong ko sa sarili ko. Sigurado akong aasarin na naman niya ako kapag na

