Chapter 27

2102 Words

MAYENN BLAIRE DE VERA Hindi ko talaga inaasahan na ang lalaking tinakasan ko sa Atok… ay siya ko ring magiging amo ngayon. Sa dami ng lugar sa mundo, bakit dito pa kami muling nagtagpo? Mas lalo pang gumulo ang lahat nang malaman kong siya rin pala ang may-ari ng bahay na tinitirahan ko ngayon. Napabuntong-hininga ako habang nakaupo dito sa labas ng bahay at nakatingin sa kawalan. Parang napakaliit ng mundo para sa aming dalawa. “Hay naku, Mayenn…” bulong ko sa sarili ko. Ano ngayon ang gagawin ko? Mukhang hindi lang siya basta dumalaw kanina. Base sa kilos niya at sa mga sinabi niya, parang balak pa niyang manatili dito sa bahay. Kung tutuusin, wala naman talagang problema sa akin kung sina Gianna at Ayesha lang ang titira dito. Masaya pa nga ako dahil matagal ko na silang hindi n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD