C1
ALMARIE GRACE
“Ninong!” Hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko ngayon ang ninong ko.
“Hi, pretty. I have a lot of pasalubong for you,” nakangiti na sabi niya sa akin.
“Thank you, ninong. Pero bakit hindi ka po nagsabi sa akin na dadalaw ka dito?” Tanong ko sa kanya sabay kiss sa pisngi niya.
Malambing ang ninong ko kaya ganun rin ako sa kanya.
“Biglaan lang kasi,” sagot niya sa akin.
“Akala ko kasi hindi ka matutuloy sa bakasyon mo. Sabi mo kasi sa akin ay marami kang trabaho,” sabi ko sa kanya.
“Tapos na at bakasyon na namin.”
“So, ilang araw ka po dito? Magtatagal ka ba dito?” sunod-sunod na tanong ko sa kanya.
“Can I stay here for a week? Or maybe a little longer,” tanong niya sa akin.
“Of course, ninong. Malakas ka sa akin eh. Saka para hindi ka na gumastos pa. May vacant naman na isang room dito, doon ka na lang ulit. ‘Yun naman ang ginagamit mo lagi,” nakangiti na sabi ko sa kanya.
“Marami naman akong pera,” sabi niya sa akin pero tumawa lang ako.
“Alam ko, tinuturuan lang kita kung paano magtipid,” natatawa na sabi ko kaya tumawa rin siya.
Alam ko naman na marami siyang pera. Maliban sa pagiging senador niya ay isa rin siyang businessman. Naging businessman muna siya bago pumasok sa politics. At alam ko na tapat siyang tao sa tungkulin niya. Hindi siya mamahalin ng mga Pilipino kung hindi. Kilala siya sa buong Pilipinas sa mga kabuhayan at proyekto na ginagawa niya, na nakakatulong sa mga nangangailangan.
He’s my step dad's brother at kinuha siya ni mommy na ninong ko noong nagpakumpil ako. Mabait sa akin si ninong at komportable ako sa kanya. Hindi niya ako lagi nakakalimutan, masasabi ko na sobrang spoiled ko sa ninong ko. Mas parang naging close pa kaming dalawa kaysa sa stepdad ko.
“Ninong, kumain ka na po ba?” tanong ko sa kanya.
“Hindi pa,” sagot niya sa akin.
“May gusto ka po ba?”
“Ikaw,” sagot niya sa akin kaya nagulat ako.
“Po?”
“Ikaw na ang bahala, hindi naman ako mapili sa pagkain. Lahat naman ay kaya kong kainin. At kung ano lang ang kaya mo ay ‘yon na lang,” nakangiti na sagot niya sa akin at humiga siya sa may sofa na nandito sa living room.
Medyo napahiya ako dahil may kung ano akong iniisip kanina. Iniisip na hindi ko naman dapat na iniisip. Biglang uminit ang pisngi ko dahil kakaiba naman kasi ang nasa utak ko. Dahil siguro ito sa kakapanood ko ng mga sexy movies.
Gusto ko lang talaga ma-feel na hindi na ako bata na dalaga na ako at legal age na ako. Kahit na may mga nanliligaw sa akin. I’m 21 na pero wala pa naman akong boyfriend, only suitors. Kaysa mag-isip pa ako ng ano pa man ay mabilis akong pumunta sa kusina para magluto ng pagkain niya. I’m not that super magaling magluto, pero kaya ko naman magluto para hindi ako magutom.
Omelette na lang ang lulutuin ko at nag-toast na lang ako ng bread. Pagkatapos ay nagtimpla ako ng black coffee. Alam ko na hindi siya maarte kaya okay na ito sa kanya.
“Ninong, okay lang po ba na–”
Nabitin sa ere ang sasabihin ko dahil nakita ko na mahimbing na natutulog itong ninong ko. Lumapit ako sa kanya at ibinaba ko sa may center table ang pagkain niya. He’s so handsome talaga, kung hindi ko lang talaga siya ninong ay malaki talaga ang chance na magiging crush ko siya.
He’s sleeping peacefully, it’s like a baby. Saglit lang naman ako nawala pero nakatulog agad siya. Pagod siya sa flight kaya ganito.
“Baka matunaw naman ako, baby.” nakangiti na sabi niya habang nakapikit siya kaya natataranta ako bigla.
“Hindi ka naman po ice cream para matunaw,” sabi ko sa kanya.
Mabuti na lang talaga ang bilis gumana ng utak ko kaya nakuha ko pang magjoke sa kanya na hindi ako pumipiyok o nauutal. Narinig ko naman siyang tumawa kaya napangiti na lang ako.
“You said that you’re not maarte kaya ‘yan na lang ang niluto ko para sa ‘yo,” sabi ko sa kanya.
“Okay na ito, kahit naman ano ay gusto ko lalo na ikaw ang gumawa,” nakangiti na sabi niya sa akin at umayos na siya ng upo.
Umupo rin ako sa tabi niya at niyakap ko siya.
“Masyado mo akong binobola, ninong. Alam mo kasi na ‘yan lang ang kaya kong gawin,” nakangiti na sabi ko sa kanya.
“Kaya nga ako nandito ngayon para maging personal chef mo. Alam ko na miss mo na ang mga Filipino food kaya ipagluluto kita,” nakangiti na sabi niya sa akin bago niya ako hinalikan sa noo.
“Really?”
“Ano ba ang gusto mo?” nakangiti na tanong niya sa akin.
“Can you cook crispy pata?” nakangisi na tanong ko sa kanya.
“Hard level agad ang gusto mo,” natatawa na sabi niya sa akin.
“You asked me kaya sinagot ko lang.”
“Okay po, i-pagluluto po kita mamaya,” malambing na sabi niya sa akin.
“Drink your coffee na, ninong. Baka lumamig pa ‘yan, I’ll clean the other room para po iyon ang gamitin mo,” nakangiti na sabi ko sa kanya.
“Ako na ang bahala sa room ko,” sabi niya sa akin pero hindi ko siya pinakinggan.
Hindi naman kasi mahirap ang gagawin ko. He’s always like this. Ayaw niya na may ibang ginagawa ako kapag nandito siya. Kapag ganito siya ay mas lalo akong humahanga sa kanya. Gusto ko na katulad niya ang magiging boyfriend ko kapag may dumating na.
He’s my standard kung hindi man lang malapit sa personality niya ay ‘wag na lang. Hindi ko nga alam kung may girlfriend ba itong ninong ko. Wala naman kasi silang sinabi sa akin at wala ring balita tungkol sa girlfriend niya kaya hindi ko rin talaga alam. Baka naman mayroon na dahil imposible naman na wala siyang kasintahan.
“Baby, ako na dito.” nakangiti na sabi niya dahil nakasumod agad siya dito.
“Tapos ka na po ba kumain?”
“I’m done,” nakangiti na sagot niya sa akin.
“Ako na po, nagpapalit lang naman ako ng pillowcase.”
“How are you?” bigla niyang tanong sa akin habang nakaupo siya sa may kama.
“I’m good, ninong. Maganda pa rin,” nakangiti na sagot ko sa kanya.
“Yeah, maganda ka pa rin.” sabi niya sa akin at ito yata ang unang beses na sumang-ayon siya sa akin.
Dati kasi ay lagi niya akong inaasar. Pero bigla yatang nagbago ang ihip ng hangin dahil sumang-ayon siya sa akin. Bigla tuloy uminit ang pisngi ko sa narinig ko mula sa kanya.
“Why?” tanong niya sa akin.
“Hindi ko alam na marunong ka na pa lang tumingin ng maganda ngayon, ninong. Dati kasi ay lait na lait ako sa ‘yo pero ngayon ay sumang-ayon ka na. You agreed that I’m pretty kung sabagay, hindi naman ako magkakaroon ng tatlong manliligaw kung hindi ako maganda,” nakangiti na sabi ko sa kanya pero siya naman itong bigla na lang dumilim ang aura.
“What did you say?” tanong niya sa akin.
“Alin d’on? Ang dami ko kasing sinabi ko–”
“Ang huli mong sinabi,” sagot niya sa akin.
“That I have three suitors?” tanong ko sa kanya.
“So, tatlo sila?” tanong niya sa akin na hindi ko maintindihan dahil kakaiba ang tono ng boses niya.
“Opo, tatlo silang nanliligaw sa akin. Sinabi ko nga kay mommy pero tinawanan lang niya ako. So far ay okay naman silang tatlo. Ang kailangan ko na lang ay pumili sa kanila kung sino ba ang–”
“So, may nagugustuhan ka na?” tanong niya sa akin habang nakakunot ang noo niya.
“Mer–”