Toneth
Excited ako dahil first time ko makakapunta sa Tagaytay. Salamat sa aking frend na si Cristine at sa bf niyang si Mr. Valdez at sinama nila ako papunta dito.
Oo bf na ng bestfriend ko si Mr. Valdez. Mapapasana all na lang talaga ako. Inaamin ko nakakaingit pero masaya ako para sa kaibigan ko. Sabi ko nga sa kanya andito lang ako lagi sa tabi niya kung kakailanganin niya ako.
Naramdaman ko ang lamig dahil pinabuksan ni Cristine ang bintana ng sasakyan dahil tulad ko gusto niya din makalanghap ng sariwang hangin.
“Toneth andito na daw tayo.” Sabi ni Cristine sa akin dahil ng paglingon ko sa kanya. Grabe talaga masayang experience ito.
Kaya naman sa sobrang excited ko ay pagkaparada ng sasakyan ni Mr. Valdez ay nauna na akong bumaba sa kanila at nauna ng pumunta sa restaurant. Sinabi naman kasi na opening ng restaurant nila Mr. Valdez ang pupuntahan namin ngayon. Pero dahil sa nalibang akong sa kakatingin sa paligid hindi ko napansin na may nabangga na pala ako.
“F*ck! Are you blind?” Narinig kong sabi ng nabangga ko. Bigla akong natigilan dahil ang guwapo niya. Ang ganda ng mga mata niyang kulay asul, ang tangos ng ilong, ang tangkad niya at higit sa lahat ang neat niyang tingnan lalo yung gupit ng buhok nito na kung tawagin ko ay “student choice” kasi clean cut. Ewan ba niya talagang naattract siya kapag clean tingnan. Pero biglang nawala ang pagpapantasya ko sa lalaking kaharap ko ng bigla niya akong tawaging tanga.
“Hey idiot you still with me?” Tawag sa akin ng lalaking kaharap ko. Kaya naman bigla naginit ang ulo ko dahil sa pagtawag niya sa akin ng tanga. Aba hindi ako papayag magpaapi kanino man.
“Anung ako baka ikaw ang idiot. Alam mo naman na naglalakad ako bakit hindi ka umiwas at nakaharang ka diyan sa entrance.” Sagot ko dito. Akala siguro ng taong ito hindi ako marunong lumaban.
“If you just had looked where you were going, you would have seen me standing and you wouldn’t have bumped into me and still had my lollipop. Stupid!” Narinig niyang sagot ng lalaki.
“So it means nakita mo nga ako kasi nasabi mong hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko, tapos ngayon sasabihan mo akong tanga. Isat kalahati ka din noh!.” Nanggigil na sagot niya dito.
“What?” Naguguluhang tanung niya sa akin. Sasagot sana ako ng biglang dumating si Mr. Valdez.
“What is happening?” Tanung ni Mr. Valdez.
“Anung nangyari Toneth?” Narinig ko ding tanung Cristine.
“Paano ba naman, yang mayabang at antipatikong lalaki na yan. Tinawag ba naman akong tanga at nabangga ko siya ng papasok ako. Magsorry sana ako pero nagbago na ang isip ko dahil sa sinabi niya.” Sagot ko habang nakapamewang ako.
Nakita kong sasagot sana ang antipatikong lalaki pero napigilan lang ni Mr. Valdez. Habang nakita kong napabuntong hininga na lang si Cristine. Bigla naman akong nahiya kasi kung tutuusin sabit lang ako dito pero grabe naman kasi yung lalaki na yun. Sayang guwapo pa naman sana masama naman ang ugali.
“Let’s go.” Narinig kong sabi ni Mr. Valdez kay Cristine kaya naman hinila na ako ng kaibigan ko para pumasok sa loob.
Kaya naman kahit bad trip ako ay inenjoy ko na lang ang pagkain at masasarap ang mga nakahain. May mga putahe na ngayon ko lang nakita at natikman pero hindi ko alam ang tawag. Lalo yung mga fresh vegetable na nakaroll sa isang transparent na parang lumpia wrapper at ang kapartner ay peanut sauce. Nahihiya naman akong magtanung kung anung tawag at abala ang mga kasama ko sa pagkain.
“Here taste it masarap yan, isa yan sa specialty ng restaurant.” Sabi ng isang lalaki na kung hind ako nagkakamali ay Oscar ang pangalan. Ibabalik ko sana pero ang loko iniwas agad ang pinggan niya kaya naman no choice naiwan ang karne sa pinggan ko.
Steak pala ang tawag dito at narinig kong sagot ni Mr. Valdez kay Cristine ng tinanung kung anung luto sa karne ito. Parang hilaw pa at ito dahil may dugo pa. Naisip ko baka sakitan ako ng tiyan dahil medyo hindi pa ito gaano luto, pero nahihiya naman ako kung hindi ko kakainin. Kaya naman ilang beses akong napalunok bago ako naghiwa at kinain ang steak.
“How’s it?” Tanung sa akin ng Oscar nung makita nitong sumubo na ako ng steak. Ninamnam ko muna ang steak at tiyaka ako sumagot.
“Hmmm masarap naman, pero hindi ba sasakit ang tiyan ko nito at may dugo pa yung karne?” Mahina kong tanung dito. Nagulat na lang ako ng bigla itong tumawa ng malakas kaya naman napasimangot ako.
“Any problem Dominguez?” Narinig kong tanung ni Mr. Valdez sa katabi ko.
“Non bro is just that this lady beside me makes my day happy.” Sagot nito kay Mr. Valdez at pasimple ito kumindat sa akin na lalong nagpakunot ng noo ko. At nagpatuloy kumain ang mga kasama namin sa lamesa.
Naramdaman ko na parang may nakatingin sa akin kaya naman pag angat ng mukha ko ay nagsalubong ang mata namin ng lalaking antipatiko. Seryoso itong nakatingin sa akin at inismiran ko naman ito. Hindi porket guwapo ito sa paningin ko ay makakalimutan ko na ang ginawa niya kanina. Parang nahulog lang ang lollipop niya parang gusto na niya akong tirisin sa inis. Bigyan ko pa siya nun ng isang balot makikita niya.
Kaya naman nagpatuloy na lang akong kumain at kailangan ko itong maubos. Maraming batang nagugutom kaya hindi ako puwede mag aksaya ng pagkain.
After namin kumain ay namili kami ng mga personal na gamit namin dahil wala kaming dala. Medyo nainis nga ako doon sa Oscar na yun dahil hindi ko nagustuhan ang mga sinabi niya ng babayaran na yung mga pinamili namin na mga gamit namin. Pero later ok ay naging ok na at bumawi naman ang loko lalo nung nagsimula na kaming mamasyal at Tagaytay. Grabe isa ito sa mga experience na hindi ko malilimutan.
Pero ang nakakagulat lang nung pauwi na kami ay umepal itong si Mr. Antipatiko. Hindi na nga ako umalma ng pinilit niya akong sumakay sa sasakyan niya habang namamasyal kami dito pati ba naman ngayong paguwi. Sasabay ako sa kanya.
“As far as I remember you owe me something. Then we have to talk.” Sabi nito ng bigla nalang akong tinalikuran at pumasok sa kanyang sasakyan.
Pero infairnes gentleman naman at pinagbuksan ako ng pinto at pumasok na ako para makaalis na din kami. Halos mapanis ang laway ko dahil ayaw ko dahil hindi ito nagsasalita. Naiintindihan ko na naman dahil focus ito sa pagmamaneho kaya naman ako na ang ang nagtanung.
“Anu ba ipapagawa mo para mapalitan ko yung lollipop na nabasag ko?” Tanung ko dito.
Naramdaman kong bigla itong huminto at seryosong tumingin sa akin.
“Be my maid.” Sagot niya kinagulat ko