Toneth
Kasalukuyang siyang nasa kanyang kuwarto sa dorm, buti na lang kahit may kasama siya dito sa dorm niya at may sarili siyang kuwarto. Nakakatuwa nga at nagkikita lang kami ni Liza kapag may nakatambay na isa sa kanila maliit nilang receiving area dito sa dorm. Kaya ok lang kahit may kasama dahil solo ko naman ang kuwarto.
Pero wala ng igaganda pa ang kuwarto ng kaibigan ko kasi parang condo style na din yun dahil kumpleto sa mga gamit. Hindi naman ako nakakaramdam ng inggit dahil sabi niya ng anytime puwede akong pumunta dun lalo kapag may gagawin kaming projects at assignment.
Aaminin niya hindi siya kasing talino ni Cristine kaya naman talagang makikinig siya kapag oras ng klase namin kapag nagsimula na kaming pumasok. Gusto kong makatapos sa pagaaral hindi lang para sa sarili ko o sa magulang ko. Para din sa isang taong naging inspirasyon niya para maging matatag sa hamon ng buhay. Kung saan ka man ngayon kuya alam ko na proud ka sa akin.
Oo may kuya ako si Kuya Rene. Isa itong sundalo. Naalala ko noon ng natapos niya na ang pagiging sundalo laking tuwa nito at sabi niya sa akin na hindi na daw mahihirapan ang mga magulang namin at makakatulong na siya sa mga gastusin. Kaya ang bilin ni Kuya noon magaral lang ako ng mabuti at siya na ang bahala sa lahat.
Naramdaman ko na lang na may luhang pumatak sa aking kamay. Naalala ko na naman si Kuya. Walang taon na mula ng kinuha siya sa amin ng Maykapal pero masakit pa sa amin.
Minsan iniisip ko kung buhay pa si Kuya ngayon sigurado hindi ako makikipagsapalaran para kumuha ng scholarship exam sa Valdez Foundation. Siguro iba na din ang buhay namin kung hindi siya maagang nawala. Pero hindi ko sinisisi ang Maykapal at alam kong may dahilan kung bakit agad kinuha sa amin si Kuya Rene.
“Good Morning Frend.” Bati ko kay Cristine na kababa lang galing sa kanyang kuwarto.
“Musta naman anung ganap nung iniwanan ko kayo ni Mr. Valdez kahapon?” May pagtutudyong tanung ko sa kanya.
“Wala naman ang umuwi na din naman ako may tinanung lang.” Sagot nito sa akin kaya tiningnan ko siya ng may pagdududa.
“Hay naku Antoneth huwag mo akong tingnan ng ganyan. Totoo ang sinasabi ko.” Sabi nito sa akin.
“Oo na kaw naman sungit, Teka babatiin na lang kita pata magbago mood mo.” Sabi ko sa kanya.
“Good morning beshy, ganda natin ah.” Kaya naman tumawa si Cristine dahil sa kalokohan ko.
“Hay naku tara nga first day pa naman natin baka mahuli tayo.” Sabi niya sa akin.
“Hindi nga ako nakatulog sa excited, Alam mo na.” Sagot ko dito.
Kaya naman lumakad na kami para pumunta sa designated roon namin. Pero first day pa lang kay bully na sa amin. Kaya naman hindi ko iyon intrasan. Pero si Crisitne siya ang kumaasap at naging ok kaya naman nakadaan kami ng wala ibang ginawa sa amin na masama.
Unang araw naman sa klase. Parang basic lang na ginagawa nagpapakilala at expectation sa professor at sa mismong subject na ituturo niya.
Grabe nakakadalawang subject palang ako halos natutuyo na konting utak na meron ako. Minsan hindi ko maiwasan magtanung kay Cristine kung may hindi ako naintindihan kasi naman yung professor namin hindi ko alam kung may lakad ba o natatae kasi ang bilis bilis magsalita at magexplain.
Buti nalang may isang kaming classmate naglakas loob na sinabi yung napansin niya sa professor namin. Kaya naman kahit paano bago matapos ang klase namin ay may pagbabago naman.
“Nakakapanlabot beshy grabe. Apat lang subject natin pero pakiramdam ko nadrain ang lakas ko.” Sabi ni kay Cristine. Kasalukuyan kaming pumunta sa canteen para makapagmiryenda.
May dala siyang juice at spaghetti. Favorite niya talaga ang spaghetti kaya naman kahit ilang beses ihain sa kanya ito ay hindi siya magsasawang kainin.
“Beshy after dito doon tayo sa kuwarto mo patambay ako puwede.” Tanung ko sa kanya. At tumango ito bilang sagot. Dahil puno ang bigbig niya sa kinakain niyang carbonara na paborito naman niya.
Mageejoy kami sa pagpapanood ng tv ng biglang may kumatok sa pintuan. Nagulat ako na may dalawang flowers at chocolate si Mr. Valdez at obvious naman na para ito sa kaibigan ko. Napansin ko din na marami itong dalang pagkain kaya naman sabay sabay kaming kumain.
May biglang nataggap na tawag si Mr. Valdez kaya kailangan nitong umalis. Pero narinig ko na babalik din siya mayamaya.
Kaya naman agad kong tinanung si Cristine kung anung meron sa kanila ni Mr. Valdez kaya naman napilitan siyang magsabi dahil si Mr. Vadez mismo ang nagsabing gf niya si Cristine.
Nakakainggit naman kasi na kay Cristine na ang lahat kaya masaya ako sa kanya. Kaya naman nagpaalaam na ako na babalik na ako sa kuwarto ko.
Kahit andito na ako sa kuwarto ay iniisip ko pa din kung gaano kasuwerte si Cristine. Sa akin kaya kailan darating si Mr. Right. Naku sigurado na makukurot ako sa singit ng Inay kapag nalaman niyang magkakabf ako.
Alam kong may nakaalaan para sa akin kaya aantayin ko nalang siyang dumating. Sa ngayon naman ay ang pagtutuunan ko nga pansin ang magaral ng mabuti.
Kaya naman sinagawa ko na ang night routine ko bago magtulog. Buti na lang talaga ay nagawa ko na mga assignment ko kaya wala na akong poproblemahin pa.
Pagkatapos kong manalangin ay humiga na ako sa kama. Medyo naninibago pa din siya sa kanyang sitwasyon dahil nagiisa lang siya ngayon. Nasanay kasi siyang katabi ang kanyang magulang kapag matutulog.
Kaya minsan tinanung ko sina Inay at Itay kung hindi ba ako sagala sa paglabing labing ni nila dahil nga lagi akong nakatabi sa kanila. Bigla akong natawa ng umamin si Itay na istorbo nga daw ako kaya naman inasar ko na lang ang itay. Ngayon naman na wlaa ako sa bahay kaya sigurado akong hindi na ako magiging istorbo sa kanilng paglabing labing.