Dave
“You’re really serious this time?” Narinig niyang tanung ng kaibigan para mabaling dito ang kanya atensyon.
Hindi niya kasi maiwasang hindi tingnan sa si Toneth na kasalukuyang nakaupo sa waiting area kasama ang kaibigang nitong si Cristine, habang sila ni Daniel ay pumunta sa bilihan ng snacks para dadalhin nila sa loob ng sinehan.
Kahit na may pinareserve siyang staycation para sa kanila, ay nagpumilit pa din ang dalawang magkaibigan na gusto nilang manood ng movie dahil maganda daw ito at nagtrending sa mga social media platform. Kaya naman kahit medyo may naiba sa plano dapat ngayong araw ay ok lang sa kanila ni Daniel.
Lalo at spoiled ni Daniel si Cristine to the point he can’t say no to her girl. Ofcourse like him kahit hindi sabihin ni Toneth, lahat gagawin niya para lang maibigay ang gusto nito kung kaya din lang niya ibigay. He really love to spoil girls lalo na kung malapit ito sa kanya.
Bigla siyang natigilan sa sinabi ng kaibigan. He knows his self, seryoso siya kay Toneth. She had something that catch his attention. Kaya naman kahit tinatarayan siya nito ay ayos lang sa kanya. He admit maloko siya pagdating sa mga babae pero maloko lang siya kapag alam niyang game din ang babae but still he is proud to his self, hindi siya ang tipo ng lalaki na pinagsabay sabay ang mga babae. Ika nga ay one at the time.
Pero iba si Toneth for him. When the first time he saw her, talagang literal na natulala siya, the way she smiled that time talagang tumigil ang mundo niya. Kaya naman dahil dito hindi naging maganda ang una nilang pagkikita. He admitted to his self may kasalanan din siya sa insident na iyon, ginamit niya ang pagkakataon na iyon para makuha niya ang atensyon ng dalaga na siya namang nangyari sa huli.
Pagkatapos nilang bumili ng mga snacks ay binalikan na ang mga girls na hindi busy sa pagkuha ng mga pictures. May binigay kasing phone si Daniel kay Cristine kaya naman tinetesting ng dalawa ang camera nito.
“Let’s go hon, the movie is about to start.” Yaya ni Daniel kay Cristine na agad naman tumango ang huli.
Kaya naman sumunod na rin sila ni Toneth sa dalawa nauna.
“Ay ang galing naman may bed at parang tayo lang ang tao dito.” Narinig niyang sabi ni Cristine habang palinga linga sa paligad.
“Oo nga beshy halika dali tabi tayo sa-.” Sabi ni Toneth kay Cristine pero agad itong pinutol ni Daniel.
“Sorry to dissapoint you Toneth but Cristine will sit beside me.” Seryosong sabi ni Daniel. At nakita niya ang peace sign ni Cristine kay Toneth na tila humihingi ng sorry.
Nakita niya na lang na napabuntong hininga nalang ito kaya naman agad niyang tinawag ang pansin nito para makapuwesto na din sila sa tila bed dito sa loob ng movie theater.
“Come on Love, sit beside me.” Tawag niya kay Toneth nakita niya ang paglukot ng mukha nito. Gusto nito sanang tumutol pero naghudyat ng magsisimula na ang pelikula kaya naman naupo na ito sa kanyang tabi at pumuwesto ito sa mismong tabi at parang ayaw siyang makatabi.
But he is not Dave for nothing kaya naman agad niyang masuyong hinila ang bewang ng dalaga sa kanyang tabi at nakita niya ang paglaki ng mga mata ng dalaga sa gulat, pero bago paman ito magsalita ay inunahan na niya ito.
“Let’s enjoy the movie Love.” Sabi niya sa dalaga sabay halik nito sa sentido ng dalaga.
Sa kalagitnaan ng kanilang panood narinig niya ang pagsinghot ni Toneth. Kaya naman agad niyang sinilip ang mukha nito at nakumpirma niyang umiiyak ang dalaga.
“Huwag mo nga akong tingnan.” Masungit na sita sa kanya ng dalaga.
“Why are you crying? Are you hurt? Where? please tell me.” Nagaalalang tanung niya sa dalaga.
“Anu ka ba, ok lang ako, naiiyak lang ako sa pelikula dahil kawawa naman yung bidang lalaki dahil namatay ang asawa niyang hindi man lang siya nagkakaayos.” Sagot nito sa kanya.
“I see!” Sagot niya.
“Kaya talagang maigsi lang ang oras natin kaya naman habang kasama natin ang mga mahal natin sa buhay, dapat natin silang pagkamahalin at pahalagahan.” Sabi sa kanya ni Toneth na agad binalik ang atensyon sa panood.
Bigla niya tuloy naalala ang kanyang namayapang Ina. Namatay na lang ang kanyang ina kailanman ay hindi nito naranasan na mahalin ng kanyang ama.
Nalaman niyang napilitan lamang pakasalan ng kanyang ama ang kanyang ina dahil nabuntis nito. Matagal ng may lihim na pagtingin ang ina nito sa kanyang ama kaya naman ng nagkaroon ito ng pagkakataon ay may nangyari sa mga ito at siya ang naging bunga.
Dahil sa kahihiyan at nagiisang anak ang kanyang ina ay pinilit ng magkaparehong partidos na ipakasal ang kanyang mga magulang. Ang akala na simula ng pagkakaroon ng masayang pamilya ay pagsisimula pala ng dalubyo sa kanila.
Hindi na nagkaroon ng katiwasayan ang kanilang pamamahay mula ng araw na iyon dahil laging lasing at nambabae ang kanyang ama. Akala ng kanyang ina ay magbabago ang kanyang ama kapag sinilang na siya pero habang lumalaki siya ay nakita niya ang pambabalewala sa kanila ng kanyang ama to the point na nalalaman niya na patuloy pa din ang pambabae ng kanyang ama. Siya ang sinisi ng ama dahil kung hindi daw siya nabuo ay hindi nito mapipilitang pakasalan ang kanyang ina na ni katiting ay wala siyang nararamdaman.
Kaya naman ito ang nagiging dahilan ng pagaaway ng kanyang magulang. Lagi sinasabi sa kanya ng kanyang ina kung gaano siya kasaya ng isilang siya nito at siya ang dahilan kung bakit nagpapatuloy pa din siyang lumaban sa lupit ng buhay.
Pero may hangganan ang lahat, isang araw ay nakita na lang niya ang kanyang inang wala ng buhay. Pinili nitong kitlin ang sarili niyang buhay, Kaya ang galit niya sa kanyang ama ay nanatili sa kanyang puso dahil ito ang punot dulo ng lahat.
“Grabe! kaya pla ito nagtrending sa mga social media platform maganda pala talaga.” Narinig niyang sabi ni Toneth na nagpabalik sa kasalukuyan.
“Huy! ayos ka lang natulala ka diyan.” Sita sa kanya ni Toneth ng naabutan nito ang pagiging tulala niya.
“Yah! I’m good. You enjoy the movie?” Tanung niya dito habang inalalayan niya ang dalagang tumayo.
“Oo sobra ang ganda.” Sagot sa kanya.
“Hungry?” Tanung niya dito.
“Oo eh bigla akong nagutom” Sagot nito sa kanya.
“What do you want to eat?” Tanung niya ulit dito.”
“Beshy kain tayo! Anu gusto mo?” Narinig niyang tanung ni Toneth kay Cristine.
“Hmmm.. parang gusto ko ng carbonara yung creamy, puwede ba?” Sagot ni Cristine na nakatingin kay Daniel.
“Ofcourse, anything you want hon” Nakangiting sagot ni Daniel kay Cristine. Napangiti siya when he saw Toneth rolled her eyes to her friend. Kaya naman tinanung niya ulit ang dalaga kung gusto din nito ang pasta.
“Oo at namiss ko yung spagheting maraming cheese. Kaya naman sabay sabay na kaming lumabas ng theater house at naghanap ng restaurant na nagseserve ng mga pasta.
This time hindi pumayag ang dalawang magkaibigan na hindi sila magkasama sa kuwarto. Kasalakuyan na silang nasa staycation house na pagaari niya para mag unwind. Kaya naman wala silang nagawa ni Daniel kung hindi pagbigyan ang gusto ng kanilang mga mahal.
Nasa pool sila at nagiinuman pampaantok. Nasa kuwarto na ang dalawang dalaga at gusto na daw maagang makapagpahinga at matulog.
“So have you confessed your feelings to her?” Tanung sa kanya ni Daniel.
“Not yet. I still waiting for the right time for that. And besides kahit hindi ko pa naman sabihin, pinararamdam ko naman kay Toneth kung gaano siya ka special sa akin.” Sagot niya.
“Hindi kaya lalo lang siyang maguluhan dahil hindi ka pa umaamin sa kanya.” Sagot nito sa kanya.
“Maybe not. Kasi lahat naman ginagawa ko para maramdaman niya kung gaano siya kahalaga sa akin.” Sagot niya.
“But still iba pa din kung aamin ka sa kanya ng nararamdaman mo.” Sabi ni Daniel sa kanya at pinili na lang niya hindi ito sagutin.
Alam niya sa sarili niya na may nararamdaman siya kay Toneth. Ayaw niya lang madaliin ang lahat dahil ayaw niyang magpadala sa kanyang damdamin at matulad sa kanyang ina na ito lang ang nagmahal at hanggang sa huling hininga nito ay hindi nasuklian ng kanyang ama ang pagmamahal nito.
“Anyway I’ve heard bumalik na ang father mo sa bansa, hindi pa ba kayo nagkakaayos?” Tanung ni Daniel sa kanya.
“Why should I do that? Siya ang dahilan kung bakit nagpakamatay si Mom.” Seryosong sagot niya dito.
“Maybe it’s about time para makipagreconcile ka kay Tito lalo’t hindi na din ito bumabata.” Sabi sa kanya ni Daniel.
At nilagok ang boteng may lamang alak at pinili niyany huwag ng sagutin ang kaibigan.