Toneth
Maaga siya ngayon sa Universtity dahil sinabay siya ni Dave papunta dito, dahil ngayon ang schedule ng pagpunta sa pagmamay ari nitong University.
Oo ngayon niya lang siya naniwala na ang kanyang “so called boss” ay ang totoong may ari ng University. Akala niya kasi dati ay nagbibiro lang ang mga kaibigan nito ng sabihing ito ang may ari ng University na pinapasukan nila ng kanyang kaibigang si Cristine nung huli sila nagkita kita.
Kaya naman medyo binawas bawasan niya ang katabilan ng kanyang dila sa takot na mawalan siya ng scholarship at tuluyan ng mawala ito dahil dito.
Pero infairness naman ay smooth naman ang takbo ng relasyon nila bilang mag-amo. Oo bilang mag-amo dahil iyon lagi ang tinatatak niya sa kanyang ulo na imposibleng humigit pa roon ang estado ng kanilang relasyon dahil alam naman niya hindi ang tipo niya ang magugustuhan nito.
Iniisip niya lagi na part lang ng pagsubok kaya mabait, malambing at maalaga sa kanya ang binata. Alam nila kung hanggang saan lamang siya at ayaw niya mag assume lalo at wala naman ito sinasabi sa kanya ng kahit ano.
Base na din kasi sa mga kuwento ng mga kasama namin sa bahay ay talaga daw habulin ng babae itong amo nila, kahit patahitahimik lang ito, dahil babae pa mismo ang napunta sa condo nito ng minsa’y pinapunta daw sila doon kapag pinapalinis ng binata ang condo nito.
Pero ito daw ang kauna unahang pagkakataon na may sinama itong babae sa mismong bahay niya at siya daw ang kauna unahang dinala doon. Hindi pa din kasi sila naniniwala na personal maid ang trabaho niya dahil ibinilin daw sa kanila ni Dave na sundin din daw nila kung anu man ang gusto at ipagawa niya. Lalo na nung nahuli sila ni Manang na gumugawa ng milagro sa sala. Kaya lalo hindi naniwala si Manang na personal maid siya ng binata.
Kahit nalaman niyang ganoon ang habilin ng binata ay hindi naman niya inaabuso. Kaya naman naging kasundo niya din ang mga tao sa bahay.
Dahil maaga pa ay umupo muna siya sa madalas tambayan nila ni Cristine. Buti na lang talaga at nawala ang sakit ng ulo niya ng uminom siya ng gamot. Medyo matagal na din hindi sumusumpong ang sakit ng ulo niya, baka dahil lang sa pagod at sobrang pagiisip kaya umaatake na naman ito.
Oo pagiisip dahil naguguluhan na din siya sa pinakikita ng kanyang boss amo na si Dave. Parang sinasapian ito lalo kapag kaharap niya ito. Kaya tuloy lagi siyang tinutukso ng mga kasama nila sa bahay at pilit pinapaamin sa tunay na relasyon nila ng kanyang boss amo. Pero ano nga ba aaminin niya? Wala din naman sa kanya sinasabi ang magaling na lalaki na iyon. Mahirap mag assume at umasa sa walang kasiguruhan. Haler!! Toneth naasa ka talaga na may gusto sa iyo ang lalaki na iyon, Cinderella lang ang peg minus the evil step sister at step mother. Kaya naman naiiling na lang siya. Natigil lang ang kanyang pagiisip ng tawagin siya ng kanyang kaibigan.
“Toneth!” Tawag sa kanya ni Cristine. Sabay yakap na parang ilang dekada silang hindi nagkita.
“Grabe beshy madalas naman tayo magkita pero kung makayakap ka wagas.” Sagot ko dito.
“Eh na miss kita, hindi na kasi tayo nakakasabay pumasok at kumain. Hindi na rin tayo madalas tumambay sa kuwarto dahil sa trabaho mo, kaya talagang namiss ko na bff ko.” Nakasimangot na sagot nito sa kanya.
Sabagay totoo naman ang sinasabi ng kaibigan. Mula kasi ng tinanggap niya ang trabaho na kanyang boss amo ay madalang na lang sila magkita ni Cristine. Kadalasan nga sa classroom na lang sila nagkikita kasi kapag wala silang klase ay sa gabi pa lang doon na siya sa mansyon nito pinatutulog ng kanyang boss amo pagkatapos ng klase nila. Kaya naman hindi na sila makapagbonding at nagkakasama ni Cristine tulad ng dati.
“Oh siya wag ka ng magtampo tutal wala tayong pasok bukas magpapaalam ako kay boss amo na hindi muna ako papasok at mag girl bonding tayo sa kuwarto mo at magmovie marathon tayo.” Sabi ko . Kaya naman nakita niya ang pagningning ng mga mata ng kaibigan. Agad siyang nagpadala ng message sa cp ng kanyang boss amo para sabihin ang kanya plano. Hindi na niya inaanty ang sagot nito at agad niyaya ang kaibigan para pumasok na sa klase.
Halos hindi nila namalayan na natapos ang limang subject nila ng araw na iyon. Agad niyang tiningnan ang kanyang cp kung nagreply ang binata pero napakunot lang ang noo niya dahil wala ni isa siyang natanggap na message mula dito na nakakapanibago. Dahil napapansin niyang masyado itong clingy sa kanya na parang bawat minuto na lang atang dumaraan ay lagi itong nagmemessage o hindi kaya ay tumatawag kung break niya. Hindi na rin naman siya nagtaka kung paano nalaman ng binata ang schedule niya, dahil nga ito ang may ari ng University kaya lahat ay posible nitong magawa.
“Tara na beshy excited na akong mag movie marathon, pero bili muna tayo ng chicha. Hindi na kasi ako madalas nakakapagstock nun dahil nililimitahan ako ni Daniel na kumain ng junkfood.” Nakasimangot na sabi sa kanya ni Cristine na parang nagsusumbong.
“Actually pareho tayo, matagal na din nung huli akong kumain ng junk food. Kaya tara na beshy daan muna tayo sa convenient store at ng makabili na tayo ng paborito nating junk foods.” Sagot niya. Kaya naman masigla silang lumabas sa kanilang klase a nagkukuwentuhan sila kung anung mga pelikula ang panoorin nila. Pero hindi pa man sila nakakalabas sa kanilang building ay may nakita na silang mga pamilyar na taong tila sila ang inaanty.
“Hon akala ko busy ka ngayon at may meeting kayo diba?” Nagtatakang tanung ni Cristine kay Mr. Valdez na agad namang sinalubong ng halik nito at kinuha ang mga dala nitong aklat.
“Yap, we started ealier, kaya naman maaga din kaming natapos.” Narinig kong sagot nito kay Cristine.
“Hi Love” Bati sa akin ni Dave na hindi ko na namalayan na nakalapit sa akin at hinalikan ako sa aking sentido, dahil nakatingin ako kina Cristine at Mr. Valdez.
“At bakit naman may halik ka pang nalalaman ha.” Sita ko dito na binigyan lang ako ng nakakalokong ngiti.
“Mag movie marathon sana kami ni Toneth sa kuwarto ko dahil wala naman kaming pasok bukas at akala ko din naman na hindi mo ako pupuntahan dahil busy ka ngayon.” Narinig kong sabi ni Cristine sa kasintahan niya.
“Oo nga boss amo, nagmessage ako sa iyo na hindi muna ako papasok ngayon kasi magbonding kami ni Cristine ngayon.” Segunda ko naman habang nakatingin kay Dave na biglang hindi maipinta ang mukha dahil sa tawag ko sa kanya. Ayaw nitong kasing tinatawag siyang ng kung anu anu. Ang gusto niya ay tawaging ko siyang Love. Mukha niya, hanggat hindi siya nagsasabi ay nunca ko siyang tatawagin sa gusto niya.
“Seriouly boss amo?” Nakasimangot na tanung sa kanya ng binata. Sasagot sana siya pero biglang nagsalita si Mr. Valdez kaya naman doon tumuon ang atensyon ko.
“Oh! for that, inaayos na namin ni Dela Torre yan, We rent a place staycation for 3 days and 2 nights para naman makapagbonding kayo ni Toneth but ofcourse kasama kami ni Dela Torres.” Nakangiting sagot ni Mr. Valdez kay Cristine na kasalukuyang nakasimangot habang ako naman ay nakataas ang kilay na seryong nakatingin sa aking boss amo na nakangisi.
“What?” Tanung pa nito na tila inosente at walang kinalaman sa nangyari.
“Beshy?” Nagaalalang tawag sa akin ni Cristine. Siguro naisip nito kung itutuloy pa ba namin ang plano naming mag movie marathon dahil sa nangyari.
“Ok lang beshy tuloy na natin sayang naman effort nila. Pero magaayos at kukuha muna kami ng mga damit at gamit namin.” Sagot ko habang tumatango tango naman si Cristine.
“No problem Love we wait both of you in the lobby.” Sagot ni Dave sa kanya sabay kindat pa sa kanya. Talagang kakaiba talaga ang boss amo niyang ito.
Kaya naman wala na silang inaksayang oras ng kaibigan at pumunta na sila sa kani kanilang dorm para kumuha ng mga gamit nila. Habang iniwan nila sa lobby ang dalawang magkaibigan.
Hindi na din naman nagtagal ay lumabas na din siya sa kanyang dorm at nakita niya nga din na pababa na si Cristine mula sa second floor. At inaantay na niya itong bumaba para sabay na silang pumunta sa lobby ng dorm.
“Uy beshy umamin ka nga kayo na ba ni Dave?” Tanung sa akin ni Cristine na kinalaki ng mata ko.
“Naku hindi ah, ewan ko ba dun kay boss amo lakas ng trip, nagugulat na lang ako sa mga pinaggagawa nga nun parang sinasapian ng kung ano.” Sagot niya dito.
“May gusto sa iyo yun, hindi mo ba nahahalata sa mga kilos niya.” Sagot nito sa kanya.
“Hay naku beshy wala akong alam sa mga ganyan at wala naman siyang sinasabi at mahirap mag assume.” Sagot niya.
“Baka naman kasi hindi uso sa kanya ang panliligaw tulad ni Daniel kaya naman dinadaan na lang niya sa gawa.” Sagot ni Cristine sa kanya.
“Hay naku beshy bahala siya, hanggat wala siyang sinasabi hindi ako magaasume ng anuman.” Balewalang sagot niya sa kaibigan.
“Pero nahuhulog ka na sa kanya.” Sabi sa kanya ni Cristine na nagpagtigil sa kanya. Hindi na niya nakuha pang sumagot dahil parang tinamaan siya sa sinabi ng kaibigan.
Kaya naman napaisip din siya kung nahuhulog na ba siya sa mga pinakikita at pinararamdam sa kanya ni Dave.