Toneth
So far smooth naman ang pagtatrabaho niya kay Dave bilang personal maid kung iyon nga ba ang tawag doon. Dahil sa ilang linggo na pananatili niya dito ay wala naman siyang gaanong ginagawa at halos ang katulong pa din ang gumagawa ng mga dapat niyang gawin. Tulad ng paghahanda ng pagkain nito.
Pero bilang personal maid ni Dave siya ang nagaayos ng mga susuotin nito pagpasok sa opisina. Kahit hindi siya ang nagluluto siya ang nagaasikaso at nagdesesisyon ng mga kakainin nila. Kahit ang paghawak ng budget para sa pamimili ng mga stock sa kusina sa kanya binigay ni Manang dahil yun daw ang bilin ng binata.
Kaya tuloy niloloko siya ng ni Lolit ang isa sa mga katulong na close niya na pang wifey duty na daw ang ginagawa niya sa mansyon. At talagang lagi siyang tinutukso nito lalo kapag nasa mansyon ang binata lagi itong nakasunod sa kanya at lagi itong umuuwi ng maaga tulad ngayon.
“Hi Love hows your day? Miss you.” Sabi sa akin ni Dave ng pinuntahan niya ako sa kusina at hinalikan niya ako sa aking sentido sabay yakap sa akin.
Nasanay na lang ako sa ganitong gesture niya, dahil nagsawa na lang akong sawayin siya, dahil ilan beses ko itong pinagsasabihan na itigil ang mga ganung gesture dahil nakakahiya sa mga nakakakita na akala ay may relasyon kami maliban sa pagiging magamo. Ang sagot niya ay wala daw siyang pakialam. “Our house our rules”. Yun ang sabi niya talagang kasama ako. Kaya naman hinayaan ko na lang dahil masarap din naman sa pakiramdam.
Dahil nga sa mga pinakikita niyang gesture ay konti na lang talaga mafall na ako sa kanya. Pero ang hirap wala siyang sinasabi at mahirap mag assume. Kaya sabi ko sa sarili ienjoy ko na lang muna ang atensyon na binibigay niya sa akin.
“Naku Dave bitaw na at inaayos ko pa ang pagkain na kakainin natin.” Sabi ko pero sadyang matigas ang ulo ng isa na ito lalo pa niya hinigpitan ang pagkakayakap niya sa akin at nilagay pa nito ang ulo niya sa leeg ko.
“Tell Manang to do that, let’s go I have something for you.” Sabi niya. Sasagot pa sana ako ay ito na mismo ang tumawag kay Manang at sinabihan na ituloy ang ginagawa ko. Kaya naman naiiling na lang ako. Hawak niya ang kamay ko at lumabas na kami sa kitchen.
Dinala niya ako sa sala at nailing na lang talaga ako dahil marami na naman akong nakitang paper bag na hindi ko alam kung anu anu ang mga laman. Hindi ito ang unang pagkakataon na ginawa niya ito. Mula na nagsimula akong magtrabaho sa kanya ay parang halos araw araw na lang kada uuwi siya may dala siyang regalo para sa akin. Sinabi ko nga sa kanya ay hindi naman kailangan gawin ang mga ito dahil may magagastusan lang siya. Pero ang lagi niya lang sinasabi ang pera kaya daw nageexist para gastusin. Diba iba talaga kapag mayaman hindi nangingiming gumastos.
“Hay naku Dave gumastos ka naman, Diba sabi ko sa iyo huwag kang bumli ng kung anu anu.” Sita ko sa kanya. Nakita kong bigla siyang nalungkot na para bang nangongonsensiya. At bigla na lang binitawan ng binata ang kamay niya.
Parang alam na niya ang susunod na mangyayari. Tulad nga ng inaasahan ay nakaupo lang ito ay nakayuko at nagtatampo.
“Diyos ko naman ito na naman kami, bakit ba naman kasi napakalambot ko din pagdating sa kanya.” Sabi niya sa kanyang sarili.
Kahit naman kasi may katarayan siyang taglay sa katawan, ang isa sa mga kahinaan niya ay ayaw niyang may nagtatampo sa kanya. At mukhang naramdaman ng lalaking ito ang kanyang kahinaan. Kaya naman everytime na may ginawa ito na ayaw niya ay para itong bata na mananahimik lamang sa isang tabi at hindi ito kikibo hanggat hindi niya tatanggapin ang bigay nito.
Kaya naman napabuntong hininga na lang siya at nilapitan niya ang binata at hinaplos ang buhok nito. Naiiling talaga siya kasi kalaking tao pero kung magtampo ay parang bata.
“Sige na sorry na huwag ka ng magtampo. Kasi naman diba sabi ko sa iyo huwag mo na akong bilhan ng kung anu ano at may mga nagagamit pa naman ako.” Sabi ko sa kanya. Biglang tumingala si Dave at nginitian siya at kinuha ang kamay niyang humahaplos sa buhok nito.
Nagulat na lang siya ng bigla siya nitong hinila at pinaupo sa kanyang kandungan at sinandal ang ulo nito sa kanyang leeg.
“Dave!” Tawag niya dito.
“Shhh, Let us stay like this for a moment.” Sagot nito. Aaminin niya sa sarili nagulat at parang bigla siyang nailang sa puwesto nila ngayon lalo at anytime puwede silang makita nina Manang. Pero ewan ko ba kahit first time niya itong ginawa hindi naman siya nakaramdan ng anu mang bastos na pakiramdam. Medyo gumaan pa nga ang pakiramdam niya dahil kapag malapit sa kanya ang binata, safe ang pakiramdam niya.
“I like to spoil and give you all the luxury in the world Love. Please accept it, Alam ko naman na hindi mo ito hinihingi pero bigay ko ito sa iyo kaya ayaw ko sanang tanggihan mo ito.” Sabi nito sa kanya. Kaya naman napabuntong hininga na lang siya.
“Ayaw ko lang na may masabi ang ibang tao sa iyo or sa akin. Kasi mamaya isipin nila sinasamantala ko ang kabaitan mo kahit hindi ka naman talaga mabait.” Sabi ko kaya naman nakita ko ang pagsimangot niya ng nagangat ang ulo niya.
“Gosh bakit ba kahit isip bata itong isa na ito ang guwapo niya. At ang bango niya talaga. Toneth maghunos dili ka isa kang dalagang pilipina kaya hayaan mong siya ang mag first move huwag ikaw, konting pino kung hindi makukurot ka sa singit ng Inay.” Sabi niya sa kanyang sarili.
Kasi naman kung laging ganito ang pinakikita sa kaniya ni Dave talagang mahuhulog na siya dito, para ngang nahulog na nga ata siya pero kailangan magantay lalo at walang sinasabi sa kanya si Dave. Mas gusto niya kasi marinig mismo sa bibig nito para naman hindi na siya magassume. Maya pala kasi one sided lang mahirap na. Kaya kontento na siya kung anu man ang meron sa kanila ng binata.
“Oh eh bakit ka nakasimangot? totoo naman na hindi ka mabait ah, Antipatiko ka nga eh” Sabi ko sa kanya ng nakasimangot itong nakatingin sa kanya.
“Pero narealize ko din naman na may konting bait ka din pala.” Sabay bawi ko sa kanya. Kaya naman nginitian ko siya.
“Tsk” Sabi nito sa kanya at pinisil ang ilong niya kaya bahagya niyang pinalo ang kamay nito.
“Aray naman! Alam ko hindi ito kasing tangos ng ilong mo kaya huwag mo naman pisilin.” Reklamo niya. Pero ang sumunod na ginawa nito ang hindi niya inaasahan na mangyayari.
Bigla siyang hinawakan ni Dave sa batok nilapit sa mukha nito at mariing hinalikan ang aking labi. Bigla akong nakaramdam ng malakas na kuryenteng dumaloy sa aking katawan at nanlaki ang aking mga mata.
“Open your mouth Love.” Sabi nito sa kanya. May sasabihin sana siya pero hindi na niya naituloy dahil biglang ginalugad ng dila ni Dave ang loob ng kanyang labi.
Naramdaman kong sinisipsip niya ang aking dila. Hindi ko alam kung paanong humalik dahil hindi pa naman ako nagkaroon ng karelasyon.
Kaya naman kahit wala akong alam sa paraan ng paghalik ay sinundan ko lang ang paraan ng kanyang paghalik. Naramdaman ko lalo lumalalim ang kanyang paghalik. Ang kamay niyang kaninang nasa kanyang batok ay nararamdaman niyang unti unting bumababa sa kanyang likod at mayuming hinahaplos ang kanyang likod, habang mahigpit naman ang pagyakap ko sa kanya. Unti unti na akong nalalasing sa sensyong first time kong naramdaman ng nagulat kaming pareho ng napasigaw si Manang at nabitawan ang hawak na sandok.
“Susmaryusep may naghahalikan!” Gulat at malakas na boses ni Manang ang nagpabalik sa aking ulirat. Kaya naman dahil sa hiya ay sinubsob ko ang ulo ko sa dibdib ni Dave at tinago ang mukha ko dahil sa hiya. Habang ang walang hiyang lalaking ito ay ngumiti pang nakakaloko.
“Si Manang naman wrong timing! Nahiya tuloy ang asawa ko.” Narinig kong sabi ni Dave kaya naman lalo akong nahiya dahil sa walang hiyang lalaki na ito at sinabi pa talaga na asawa niya ako.
“Aba naman kasi iho magtutukaan lang kayo ay diyan pa talaga kayo sa sala puwede naman sa kuwarto niyo. O! siya handa na ang pagkain pumarine na kayo at ng makakain na kayo.” Sabi ni Manang. At naramdaman niyang umalis na ito pabalik sa kusina. Kaya naman tumingala ako at tiningnan ko ng masama ang lalaking kay ganda ng ngiti.
“Talagang nakuha mo pang ngumit ha! Yan tuloy nakita ni Manang nakakahiya, makulit ka kasi.” Sabi ko dito. At parang balewala lang sa kanya ang nangyari.
“Don’t mind then, and it’s normal for a couple kissing each other.” Balewalang sagot nito sa kanya.
Anu Daw Couple?.... Sabi niya sa sarili habang nakakunot at nakatingin sa kanya.