CHAPTER 17 BRIELLE’S POV Ang dapat ay sa mansanas lang ngunit sa labi ni Sir Archie nag-landing ang aking labi. Parehas kaming na-estatwa sa aming kinatatayuan. Ramdam ko ang bahagyang pagpisil niya sa aking baywang. Ilang segundo na ang nagdaan ngunit wala sa aming dalawa ang makagalaw. “My gosh!” gulat na reaksyon ng ka-team namin nang makita kami, tuptop ang sariling bibig. Natauhan naman ako kaya mabilis kong naitulak ang dibdib ni Sir palayo sa akin. “S-sorry po, Sir!” namumula ang mukhang sabi ko. “It’s okay. Just finish eating the apple.” Itinuloy namin ang laro ngunit hindi ko matingnan nang deretso ang mukha ng boss ko. Batid kong kulay kamatis na ang mukha ko dahil sa sobrang kahihiyan. Ngunit kahit na ganoon, pinilit ko pa rin ubusin ang mansanas. Ramdam ko ang mala

