CHAPTER 19 BRIELLE’S POV “Huwag kang maingay!” bulong ng pamilyar na tinig. Nanatili ang kamay nito sa aking bibig. Hindi ako maaaring magkamali. Kilalang-kilala ko kung kaninong boses iyon. “S-Sir Archie!” Nangangatal ang aking mga labi sa pagbigkas sa kaniyang pangalan gawa ng takot. “Ayos ka lang ba, El? Nasaktan ka ba?” nag-aalalang tanong niya sa akin. Sinuri niya ang buo kong katawan. Napatiim-bagang ito nang mapatingin sa aking mga galos. Umiling ako. “H-hindi po, S-Sir. P-pero natatakot ako! P-papatayin nila ako!” humihikbi kong sagot. Yumakap ako sa kaniya nang mahigpit. Kahit papaano ay nabawasan ang takot ko dahil may tutulong na sa akin. “Tahan na, huwag ka nang umiyak.” Hinaplos niya ang aking likod. Ako naman ay pinilit na pigilan ang mga luhang nais kumawala sa ak

