Makalipas ang tatlong araw ng physical therapy ay mabilis namang naka-recover ang binti at braso ni Lance, yun nga lang ay hindi pa rin siya nakakakita. Para kay Lance, mabilis siyang naka-recover dahil dinadaldal siya ni Leiah tuwing session at lagi itong nakakatawa.
At dahil nakakagalaw na ng maayos ang braso ni Lance ay sinubukan niyang muli ay tumugtog. Dinala ni Leiah ang kanyang munting keyboard sa kwarto ni Lance at gina-gabayan niya ito sa pag-tipa.
“Parang keyboard sa computer naman ‘tong keyboard mo eh.” Tawa ni Lance.
“I know,” tawa ni Leiah. “This is special to me, you know? But, you can have it.”
Huminto ang pag-ihip ng hangin.
“A.. ayoko.” Tanggi ni Lance. “Mamaya ex mo may bigay nito eh.”
“Pfft! No. I don’t have one anyway. This is from my sister. That was the last Christmas we spent together before she…” napa-ubo si Leiah.
Agad siyang tumalikod.
“Leiah?” tanong ni Lance.
“Mm?” imik niya habang umuubo.
Masyadong matagal. Nababalisa si Lance.
“Kailangan mo ng tubig?” tanong niya ulit.
Huminto na ang pag-ubo ni Leiah. Rinig ni Lance ang pagspray ng alcohol.
“Ang OA mo. Nasamid lang ako.” Sabi ni Leiah. “Going back, galing yan sa kapatid ko. Ex ka diyan. Fourteen years na saken yan.”
“Galing pala sa kapatid mo eh. Baka magtampo yun.”
“Hindi yan. Tsaka may mas malaki na ‘kong keyboard. Mas maraming effects.”
“Sure ka na talaga na sa’kin na lang ‘to?”
“Yes,” tumango si Leiah, “Sure na.”
Nangiti si Lance.
Maya-maya’y sinundo si Leiah ng nurse. Ramdam na ramdam ni Lance ang unti-unting pagtamlay ng silid. Nilibang niya ang sarili sa pag-tipa ng keyboard na bigay ni Leiah hanggang makatulugan niya ito.
Lubog na ang araw nang magising si Lance sa mahihinang tawanan na bumuhay sa silid.
“Ma?” tawag ni Lance.
“Lance!” sabay-sabay na nagsilapit ang mga bisita ni Lance.
Rinig niya ang bawat yabag ng sapatos. Pamilyar ang mga boses. Bumilis ang pagtibok ng puso niya na halos naririnig niya ito.
“Anak, andito sina Dan at Nathan.” Sabi ni Jenny.
Nagkatinginan naman sina Dan at Nate—nakakailang na katahimikan ang sumunod.
Napakunot ang noo ni Lance, “Dan at Nate?” ulit niya.
“Ah,” ngumit si Dan. “Lance. Gusto ka naming makita.”
“Ok,” tumango si Lance. Naguguluhan sa nararamdaman.
“Kumusta naman ang mga binti at braso mo?” tanong ulit ni Dan.
“Ayos na. Naigagalaw ko na ulit,” ngiti ni Lance. “Kayo? Kamusta?”
“May kaunting pilay pero ayos naman na ngayon.” Sabi ni Dan.
“Si Ken, nagpapagaling pa. Mauuna ka pa siguro makakita ulit kesa makalakad ang isang yun.” Sabat ni Nate.
Napailing si Lance sa narinig. “Eh, si Lucas? Ayos lang ba sya?”
“Oo. Si Ben din. Eh, kayo talaga ni Ken yung napuruhan sa aksidente,” sabi ni Dan. “Dapat kase ako na lang talaga nag-drive nu’ng gabi na yun eh.”
Natahimik silang tatlo sandali.
“I guess, ito na yung sinasabi nilang ‘At least buhay ka’.” Biro ni Lance. “Um, na-appreciate ko ang pagbisita niyo.”
“Ikaw pa ba?” sagot ni Nate. “Ang hirap lang nito kase, wala nang magchu-tutor sa’ken. College ka na.”
“Sus.” Ngisi ni Lance. “Marami kang maha-hire na tutor. Ayusin mo na kase para mag-college ka na din.”
Natawa rin si Dan sa sinabi ni Lance.
Kahit na nagtatawanan sila, hindi mapigilan ni Lance na hindi malungkot sa sitwasyon niya. Na para bang gusto niya na lamunin siya ng lupa. Na para bang naguguluhan siya kung dapat ba siyang matuwa dahil wala sa mga kaibigan niya ang may mas malalang sitwasyon o kung dapat ba siyang mainis dahil siya ang may pinakamalalang sitwasyon.
Itinuloy ni Lance ang pakikihalubilo sa mga kaibigan. Sa isip niya ay mas maigi na na may iba siyang kausap.
“Pero yung nangyari nung gabi na yun? Ano daw bang nangyare?” usisa ni Lance.
“Kasalanan ko siguro,” sagot agad ni Nate. “Sina Harvey. Hinabol nila yung sasakyan natin. Hindi yun mangyayari kung hindi ko na lang siya pinansin.”
Agad na naalala ni Lance ang kaaway ni Nathan. Napaluwag ang pag-hinga niya. Na-realize niya na at least ay hindi niya problema ang kanyang magulang, hindi gaya sa sitwasyon ni Nate.
“Alam naman nating masama talaga ang ugali nung Harvey na yun eh,” sabi na lang ni Lance. “Tsaka, Nate, hindi mo kasalanan yung nangyari sa parents mo. Alam mo yan.”
Tumango si Nate kahit alam niyang hindi malalaman ni Lance yun.
“We heard that you are getting a donor soon,” masayang sabi ni Dan sabay tapik sa balikat ni Lance. “Sounds good, right?”
Natuwa si Lance sa narinig ngunit hindi ang kahit ano sa dati niyang buhay ang gusto niyang makita ulit. Si Leiah. Gusto niyang makita kung anong hitsura ng bagong kaibigan.
“Sana nga, pre,” ngisi ni Lance.
“Then, we can perform together again.” Dugtong ni Dan.
“Ah,” nabigla si Lance. “About that. Gusto ko pa rin kayong kasama, guys. Don’t get this wrong. It’s just that I promised my parents to focus on myself, studies…” pahina nang pahina ang boses niya. “I can’t do bands after this one. Maybe jamming sesh.”
Nabigla rin ang dalawa sa narinig. Si Lance ba talaga ‘to? Tanong nila sa kani-kanilang sarili. Si Lance ang pinaka-pursigidong tumugtog sa harap ng maraming tao tapos ay maririnig nilang ganito.
“Sigurado ka ba diyan?” natatawang tanong ni Nate. “Eh ikaw yung pinaka-atat sa’ten na mag-show?”
“Good joke, bro. Good,” tawa nina Dan at Nate.
Ngumiti lang si Lance.
“Siguro pag nakakitaka na ulit, magbabago din ang isip mo.” Sabi ni Nate.
“Tama,” dagdag ni Dan. “Pa’no, bro? Gumagabi na. Uwi na kami ah. Don’t worry, nandito kami sa operation day mo.”
“Salamat,” sagot ni Lance.
Pagkalabas ng dalawa, lumapit si Jenny sa anak.
“Totoo ba yang sinasabi mo na hindi ka na magbabanda?” tanong niya.
“Oo, Ma. Gusto ko po talagang mag focus sa pag-aaral pagkatapos nito. And promise ko sa’yo, hindi ko na pipilitin na tumugtog secularly.” Sabi ni Lance.
Labis na natuwa si Jenny sa narinig ni Lance pero nandoon pa rin ang agam-agam na baka sa ngayon lang ito nasasabi ng anak dahil wala itong pagpipilian kung hindi ang maupo.
It was the same night. Lance decided to stay up and play his little piano when he heard whispers outside his door.
“Ah, yung magandang bata?” bulong ng babae.
“Shh. Oo ayun nga. Grabeng kapit niya sa life, ante. Nakaka-sad nga lang kase alam mo yun?” bulong ng isa pa.
“Ang hirap nung sakit niya, noh? Nung makalawa lang, grabe daw yung pain niya sabi nung nurse niya. Buti nga umayos na ang pakiramdam eh.”
Hindi ugali ni Lance na making sa usapan ng iba ngunit hindi niya mapigilan na hindi making sa mga nag-uusap.
“Pero in fairness sa bata, sobrang bait talaga. I think she’s a donor, eh. Yung heart and eyes niya, pwedeng i-donate kaya ibibigay niya daw.”
“Ay, alam ko kung kanino mapupunta. Swerte. Iba din kase ‘pag may pera eh. Prio talaga.”
Kahit alam niyang walang relevance, hindi niya matanggal sa isip na si Leiah ang pinag-uusapan ng dalawang babae sa labas. Bumigat ang pakiramdam niya. At naalala niyang hindi pa rin niya alam kung ano nga ba ang sakit ni Leiah.
(To be continued)