The Dream

1258 Words
Lumalim ang gabi na hindi makatulog si Lance kaiisip sa narinig niya tungkol sa magdo-donate ng mata at kung sinong magre-receive nu’n. Binuksan niya ang cellphone niya para makinig sa audio bible to divert his attention pero hindi talaga mawala ito sa isip niya. Kung si Leiah ang eye donor, hindi na siya makikita ni Leiah kahit kailan. Naiimagine niya pa lang ay parang kinukurot na ang puso niya. Bigla niyang pinatay ang cellphone at nahiga. Pilit na pinatutulog ang sarili kahit sumakit ang ulo niya. Sa pag-pikit niya, parang nakakikita na siya ulit—maliwanag ang paligid. Puno ng bulaklak sa lakaran, mataas ang araw, malamig ang hangin at kalmado ang dagat. “Ha!” natawa siya sa sarili. “Panaginip. May ngayon. Hindi malamig ang hangin kapag May—nasa Pilipinas ako, hindi Switzerland.” Lumakad siya nang kaunti. “Lance, bilisan mo, tara!” isang babae, may suot na ribbon, mahaba ang buhok. Nakasuot ng kulay puti na mahabang bistida. Tumatakbo ito, nauuna sa kanya. Sa pagkalito ni Lance ay nakatitig lang siya sa babae. Nakahalata ang babae na hindi siya sumunod kaya’t bumalik ito—ni hindi maaninag ni Lance ang mukha ng babae dahil sobrang liwanag. Kinuha ng babae ang kamay ni Lance, “Tara. May ipapakita ako!” masayang sabi nito. Hindi na umimik si Lance at sumunod na lamang sa babae. Ilog ang nasa dulo ng flower field, doon ay may bangkang naghihintay sa kanila. “Tatawid tayo sakay ng bangka para makarating sa pupuntahan natin.” Pamilyar ang boses ng babae kay Lance ngunit may kung anong bagay sa kanyang lalamunan na pumipigil sa kanyang itanong kung sino ito. Sumakay sila sa bangka. Patuloy sa pagku-kuwento ang babae habang binabaybay nila ang katubigan. Nakikinig lang si Lance, pilit inaaninag ang mukha ng babae. Sadyang maliwanag kaya’t di niya ito makita. Malapit na sila sa pampang nang biglang sumungit ang panahon. Nawala ang sobrang liwanag ngunit ang babae nama’y tumalikod kay Lance kaya’t lalong hindi niya makita ang mukha. “Excuse me, Miss. Kilala ba kita?” tanong ni Lance. Hindi ang eksaktong tanong na gusto niyang gawin pero ayun ang lumabas sa kanyang bibig. Tumawa ang babae habang pinapaspasan ang pagsagwan. “Matagal na, Lance. Pero masyado kang abala sa mga gusto mong gawin sa buhay kaya’t hindi mo ako napapansin.” Sagot ng babae. “Ngunit malapit na ang panahon at tatanggapin mo rin ako.” “Hindi ikaw si Leiah?” Tahimik ang babae. Natapos ang ulan at nakarating sila sa pampang. Mas maganda ito kaysa sa kung saan sila nanggaling. Naroroon ang pamilya at mga kaibigan niya. Parang isang malaking picnic. Sa Gazebo ay may naghihintay sa kaniya. Hila-hila ng babae si Lance papunta doon. Bago pumasok, huminto ang babae at humarap kay Lance. Nakayuko ito kaya’t di pa rin niya makita ang mukha. “H’wag kang malulungkot kapag nawala ang iyong kaibigan dahil may ibibigay ako sa’yo na mas higit pa.” Hindi nakagalaw si Lance. “What?” bulalas niya. Nawala ang babaing nagyakad sa kaniya at isang panibagong babae ang lumapit sa kanya. Nakasuot ng asul na bistida. Itim na mahabang buhok na may katamtaman na taas. Kitang-kita niya ang mukha nito. Napaka-ganda. Napakalapit ng mukha nito sa kanya. Ilang segundong katahimikan. “Gising.” Sabi nito sa kanya. Pagdakay nawala ang paningin niya. Natawa si Lance sa sarili. Napaka-laking ngiti. Unang umagang nagising siya na hindi siya naiinis na wala siyang nakikita. “Lance, anak, ayos ka lang?” tanong ni Jenny. “Opo.” Sagot niya habang dahan-dahang umuupo. “Anong oras na po?” “Alas-nueve.” Sagot ni Jenny. “Ah. Maaga pa pala.” “Mukhang maganda ang gising mo ah.” Sabi ng ina. Natawa si Lance, “Maganda, Ma. Maganda.” Nagtakha si Jenny sa sagot ng anak. “Ah, Ma, si Leiah may suot ba siyang kuwintas?” “Wala.” Halatang halata ang pagkadismaya ni Lance sa sagot ng ina. “Akala ko meron.” Bulong ni Lance sa sarili. “Linggo ngayon.” Sabi ni Jenny sa anak. “Ang bilis naman ng araw.” Sagot ni Lance. “Gusto mo sumama saken sa chapel?” “Kung si Nicolo ang tutugtog, sige.” Tawa ni Lance. Nag-simba silang mag-ina. Hindi si Pastor Sam ang nagturo pero hindi napansin ni Lance. Hindi rin masyadong nagtagal ang mga tao, sa halip parang nagmamadali silang umalis—ayun ang napansin ni Lance. Kinipkip na lang ni Lance sa sarili ang naramdaman niyang iyon. Baka busy lang ang mga tao ngayon or baka masyado silang naiinitan at nagmamadaling makarating sa mall. Pagbalik ni Lance sa kwarto niya ay nasorpresa siya. “Ah, Lance, hijo!” bati ng pamilyar na boses. “Pastor Sam?” hula ni Lance. “Kilala niya na boses mo, Pa.” sabi ng isa pang boses. “Kanina pa po ba kayo, Pastor?” tanong ni Jenny habang inaakay si Lance papaupo sa kama. “Hindi naman, sis Jenny. Ah, kailangan lang kita makausap—maganda nga sana kung nandito din si bro. Lester eh, pero di bale, ayos lang din.” “Ganun po ba?” sagot ni Jenny. Lumabas sina Jenny at Pastor Sam at naiwanan sina Leiah at Lance sa kwarto. “Lance,” mas paos ang boses ni Leiah ngayon. Hinawakan niya ang kamay ng kaibigan. “Ang lamig ng kamay mo,” kunot noong sagot ni Lance. “Anong meron? Di ka nagsimba.” Ibinukas ni Leiah ang kamay ni Lance at may inilagay na kung anong malamig sa pakiramdam ni Lance, “Aalis ako.” Mahinang sabi ni Leiah. “Sasama ako.” Tawa ni Lance. “May passport na ‘ko.” Natawa si Leiah, “Hindi naman kailangan ng passport du’n eh. Well, you can’t come with me there.” “Kailan ka babalik? Tsaka ano ‘tong inilagay mo sa kamay ko?” “Matagal bago ako makakabalik, ok?” sagot ni Leiah. “Yung kapatid ko, I mentioned her yesterday. Pupunta siya dito pero hindi ko na kasi siya mahihintay, so humor me, give that necklace to her.” “Ah, sige.” Mahinang sagot ni Lance. “I had a dream,” sabi ni Leiah habang hawak ang kamay ni Lance. “I was in a field full of daisies. It was so… so bright… so so so pretty.” Naalala ni Lance ang panaginip niya. “There, you can finally see, and you were playing the little piano I gave you. My mom and dad were so happy. And my sister and I were together.” Naiiyak na sabi ni Leiah. “I wish I weren’t born sick, Lance.” Humigpit ang hawak ni Lance sa kamay ni Leiah. “Sabay tayong gagaling, Leiah. I can stay here hanggang puwede ka na ring lumabas.” Umiling-iling si Leiah. “I’ve never had a brother, Lance. And I’m happy that you made me feel as if I had one.” She patted his head. Natahimik si Lance—brother. She said, “brother” ulit niya sa sarili. “Mamayang gabi, samahan mo’ko.” “Sige.”—walang pag-aalangang sagot ni Lance. Natawa si Leiah, “Hindi mo muna tatanungin kung saan?” “Sasamahan kita kahit ako yung aakayin mo.” Seryosong sagot ni Lance. Mas lalong natawa si Leiah. “Comedian ka rin eh,” pagpipigil ni Leiah ng tawa. “Sige, 7pm susunduin kita ah. Gumising ka.” “Sure.” Desididong sagot ni Lance. (To be continued)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD