Chapter Twelve

2141 Words
Nakarating kami sa school. Dito rin kasi idadaos ang prom night namin. Sa field daw ang venue actually. Malawak ito, sobra, at kaya kaming i-accomodate na mga estudyante. Sa lawak noon, paano kaya nila napaganda at natapos ng isang buong araw? "Sabrina." Pukaw ni Keith sa aking atensyon. Tumingin ako sa kaniya. Kakalabas pa lamang namin ng kotse. "Hmm?" I answered. "Ang ganda mo." Napakurap ako ng ilang beses at in-absorb ang sinabi niya. Ang ganda mo. Did he just really compliment me? Right in front of my face? "Oh." Okay, so hindi ko alam kung anong sasabihin ko. "Thank you." I thanked him and smiled after. "You're handsome, too. Bagay sayo yang suot mo." Which is true. Bagay naman talaga. He's so manly in his white suit. Napaiwas naman siya ng tingin. He coughed. "Thank you." At saka nahihiyang tumingin sa akin. I smiled widely. "Tara na." Anyaya ko. Tumango siya at naglakad na kami. Sa entrance pa lang ng school, maganda na. Ano pa kaya sa loob? Maraming guards na nagbabantay for security of course. Security of the students of our University is the top priority. Mostly kasi sa mga nag-aaral dito ay elite talaga. I can't argue about that. ArtaraUniv is one of the prestigious schools in Asia and is competing with different international schools in the whole Asia. I'm just fortunate that I had the chance to enter this school. Pagkarating namin sa guard at sa may hawak ng master list, ibinigay namin ang invitation namin. It's only exclusive for Artara's students and its seal is so unique and hard to copy kaya walang makakapasok na outsider. They scanned the seal and poof! Pwede na kaming pumasok. The moment we entered the school, I was so amazed by what I'm seeing right now. There are lanterns above that gives light to the pathway going to the field. May mga halaman sa gilid at puno rin ito ng mga ilaw na iba't iba ang kulay. May mga butterflies na nakadikit sa halaman which is obviously, handmade. But realistic and amazing! It's also glowing na nakakadagdag sa ganda ng ayos ng mga halaman. Nakarating kami sa field at hindi siya mukhang field. Meron na itong parang shape ng igloo at doon kami papasok. Malaki ito at mataas. I wonder what's the decoration inside. May nagbabantay din na mga guards sa entrance. Pumunta kami doon at binigyan kami ng maskara na tanging itaas na parte ng mukha ko ang matatakpan. Maskara? "Is this a masquerade ball?" I asked myself. Bakit hindi naman yata ako aware? "Yes." Keith answered, probably heard what I said. "But there's a twist. The reason why they are the ones who are giving us the mask is because they will identify who will be the Queen of the Night," ani Keith. "Really? How?" Paano naman? Ano bang meron sa mask na ito. Pinagmasdan ko ang mask, pinaikot-ikot, tinaktak at kung anu-ano pa. Pero wala namang nangyari? Keith laughed at me. "You will know soon. It'll be revealed right before our last dance." Oh, I see. Tumango na lang ako. Sinuot ko ang mask sa aking mukha. Tinulungan pa ako ni Keith ayusin ito bago kami tuluyang pumasok. Pagpasok ay mas lalo pa akong namangha. This looks so magical! Am I in another world? Maraming chandelier sa taas na siyang nagbibigay liwanag sa bulwagan. May isang pabilog na stage sa pinakagitna na hindi ko alam kung para saan. Sa gilid naman ang mga pagkain. Sa harap naman ang stage at ang mga organizers ng prom na ito na professors din ay nandoon din. Ang ilan sa professors ay nasa baba ng stage na yon, malapit din naman sa pwesto nila. Our school's principal—Mr. Morris Montecillo is not here yet. Narinig ko lang 'to ah, na ang may-ari raw ng ArtaraUniv ay pupunta rin daw dito mamaya. Our principal is just the principal and not the real owner that's why some of students here are wondering who's the real owner of ArtaraUniv. Exactly at 9:00PM magsisimula ang event officially at alas otso pa lamang ng gabi. Pero mamayang alas otso y media ay magkakaroon ng intermissions before we officially start the event. "Here," Tumigil kami ni Keith sa isa sa mga lamesang bilog sa bulwagan. Pang-dalawahan lamang ang lamesang tinigilan namin. Pinaghila niya ako ng upuan at umupo naman ako. I thanked him after. Siya naman ang umupo sa katapat ko. "Gusto mo bang kumain?" tanong niya. Bigla naman akong nakaramdam ng gutom sa tanong niya. Hindi nga pala ako kumain noong umalis kami. "Kukuha kitang pagkain." Dagdag niya. Nakakahiya naman yon sa kaniya. "Ah, ako na—" "Ako na, Sab. Dyan ka lang." Saka siya tumayo at iniwan ako dito. Hindi na nagpapigil kaya hinayaan ko na. Bored akong nangalumbaba. Inilibot ang aking mata, pinagmamasdan ang mga taong nandito. Halos mapuno na rin itong bulwagan. May mga magkakasama sa isang table na pangmaramihan, may pangdalawahan lang din naman, may mga nasa food section, may ilang nasa couches sa kabilang gilid at mukhang nagpaparty-party na. Kita ang saya sa mga mukha nila kasama ang mga kaibigan at date nila. Some are savoring the moments they have with their partners. May kumakain, nagkukwentuhan, nagtatawanan, mayroon din namang naghihintay katulad ko ngayon. People are everywhere doing their own things. Sa dami ng tao ngayon, I wonder where is Ryka right now. Date niya si Hiro and I want to see them together. Actually, bagay sila. "Here. I don't know your favorite food kaya pumili na lang ako ng, baka lang naman, magugustuhan mo," ani Keith sabay lagay ng plato na naglalaman ng maraming pagkain. These foods look so familiar. "Oh, thanks. Pero ang dami naman yata? Bibitayin ba ako?" I joked. Keith laughed. "Marunong ka rin pa lang magbiro? Hindi halata sayo," sabi niya. "And why is that?" Nagsimula na akong kumain. May dala rin naman siyang pagkain na kaniya. "You don't know? You are way too hard to approach. Kaya hindi ko inexpect na o-oo ka sakin noong niyaya kitang maging date ko. I was so nervous that time, I swear." Natatawa niyang sabi. Gano'n ba? Kung sa bagay, nagsasalita lang ako kapag kakausapin ako. I'm not really that friendly. Kung may gustong makipagkaibigan sakin, yun lang. "So do you. It's not only me." Kibit-balikat kong saad. Tahimik din siyang tao so parehas lang kami. "Right, we're the same. I don't make friends or talk to people casually but you're an exemption." Napatigil ako sa pagkain dahil sa sinabi niya. What does he mean by that? Tumingin ako sa kaniya at nakitang nakatingin din siya sakin. "I want you to be your friend. Can I?" Turan niya. I sighed then later on, smiled at him. "Of course." Gaya ng sinabi ko, kung may gustong makipagkaibigan sakin, go. At kumportable rin naman ako sa kaniya, kilala pa siya nina Cynthia kaya ayos lang. "Thank you." Ngumiti siya sakin kaya sinuklian ko ito. Nagpatuloy na kaming muli sa pagkain. "So you're Cynthia's best friend." "Yep." I didn't know that he can be talkative like this. Kapag talaga tahimik tapos kumportable sa kausap ay dumadaldal. "Cynthia keeps mentioning you to me but I didn't expect that it was you." Ano naman kayang kinukwento ni Cynthia tungkol sa akin? "And I didn't expect as well that the two of you knew each other," saad ko naman. Since kinukwento naman pala ako ni Cynthia, alam na siguro niya kung bakit ako nasa bahay nila? At doon pansamantalang nakatira? "It's a small world after all." Right. Napakaliit nga talaga ng mundo. We just continued eating while talking to each other. Hanggang sa natapos kami. "Attention everyone." The emcee catch our attention. Lahat kami ay humarap sa stage. Alas otso y media na siguro. Magsisimula na ang intermissions na hinanda ng iba't ibang club. Our Dance Troop, Music Club and Drama Club lang yata ang participants ngayon para sa intermission. Kaunti lang tutal kalahating oras lamang din ang oras na inilaan para sa kanila. "First of all, Happy Valentine's Day everyone! Kahit walang forever! Charot!" The emcee made the audience laugh because of what she said. "Kidding aside, Happy Valentine's Day everyone! And thank you for coming tonight to celebrate our Prom Night. Before we officially start our event, we prepare intermissions from our selected clubs. We hope you all enjoy. Thank you and have some fun tonight!" Aniya. Namatay ang ilaw at nagkaroon ang bandang sa stage lamang. Our dance troop. So sila ang mauuna. Napuno ng hiyawan na nagmumula sa mga kababaihan ang buong bulwagan. Magaling kasi ang grupo na ito at nailaban na rin sa iba't ibang paligsahan. They are consist of 13 members at lahat ay may potential. Nanood lamang ako. Nagpatuloy ang intermission hanggang sa pinakahuling club na lamang which is the Music Club. "Hi, everyone." It's Mylee. The main vocalist of their band. "Tonight we're gonna sing the song Perfect by Ed Sheeran." At nagsimula na silang kumanta. May ilang sumasabay din naman sa kanta. I'm not into music kaya hindi ko feel ang kanta. Not really na hindi ako nakikinig, let's just say na may alam akong kanta pero hanggang doon lang. I know the song and that's it. Nothing more, nothing less. Whenever I feel sad, it's not the music that comforts me. I always find comfort in nature. Whenever I see sunsets, stars, moon, the clear blue sky, or feel a fresh air, the sea, the trees and when its branches and leaves sway, the birds and how they fly so free and high; it gives me a different feeling and it makes me happy. I find comfort in things most people are taking granted for. Natapos ang kanta. And it only means one thing. The event is now officially started! "Thank you everyone, thank you guys for performing well tonight." The emcee's back. "Alright! Good evening, Artarians! So official na po nating sinisimulan ang ating event ngayong gabi. By the way, I'm Erin, your emcee for tonight." Kumaway-kaway siya sa itaas ng stage. "Let us all stand, please." Tumayo kaming gaya ng sinabi niya. "To officially start our event, let's start it first with a prayer. In the name of the Father, the Son and the Holy Spirit..." She recited her prayers. Taimtim kaming nakikinig, at ako, nagdadasal din. I hope I will have fun tonight. Although I'm not really into this kind of event or occasion, nandito na rin naman ako, bakit hindi pa ako magsaya? Just for tonight. "Amen." Natapos ang dasal at pinaupo kaming lahat. Nagsalitang muli ang emcee pero hindi ko na pinakinggan. I suddenly get thirsty. Bakit ngayon pa? "Keith," tawag ko sa kaniya. Humarap naman siya sakin. "I'm thirsty. Kuha lang akong tubig," sabi ko. "Do you want me to—" Pinutol ko na ang sasabihin niya. "No worries, I can go by myself. Mabilis lang naman eh." Tumango na rin siya kaya tumayo na ako. Nauuhaw na talaga ako. Dali-dali akong nagpunta sa pinagkukuhanan ng tubig. "May we please welcome, our school's principal, MR. MORRIS MONTECILLO!" A round of applause was heard in the corners of the hall. Napatingin ako sa stage. Umakyat doon si Principal Morris. May sinabi siya pero hindi ko na inintindi at tinuloy ang pagkuha ko ng tubig. "Thank you, Principal Morris," ani emcee. "And now, let me introduce you, our school's owner, MR. ARTHUR MONTICELLO! Together with his wife, AMARA MONTECILLO!" That caught my attention. I want to see them. Tumingin din ako sa kung nasaan sila. Naglalakad na sila papunta sa stage. Pero bakit ang dami nila? Bukod kay Mr. Arthur at Ma'am Amara na nasa unahan ay may lima pang lalaking kasunod nila. Ano sila, bodyguards? Pero hindi eh, nakamask din sila. So sino sila? One of them caught my attention. He's wearing a green suit, same color as mine. Ang maskara niya at kakulay din ng sa akin, kulay ginto. Almost identical pero ang natatakpan naman sa mukha niya ay buong itaas nito kasama ang kabilang pisngi niya. You know, diagonal yung hati niya so ang kita lang sa kaniya ay ang kanang pisngi niya at labi. Nakaakyat na sila sa stage at may ilang sinabi si Mr. Arthur saka sila umupo sa upuang nakahanda para sa kanila. Kumuha pa ako ng tubig bago bumalik sa aking upuan. The moment I sat in my chair, bigla akong nanlamig. Pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin. Nilibot ko ang aking paningin pero lahat naman ng atensyon nila ay nasa harap. "Are you okay?" tanong ni Keith na mukhang napansin ako. "Yeah, I'm okay." Ngumiti ako sa kaniya. Tumingin na kami sa harap ulit. Napatingin ako sa lalaking nakakulay green na suit and I don't know if it's just my eyes that are deceiving me or he's really staring at me. He looks familiar even he's wearing a mask.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD