Napabalikwas ako ng bangon dahil sa lakas ng tunog ng alarm clock ko. Pinatay ko ito at pabagsak na humiga ulit sa kama.
Napansin kong wala na si Cynthia sa kama niya. Nasaan na iyon?
Hindi ko na muna pinansin at nagbalik sa pagtulog. Wala akong pasok ngayon dahil mamaya lang ay prom na namin. I'm so tired. Ang daming tao kagabi sa H'nL. Kahit gabing-gabi na ay madami pa ring tao. Napagod ako. And I want to rest. Badly.
I closed my eyes and about to sleep when-
"SABRINAAAAAAAAAAAAAAAAAA!"
-Cynthia's voice echoed the whole room. Hindi ko ito pinansin at pinagpatuloy lang ang pagtulog. Inaantok pa ako. Hustisya naman oh!
"SABRINAAAAAAA!! GUMISING KA NAAAAAAA!! ALAS ONSE NA NG UMAGAAAAAAAAAAA!!" Napamulat ako ng aking mata. Alas onse?
Tumingin ako sa aking orasan at nakitang alas onse na nga ng umaga. Seryoso?
Agad akong bumangon. "Hindi mo ako niloloko?" Duda ako eh. Paano kung pinalitan niya lang ng oras ang alarm clock ko?
Nameywang siya sa harap ko. "Look at your phone, Sabby." Kinuha ko naman ang cellphone ko. 11:27AM. So alas onse na nga? Ang haba na pala ng naitulog ko!
"See? Hinayaan ka namin nina Mommy na matulog tutal wala na namang pasok. In-adjust ko rin ang alarm mo kanina para hindi ka magising ng maaga. Pero ngayon, since you already have enough of sleep, get up, take a bath and we'll about to eat. We'll wait you downstairs, Sabby," sabi niya at iniwan ako doon. My bestfriend is so thoughtful.
Bumangon na ako. Nag-inat ako ng aking katawan bago pumunta ng banyo at maligo. Pagkatapos kong gawin ang lahat ay bumaba na rin ako. Nakita ko silang naghihintay sa harap ng hapag-kainan.
"Let's now eat." Kaming tatlo lang nina Tita at Cynthia ang nandito ngayon. Si Tito ay nada company nila kasama si Kuya Warren.
"The makeup artist will be here at 12:30,", sabi ni Tita Zia. Mamaya na agad? Ang aga naman?
"Bakit mamaya pa? They're late." Late? Late na sila ng lagay na yon? Pambihira si Cynthia.
"Sabby, don't give me that look. You know, si Mommy ang nag-ayos kaya for sure, madaming gagawin sayo. Kaya naman, ready yourself." At ngumiti siya sakin na nagsasabing 'good-luck-mamaya-dahil-wala-kang-takas'.
May magagawa pa ba ako?
"Who's your escort, by the way?" Tita Zia asked.
"Oo nga. I forgot about that." Segunda ni Cynthia.
"One of my classmates po," sagot ko.
"Sino?" tanong naman ni Cynthia.
"Keith Alejos." Nanlaki ang mata ni Cynthia at napangiti naman si Tita Zia. Ako naman ay nagtaka. What's the matter?
"Did he ask you to be his date?" Tumango ako sa tanong ni Cynthia.
"Kyaaaaaaahhhh! Mommy, Keith is now a man!" Nangunot ang aking noo. Magkakilala sila?
"Haha, you know, Sabby, business partners kasi ang family namin and family ni Keith. And Keith is my friend too." Paliwanag ni Cynthia. Nakita niya sigurong naguguluhan ako.
Ah, so kaya pala ganoon ang reaksyon ni Keith ng makita ang address ko? Now I know.
"Don't worry, you're in a good hands." Ngumiti sakin ng matamis si Cynthia saka tumingin sa Mommy niya. "Right, Mommy?" Sumang-ayon naman si Tita.
Natapos kaming kumain at ngayon ay nasa sala na. Hinihintay namin ang pagdating ng makeup artist na mag-aayos sa akin.
"Sabby," Tawag sa akin ni Cynthia. Tumingin ako sa kaniya at nakitang nakatingin siya sa akin.
"Keith asked for your number. Binigay ko ah." Pagpapaalam niya. Napasapo naman ako sa aking noo. Nagpaalam pa kung kelan naibigay na niya.
"Maybe he's gonna text or call you later." Tumango na lamang ako. Naibigay na eh, magagawa ko pa?
Nakuha ang aming atensyon at napatingin sa pintuan ng bigla itong bumukas. May pumasok doon na apat na tao na hindi ko kilala. Tumayo si Cynthia at Tita Zia at lumapit sa kanila.
"Madam!" Bati ng pinakanangungunang tao sa apat. Petite ito na lalaki or should I say gay na medyo matangkad sa akin ng kaunti. Maiksing short ang suot nito at kita ang maputi at walang balahibo niyang binti. Ang pang-itaas naman niya ay kulay pink na v-cut na long sleeve. May scarf din siya na kulay violet na nakapalibot sa kaniyang leeg. May suot siyang shades ngunit nakalagay naman ito sa ulo niya. May hikaw siyang dalawang malaking bilog at ang sapatos niya ay kulay pink.
O..kay?
"Eliz!" ani Tita Zia at nakipagbeso sa baklang dumating.
"Mamsh Eliz!" Ganoon din ang ginawa ni Cynthia. "Glad you're now here."
"Of course, my darling. Even though my schedule is so hectic." Hinawakan niya ang kaniyang dibdib sa may bandang puso at umarte ng naiiyak. Tumungo pa ito ng kaunti at ang isang kamay ay inilagay sa kaniyang pisngi, nagpupunas ng pekeng luha. "Uunahin ko pa rin kayo. Ganyan ko kayo kamahal." Pinagdaop niya ang kaniyang dalawang palad at tumingin sa mag-ina.
"Waaaahhh, we love you too, Mamsh!" Niyakap siya ni Cynthia.
While me, on the other hand... ay ito, nakatingin lamang sa kanila. Natameme na at nabato sa aking pwesto.
Like.. are they even real? For real?
"Enough of dramas. Simulan niyo na ang dapat simulan." Pinaghiwalay silang dalawa ni Tita Zia.
"Aray ko, Madam! My pretty face!" Eksehaderang saad ni Eliz nang hawakan ni Tita ang mukha niya.
"Right, Mamsh! Here's my bestie, Sabrina! Siya ang aayusan mo." Pinakilala ako ni Cynthia. Tumingin naman silang lahat sa akin at wala sa oras akong napalunok.
Eliz looked at from head to toe. "I see." Tumango-tango siya. "Ako na ang bahala sa kaniya."
"Girls." He snapped his fingers. "Hold her!" He pointed his index finger to me saka siya ngumiti ng nakakaloko.
Uh-oh. May masama akong pakiramdam sa bagay na itooooooooo!!
•••
I want to die. Charot. Nakakapagod. Ang sakit ng buong katawan ko!
"Girl, wag kang malikot," ani Eliz at inayos ang ulo ko. Now they are putting make up on my face. Ang isa sa mga kasama niya ay inaayos ang buhok ko. Ang isa naman ay nililinis ang paa ko at ang isa ay ang kamay ko naman.
You wouldn't believe what they had done to me!
First, pinaligo ako. Eh kakaligo ko lang. Pero hindi simpleng ligo. Pinaliguan nila ako! Yung tatlong babae lang naman, hindi kasama si Eliz syempre. He's still a guy. So yun nga, pinaliguan nila ako. But not that simple. Hinilod nila ang buong katawan ko. Wala na nga yatang natirang libag o dumi man lang. At ang sakit pa ng panglihod nila! That took us actually one hour, kasama na ang pagbababad ko.
Next, akala ko kung anong gagawin nila. They massage my whole body first. Pagkatapos, pinaharap naman ako. May nilagay sila sa binti ko and the next thing I knew, wala na akong balahibo! They freaking used wax for freaking sake! That hurts a lot! Lahat ng buhok na dapat alisin ay inalis nilang lahat and I feel sore all over my body. After that, may nilagay sila sa buong katawan ko.
Third, it's my face. They put mask on it. It stayed there for about 20 minutes, I guess? So yeah, masakit siya noong tinagtag at feeling ko mapupunit ang mukha ko. Hindi lang yun ang ginawa nila, marami pa silang inilagay sa mukha ko na hindi ko alam kung ano at kung para saan.
And now, I'm here. Sitting in front of the mirror while Eliz is putting make up on my face and the other three are doing their assigned jobs.
Great. Just great. And what time is it already? Ghad, it's already 6:21PM! Mamaya lang ay pupunta na si Keith.
Though malapit na naman silang matapos kaya no need to worry.
"Girl, pikit ka muna. Open your eyes when I tell you okay?" Tumango ako sa sinabi ni Eliz. "Good baby girl." Humagikhik pa ito. Hinayaan ko na lang silang gawin ang dapat nilang gawin. Pagod na ang katawan ko kanina and because of the massage they just did earlier, I'm kind of feeling sleepy.
Just the thought of it, it made me yawn.
"Baby girl, don't yawn, okay?" ani Eliz. Tumango na lang ulit ako. Tik tok. Tik tok. Time is running so fast.
Nakapikit pa rin ako. Hindi ko na alam kung gaano katagal. I'm trying so hard to not fall asleep. Malapit na rin naman siguro silang matapos.
"Ayan. So pretty!" Humagikhik muli ang bakla. "My, my, baby girl. Open your eyes na."
Para naman akong masunuring bata at minulat ang aking mata. The moment I saw my eyes, I saw a woman I have never seen before.
Oh, wait.
"Ang ganda ganda mo!" saad nila. Napahawak naman ako sa aking mukha.
Oh my God. Ako 'to?! For real?! Seryoso?!
"There's no doubt, baby girl. Ikaw yan. Oh my gosh, I'm so proud of myself." Eliz said dreamingly.
"Okay, okay. Girls, kunin niyo na ang gown ni baby girl." He snapped his fingers and the three girls obey his command.
Bumalik din naman sila agad bitbit ang isang malaking puting kahon na parihaba ang sukat. Binuksan nila ito at doon tumambad sa akin ang eleganteng ball gown. Its color is emerald green, has bids on it. I can't explain but it's awesomely pretty!
"Time to wear your gown, baby girl." Magiliw na saad ni Eliz. Isinuot nila sa akin ang gown and it fitted for me so well.
Natapos na ang pagsusuot at pinaharap nila ako sa malaking salamin.
Wow. This is wonderful! Ang ganda ng gown! It's my favorite color! Alam na alam talaga nila eh. Just by looking at the color of my gown, it makes me happy. I love its color so damn much!
"Ikot ka nga baby girl." Eliz requested kaya yun ang ginawa ko. Umirit naman ito. "Pak! Ang pretty pretty mo baby girl!" aniya. Ngumiti naman ako sa kaniya.
Nakarinig kami ng katok sa pintuan kaya napatingin kami doon. Bigla itong bumukas. "Ma'am, pinapatawag na po kayo ni Ma'am Zia sa baba," sabi ng maid. Tumango kami. Tinulungan ako ng tatlo sa gown ko. Malaki kasi ito at mabigat. Mahaba rin ang dulo nito kaya kakailanganin ko talaga ang tulong nila para makababa ako.
Lumabas na kami ng kwarto at ngayon ay bumababa na sa hagdan. Maybe Keith is already here. Si Eliz ay masayang humahakbang. Paikot-ikot pa ito, at papalit-palit ng kamay tapos iikot habang bumababa. He's also humming a song I don't even know. Mukhang nasa good mood ang bakla.
Habang bumababa ay napatingin ako sa dulo ng hagdan. There I saw a handsome man standing and waiting for me.
How I wish it's Xyl...
Wait. WAIT. What the f**k?! WHAT THE HELL DID I JUST—!
DID I JUST THINK OF XYL?!
NO! I DID NOT! Erase! Erase!
I did not think of him, okay? I didn't. Tama. Hindi. Wala siya sa isip ko. He'll never invade my mind. Never! *mentally shaking head*
Inalis ko na sa isip ko si Xyl hanggang sa isang hakbang na lang. Inabot ni Keith ang kaniyang kamay. I hesitantly and reached his hand. Jusko, may pa-ganito pa?
"Sabrinaaaaaa! Sabbyyyyyyy!! You're so prettyyyyyyyyyyyy!" Bigla akong niyakap ni Cynthia ng tuluyan na akong makababa.
Kumalas siya sa akin and I saw her teary-eyed. Eh?
"Dalaga ka na talaga, Sabby! Magkakajowa ka na soon. Mapapalitan mo na rin si Xyl!" aniya na kinalaki ng mata ko. At mukhang nagulat din siya doon.
"Oops. Sorry! I forgot. I shouldn't have mentioned him. Hehe. Peace." Nag-peace sign naman siya. Napatingin ako kay Keith at nagtataka itong nakatingin sa amin ni Cynthia.
"Sabrina, you're indeed a beauty! No doubt, you'll be the Queen of the Night!" Tita Zia smilingly said. I can see how happy she is while looking at me. I also feel happy.
"Thank you, Tita." I hugged her. I'm always thanking them for everything they're giving to me. Kung wala sila, baka hindi ko na alam kung nasaan na ako ngayon.
"Don't mention it anymore. Go now. Have fun and enjoy, okay?" ani Tita at kumalas na sa yakap ko. Naiiyak na rin siya pero pinipigilan na lamang niya.
"Yes, I will, Tita. Thank you." Muli kong saad. "Thank you rin po sa inyo." Bahagya akong yumuko sa apat na taong pinahirapan ako kanina. Pero pasalamat na rin ako sa mga ginawa nila.
"You're welcome, baby girl. Enjoy, baby girl." Baby girl na talaga ang tinawag niya sa akin eh? Ngumiti naman ako sa kaniya.
"Tita, we'll now take our leave. Ibabalik ko po si Sabrina ng buo at walang galos. Makakaasa po kayo." Sabi ni Keith. Ngumiti naman sa kaniya sina Tita at Cynth.
"Go now. Baka ma-late pa kayo." Ipinagtulakan na kami ni Cynth palabas. Tumambad sa akin ang isang limousine. Of course, mayaman 'tong ka-date ko eh.
Pinagbuksan ako ni Keith ng pintuan. Bago pumasok ay bumaling muna ulit ako sa kanila saka kumaway ng nakangiti.
Kumaway din sila pabalik. Tuluyan na akong pumasok sa loob ng limousine at kasunod naman si Keith.
I will surely enjoy this night.