bc

The Secret Wife

book_age18+
60
FOLLOW
1K
READ
billionaire
family
escape while being pregnant
second chance
arrogant
stepfather
heir/heiress
drama
bxg
office/work place
rejected
like
intro-logo
Blurb

For one year, Cassandra lived as Hades Valencia's secret wife. No one knew that she had married the country's most powerful billionaire. Akala ni Cassandra na sinisekreto lang nila ang pagpapakasal nila dahil gusto ni Hades na protektahan siya sa mga kalaban nito sa negosyo. Iyon ang pinaniniwalaan niya sa isang taon na pagsasama nila. Cassandra loved him with all her heart. She gave him her loyalty and every piece of herself. Akala din niya ay ganoon din si Hades sa kanya pero nagkamali siya, dahil nalaman niya ang totoo na dumurog sa puso niya. Hades heart belonged to someone else. At ang masakit ay nalaman niyang ang Ate niyang si Sandra ang babaeng mahal nito. Na pinakasalan lang siya nito dahil gusto nitong pasakitan si Ate Sandra niyang nag-iwan dito noon. At nang malaman ni Cassandra ang totoo ay nag-desisyon siyang tapusin ang sekretong relasyon nilang dalawa ni Hades kahit na masakit iyon para sa kanya. Dahil lalo lang siyang masasaktan kapag matatali siya sa buhay nito, lalo na at bumalik na ang totoong mahal nito. Heartbroken, Cassandra walked away from his life after their annulment. Years later, their paths crossed again. Pero hindi na siya ang dating Cassandra na kilala ng lahat. At higit sa lahat ay hindi na siya ang Cassandra na mahal na mahal si Hades...

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Truth hurts NANG makita ni Cassandra kung anong oras na, tiniklop na niya ang sketchbook na nasa ibabaw ng kanyang cubicle. Pagkatapos niyon ay dinampot niya ang paperbag na nasa kanyang gilid at saka tumayo mula sa kanyang pagkakaupo sa swivel chair. Hawak-hawak niya ang paperbag habang pasimple siyang lumabas sa kanilang departamento. Sumakay siya sa elevator at pinindot ang 20th floor, kung saan matatagpuan ang opisina ni Hades Valencia—the CEO of Valencia's Enterprises. Her husband. But no one knew that she was his wife because their marriage was a secret. Hades had kept it hidden to protect her from his enemies in the business world. Tanging ang matalik na kaibigan ni Hades at ang pinagkakatiwalaan nitong secretary ang nakakaalam sa tunay nilang relasyon. Kahit ang mga pamilya nila ay walang alam na mag-asawa sila. Nililihim din nila iyon sa mga ito. They thought that Hades and Cassandra were just friends. Iyon kasi ang pakilala ni Hades sa kanya nang minsang makita sila ng mga ito na magkasama. Hindi naman nagtatampo o nasasaktan si Cassandra kapag kaibigan lamang ang pagpapakilala ni Hades sa kanya dahil alam naman niyang mahal siya nito. Nararamdaman niya iyon kapag magkasama silang dalawa, kapag niyayakap siya nito, kapag hinahalikan, kapag may nangyayari sa kanilang dalawa, at kapag tinatawag siya nito sa espesyal na pangalan na iyon. Hades called her 'San', which came from her name, Cassandra. Ayaw siya nitong tawagin na 'Cass' dahil iyon na raw ang tawag sa kanya ng lahat. Gusto daw nitong espesyal ang itawag nito sa kanya. And every time he called her by that name, she felt like she was his sun, the sunshine of his world. Hindi niya napigilang mapangiti sa isiping iyon. Habang sakay si Cassandra ng elevator, bumaba ang kanyang tingin sa paperbag na hawak niya, na naglalaman ng lunch nilang dalawa ni Hades. Lagi siyang nagdadala ng lunch para sa kanilang dalawa dahil gusto niyang sabay silang kumain. Mayamaya ay umayos siya mula sa kanyang pagkakatayo nang huminto at bumukas ang pinto ng elevator sa palapag kung saan matatagpuan ang opisina ni Hades. Lumabas siya at nagpatuloy sa paghakbang. Tumuon ang kanyang tingin sa cubicle ng secretary nito at napansin niyang wala ito roon, mukhang nagla-lunch na din. Kaya dumiretso siya sa opisina ni Hades. Akmang kakatok na siya para ipaalam ang kanyang presensiya nang mapatigil siya nang mapansin niyang bukas ang pinto. Mukhang nakalimutan nitong isara. Akmang itutulak na niya ang pinto para tuluyang buksan iyon nang mapatigil siya nang may marinig siyang pamilyar na boses mula sa loob ng opisina ni Hades. Mukhang may bisita ito. "What if she finds out the truth?" Kumunot ang noo ni Cassandra sa kanyang narinig. Sumilip siya sa siwang ng pinto at nakita niya ang kanyang asawa na nakaupo sa swivel chair nito. Inilipat niya ang kanyang tingin sa lalaking kausap ni Hades na nakaupo sa visitor's chair. Agad niya itong nakilala. Kaya pala pamilyar ang boses na narinig niya. Ang kausap ng kanyang asawa ay walang iba kundi ang matalik nitong kaibigan na si Justin. "Malaman lang niya, Justin," malamig na sagot ni Hades sa kaibigan nito. "Hindi ka ba naaawa sa asawa mo, Hades?" Hindi napigilan ni Cassandra na mapakunot ang noo nang marinig ang sumunod na sinabi ni Justin. Siya ba ang pinag-uusapan ng mga ito? "Na ginagamit mo lang siya para pasakitan si Sandra? Na ex-girlfriend mo," dagdag pa nito, dahilan para manlaki ang kanyang mga mata. Sandra? Si Ate Sandra ba ang tinutukoy nito? Ang Ate niya? At ex-girlfriend ni Hades si Ate Sandra? "Na pinakasalan mo lang naman si Cassandra dahil gusto mong maghiganti kay Sandra na nag-iwan sa'yo? Na mas pinili niya ang career kaysa sa relasyon ninyong dalawa. Na pinakasalan mo siya para ipakita kay Sandra na hindi lang siya ang babae sa mundo? Na pinakasalan mo lang ang nakakabatang kapatid niya para ipakita kung ano ang sinayang niya?" Sandaling natahimik si Justin bago muling nagsalita. "And you use Cassandra, her sister, to get your revenge." Para yatang bomba na sumabog sa kanyang harapan ang mga sinabi ni Justin. Kinagat ni Cassandra ang kanyang ibabang labi nang makaramdam siya ng bahagyang kirot sa kanyang puso. Did... I hear him right? Pinakasalan lang ba siya ni Hades dahil gusto nitong pasakitan si Ate Sandra, ang babaeng iniwan siya dahil mas pinili nito ang career kaysa sa relasyon nito kay Hades? But I didn't know that Hades and Ate Sandra had a relationship before. Walang imik si Hades. Ngunit nang silipin niya ito, napansin niya ang lamig ng ekspresyon ng mukha nito habang nakatingin kay Justin. "Matanong kita, Hades. Sa isang taon na magkasama kayo ni Cassandra, minahal mo ba siya? Minahal mo ba ang asawa mo?" Kinagat ni Cassandra ang kanyang ibabang labi habang hinihintay ang sagot ni Hades. Umaasa siyang 'oo' ang isasagot nito kay Justin. Umaasa siyang sasabihin nitong mahal siya nito dahil iyon ang palaging ipinaparamdam nito sa kanya. Pero nang bumuka ang bibig ni Hades para sumagot, parang may libo-libong punyal na sabay-sabay na sumaksak sa kanyang puso dahil nakaramdam iyong ng sobrang sakit. "No. I didn't love her." Mabilis na tinakpan ni Cassandra ang kanyang bibig nang may hikbing kumawala mula roon. Bigla ring nanlabo ang kanyang paningin dahil sa nagbabantang mga luha. Mayamaya ay sunod-sunod nang pumatak ang mga iyon sa kanyang mga mata. Tears kept flowing down her cheeks. Mabilis siyang umalis mula sa kanyang kinatatayuan bago pa siya mapansin ng mga ito. Muntik na siyang mabuwal habang naglalakad dahil naramdaman niyang nanghihina at nanginginig ang kanyang mga binti. Mabuti na lamang at nakahawak siya sa pader para suportahan ang sarili, para hindi siya tuluyang matumba. Humigpit ang pagkakahawak niya sa hawakan ng paperbag na naglalaman ng lunch nilang dalawa ni Hades. Ang lunch na dinala niya para sa kanilang dalawa ay bigla na lamang naging walang saysay. Sumakay siyang muli sa elevator. At sa halip na bumalik sa kanyang cubicle, nagtungo siya sa rooftop ng building. Habang umaakyat ang elevator patungo sa rooftop ay naramdaman niyang lalong sumisikip ang kanyang dibdib. Kinailangan pa niyang haplusin iyon para kahit papaano ay mabawasan ang sakit na kanyang nararamdaman. And when the elevator doors opened, she stumbled as she stepped out. "No. I didn't love her." Muling umalingawngaw sa kanyang isipan ang sagot ni Hades kay Justin nang tanungin siya nito kung minahal ba siya nito. Hindi na nakayanan pa ni Cassandra ang kanyang emosyon ng sandaling iyon. She let herself cry her heart out. At dahil wala namang nakakarinig sa kanya dahil nasa rooftop siya, hinayaan niyang kumawala ang mga hikbi sa kanyang bibig na kanina pa niya pinipigilan. Gusto niyang ilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman niya para kay Hades. Dahil ngayon ay alam na niya ang totoo. Pinakasalan lamang siya nito para pasakitan si Ate Sandra. Nalaman niyang ang lalaking mahal na mahal niya, ang lalaking pinag-alayan niya ng kanyang buong buhay, ay pinakasalan lamang siya dahil iyon ang plano nito. She was nothing but a part of his revenge. Damn. But it hurts like hell.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mafia Heir Declan Madrigal

read
483.3K
bc

Secretly Living With My Boss | SPG

read
834.4K
bc

The Heartless Don's Angel

read
78.9K
bc

Red Lady Is Now Live! (SPG)

read
13.7K
bc

I Married The Arrogant CEO

read
32.1K
bc

In Bed With Kuya Red

read
50.6K
bc

Owned by an Arrogant Billionaire- Montenegro Obsession 1

read
58.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook