First Flight

4222 Words
Sa isang tanyag na coffee shop sa mall tumambay si Abbey at mga barkada niyang babae. Ilang minuto lumipas at dumating si Raphael na agad sinermonan ng kanyang partner. “Sorry, madami pinagawa sina mommy at daddy e” palusot ng binata at agad naupo sa tabi ni Abbey. Pinakita ng dalaga yung kanyang Android tablet at agad nagdaldal. “Look here, ito nalang yung mga hindi pa natin nakakalaban o. Ano may notes ka ba sa kanila?” tanong ng dalaga at nagtawanan ang ibang mga dalaga. “Grabe naman kayo, lahat ba ng juniors nandyan?” tanong ni Felicia. “As if di mo naman nakikita yung dalawang yang nag iiscout no” sabi n Cessa at lalo sila natawa. “Excuse me we want to win kasi kaya dapat handa kami” sabi ni Abbey. “Pero grabe naman na kayo, masyado na kayong hardcore” sabi ni Yvonne. “Baka naman pati kami nandyan kasi remember di pa tayo naghaharap at may chance maghaharap tayo” sabi ni Felicia at ngumisi si Abbey at pinakita ang mga litrato nila sa tablet. “November na, magrelax naman na tayo konti” sabi ni Raffy. “Relax? E di pa nga natin naperfect yung mga moves natin e” sabi ni Abbey at naghalakhakan talaga ang mga ibang dalaga. “My God! Grabe na talaga kayo ha. May moves pa kayong nalalaman?” banat ni Cessa. “Of course, gusto ko efficient kami at walang sinasayang na oras. Gusto ko pagharap alam na namin agad ang aming plan of attack kahit sino kaharap namin. So dapat we know sino pa yung mga natira at paghandaan” paliwanag ni Abbey. “Hay naku sa tingin niyo ba we are showing you everything we have? Syempre nagpipigil din kami no. May mga alas din kami” landi ni Felicia. “Anong alas?” tanong ni Abbey sabay pacute. “Not telling” sabat ng kaibigan niya at natawa si Raffy. “See I told you lahat tayo may mga alas na tinatago. So magrelax tayo at we can perfect our moves din” sabi ni Raffy. “Tsk basta magpractice tayo mamaya. Last duel natin lalampa lampa ka” sumbat ni Abbey. “Pero nanalo naman tayo ah” sabi ng binata. “Oo nga pero gusto ko perfect. Flawless execution dapat” sabi ni Abbey at napakamot si Raffy. “I watched the tapes of your tae kwon do matches…ang galing galing mo. You were so calm and very cool. When you executed ang bilis, ang linis at ang galing…” bulong ng dalaga. “Wow, you watched my tapes?” tanong ni Raffy at nagkatitigan yung dalawa. “Yeah, pinakuha ko sa daddy ko through your dad. Wala lang, gusto ko ganon tayo” bulong ni Abbey at biglang nagtilian ang kanyang mga barkada. “Gusto niyo iwanan namin kayo dito? Uy” landi ni Yvonne at natawa si Abbey at tumingin sa malayo. “Mga sira I was just saying na sana ganon kami kagaling. Sana kasi mapanood niyo mga tape niya” sabi niya. “Uninspired pa nga ako sa mga laban na yon e. Ano pa kaya ngayon na insprired na ako” bulong ni Raffy at lalong nagtilian ang mga girls habang si Abbey kunwari nagbibingibingian. “May sinasabi ka ba?” tanong niya. “Wala, sabi ko magpractice tayo mamaya. Practice makes…” sagot ni Raffy. “Perfect” tinuloy ni Abbey. “No…practice makes me happy” banat ng binata at halakhakan nanaman ang mga girls. After lunch sa school grounds nag inat sina Abbey at Raffy. Sa loob ng opisina ni Hilda lahat ng guro nasa may bintana at pinapanood yung dalawa. “Every Sunday nandito sila practicing their moves. They even stay late after classes” bulong ng matanda. “Practice ng practice e natawa ang lahat nung nagkaumpugan sila sa last duel nila” banat ni Ernie at bigla siya binatukan ni Peter. “Ang nakakapagtaka lang is they don’t practice using magic. Raphael taught her some tae kwon do moves then usually mga formations. Akala mo tuloy kung cheerleader si Abbey at catcher niya si Raphael” sabi ni Prudencio at nagtawanan sila. “Gusto ko sana sila pagsabihan na pagdating sa totoong laban e wala nang kwenta ang mga preparation na ganyan. Pero they are still kids at ayaw ko din naman sila mapasok sa tunay na laban. For the sake of duels then hayaan na natin sila. At tignan niyo ha, sino ba ang lumalaban ng ganyan sa totoo? Baka mabulaga nila mga kalaban nila sa totoong laban” sabi ni Peter. “At least they are showing effort di tulad nung dalawang kilala ko na parehong mayabang at bilib sa sarili” banat ni Hilda at nagtawanan ang iba habang si Peter napasimangot. “E ano magagawa namin kung mga weakling mga kalaban noon” bawi niya sabay ngisi. “Pinagbigyan lang namin kayo” sabi ni Ernie. “Pero ako yung mayabang, si Felipe lagi ako kinukulit na magensayo kami. Kung nakinig lang ako sana e di hindi sana nagkaganito ang lahat” bulong ni Peter. “Past is past, parte na ng history yon. At di tayo makakarating dito pag hindi nangyari yon. Kung di nangyari yon wala sila siguro dito, things would have been different. So stop regretting the past Pedro, and watch the future before our eyes” sabi ni Hilda at lahat sila pinagmasdan yung dalawang estudyante sa grounds. Lunes ng umaga nagkumpulan ang madaming estudyante sa high school grounds. Sina Raffy at Abbey nakatitig sa screen at inaantay ang mga pangalan ng kanilang makakalaban. “Dexter and Harold” bulong ng dalaga. “Wow, two golden boys. Both long range attackers” sabi ni Raffy. “Tsk no choice tayo but to try” sabi ng dalaga at nagkatitigan yung dalawa. “Are you sure?” tanong ng binata. “Yeah, malakas sila. Mabangis so for sure they know we will try to go close and they wont let us. I know we can do it” sabi ng dalaga at nagngitian yung dalawa. Nagtungo na sila sa gitna para sa formal bowing. Umingay ng todo sa campus pagkat excited ang lahat dahil sigurado hindi madaling duelo ito. Naglayo sina Dexter at Harold, “Mautak…para malihis din atensyon natin” bulong ni Abbey. Nagfinal formal bow ang lahat at agad nagliyab ang mga kamay nina Dexter at Harold na sabay tumira. Nanatiling nakatayo sina Abbey at Raffy at hindi gumagalaw. Nagsisigawan na ang mga estudyante pagkat malapit na sila matamaan. Agad humarap si Raphael at sa kanya tumama yung dalawang tira. “Yup malakas sila” bulong niya kaya sabay sila ni Abbey nag one step backward. “What are they doing?” tanong ni Peter na ninenerbyos. “Hush, manood ka lang kasi. Masyado kang affected” banat ni Hilda. Muling tumira sina Harold at Dexter pero bago tumama ang kapangyarihan nila may dingding na apoy ang biglang lumitaw sa harapan ni Raffy at hinigop ang mga tira. Nainis sina Dexter at Harold, nagpaulan talaga sila pero wala din silbi pagkat nilalamon lang ng apoy ang kanilang mga tira. “Are they mad already?” tanong ni Abbey. “Yeah for sure” sagot ni Raffy at nagtawanan pa yung dalawa. Nag ipon ng mas malakas na tira sina Dexter at Harold, tulala ang lahat ng manonood pagkat dalawang giant power balls ang hinulma nila. Pagkahagis nila agad sumigaw si Abbey. “Game!” hiyaw niya at sabay sila sumugod ni Raffy. Ang bilis ng takbo nung dalawa, nadaanan panila yung mga tira ng kanilang kalaban kaya nagsigawan sa tuwa ang crowd. Sina Dexter at Harold nabigla sa pangyayari, mga atake nila nahagis nila papunta sa firewall, di nila inaasahan na susugod pala yung dalawa. Nagtry ulit sila humulma ng lakas pero too late na, si Raffy nasa harapan na ni Dexter, si Abbey naman sa harapan ni Harold. Sabay ang mag partner naghulma ng flaming fist at sinuntok nila sa tiyan ng kanilang mga kalaban. Nakita ng lahat napayuko sina Dexter at Harold, mga right foot nung mag partner nagliyab at sabay sila nag execute ng turning side kick. Malakas ang pwersa ng nag aapoy na sipa ng mag partner, sina Dexter at Harold tumapis ng malayo kaya todo palakpakan at hiyawan ang lahat ng nanonood. “Stay down if you don’t want to get hurt anymore” banta ni Abbey at magkatabi sila ni Raffy na parehong nagbabaga ng apoy ang dalawang mga kamao. Nagkatinginan sina Dexter at Harold, pareho nila hinihimas tiyan nila. Sabay sila tumayo at tumawa, biglang nabalot ng apoy sina Abbey at Raffy. Nagbaga ng malakas ang apoy at bigla ito nawala. Hiyawan ang crowd pagkat sumulpot yung dalawa sa likuran nina Harold at Dexter. “Sabi kasi wag na babangon e!” sigaw ni Abbey at humawak sila sa likod ng leeg ng mga kalaban. “Bakit kasi dito tayo sa likod sumulpot? We cant hit them at the back, traydor na tira yon at big no no sa laban” sermon ni Raffy. “Ha? Bakit di mo sinabi kasi noon pa?” sagot ng dalaga. Nakawala tuloy sina Dexter at Harold at nakatakbo sa malayo. “Sa laban don’t hit your opponent from the back. Siguro pag away kanto pwede pero di parin maganda yon” sabi ni Raffy. “Okay sorry naman, hay sayang. Tara na no time to waste” sabi ng dalaga at sumugod. Nakapwesto sa malayo sina Harold at Dexter, tig isa na sila ng focus, sabay sila nagpasabog. Sina Abbey at Raffy nag spread out para umiwas sa mga tira. Ang kanilang kalaban basta nalang nagpaulan ng tira kaya tanging nagawa nila tumakbo palayo para umiwas. Non stop sina Harold at Dexter sa pagtira, “Abbey lets meet sa center” sigaw ni Raffy. “Langit?!” sagot ng dalaga. “Sige sige, simulan mo na” sagot ng binata at yung takbo nila papunta sa gitna. Nabasa nina Harold at Dexter at pupuntahan nung dalawa kaya tumira sila ng sabay papunta sa gitna kung saan patungo yung magpartner. Sumakto yung pagsalubong nina Raffy at Abbey sa gitna at yung pagtama sa kanila nung mga tira ng kanilang kalaban. Nagslow motion nanaman ang mundo, sina Dexter at Harold magsasaya na sana at bobomba sa ere. Ang crowd gulat na gulat at magsisigawan pero sa gitna muling lumitaw yung fire wall ng magpartner. Nakita ng lahat sa likod ng fire wall lumipad sa ere yung magpartner, si Raffy nasa harapan, mga kamay spread out, katawan niya parang ibong lumilipad. Si Abbey nakasabit sa likod niya, dalawang siko ng dalaga nakapatong sa mga balikat ng binata at mga kamay niya nagbabaga at nakatutok sa dalawa nilang kalaban. Di pangkaraniwang talon ang nagawa nila, lahat napatingala pati na sina Harold at Dexter. Mga paa ni Raffy parang may boosters dahil sa mahinang apoy na lumalabas sa sole ng kanyang shoes. Fifteen feet ang inabot nila, dahan dahan humawak ang binata sa mga braso ng dalaga. Lahat namangha sa sandaling yon sa itsura ng dalawa sa ere. “Dragon flight” bulong ni Raffy. “Dragon flame!!!” hiyaw ni Abbey at agad tinira ng apoy ang dalawang tulala nilang kalaban. Natamaan ng apoy sina Harold at Dexter kaya nagsisigaw sila sa sakit at init habang nagpapagulong sa lupa. Paglanding nung magpartner sa lupa todo posing si Raffy na nakahawak sa baywang niya habang si Abbey super pacute, one elbow sa balikat ng binata at nakapatong pretty face niya sa kanyang hand. Tawanan at palakpakan ang lahat na sumugod sa kanila. Yung mag partner super laugh trip pagkat tuloy ang posing nila kahit na napapalibutan sila ng mga kapwa estudyante. Lahat ng guro tulala parin, “Naiiyak ako” bulong ni Prudencio. “Ako din, that was a wonderful sight” sabi ni Hilda. “Hihingi ako ng kopya ng surveillance video kay Eric” bulong ni Erwin at bigla siya binatukan ni Peter. “Loko nasusunog na yung dalawa” sabi niya at lahat sila natauhan at pinuntahan sina Dexter at Harold na hirap parin patayin ang mga apoy sa katawan nila. Tumunog yung bell para sa first class kaya tanging naiwan sa center grounds yung dalawang bida kasama ang barkada ni Abbey at isang binata na nakatitig sa exposed right thigh ng dalaga. “Aba loko ka ha” sabi ni Raffy at nilapit isang daliri sa mga mata ng binata habang yung iba nagtakip na ng mga mata. “Illumina” bulong ni Raffy at sumigaw ang binatang m******s pagkat nabulag ito pansamantala. Tawanan sina Yvonne at Felicia at biglang tinukso si Abbey. “Protective pa” landi ni Cessa at bumaba si Abbey at inayos ang sarili. “See practice does help” pasikat niya sabay binangga si Raffy at nagngitian sila. “Oo na oo na, you two were awesome sobra” sabi ni Cessa at naglakad na sila patungo sa kanilang classroom. “Kumusta hands mo?” tanong ni Raffy at pinakita ng dalaga ang kanyang namumulang right hand. “Its okay, di lang ako sanay sumuntok siguro” sagot niya at biglang hinimas ng binata ang kamay kaya nagbungisngisan yung ibang girls at natili. “Look Abbey” sabi ni Raffy at pinakita ang butas na sole ng mga shoes niya. “Diba I taught you na how to channel magic” lambing ng dalaga sabay isang pitik ng kamay bago na ang mga sapatos ni Raffy. “Yeah pero…diba little flames lang kaya ko, yun lang nagpractice ko. Ibang flames naman kasi yung pinahiram mo at nachannel sa akin e” bulong ng binata. “Diba we practice more about that, okay?” pacute ng dalaga at muli niya binangga yung binata at all smiles sila. Pagsapit ng recess nagkumpulan ang maraming propesor sa maliit na opisina ni Eric. Si Ernie nahuli kaya sinubukan sumiksik, “Excuse me, excuse me kasama ko si madam Hilda padaanin niyo kami” sigaw niya. Walang gumalaw kaya lalo niya nilakasan ang boses niya. “Bakit mo ba ginagamit pangalan ko damuho ka e nandito ako sa pinakaharap” sigaw ni Hilda at napahiya si Ernie. “Si madam pasimuno dito” banat ni Erwin na nakasiksik din sa harapan. “See madam I told you to give me a bigger office e” sabi ni Eric. “Ah shut up ka na diyan at iplay mo ulit yung video” sabi ni Peter at nagtawanan ang lahat. “Grabe kayo ilang beses ko na nireplay ito ha” reklamo ni Eric at muling pinalabas ang video ng duel nina Abbey at Raffy. Kahit ilang beses na nila napanood ay manghang mangha parin ang lahat. “Matalino talaga yang dalawa. Decoy yung flame, they knew Harold and Dexter would get mad at really give it their all to hit the flame” bulong ni Hilda. “Tama, then they attacked by surprise, nabitawan na nung kalaban nila yung tira nila. Hirap sila makahulma ng next attack or defense after forming huge power shots” dagdag ni Prudencio. “Look how they moved. In unison, every step, pati yung pagsabay na pagbaga ng kamay nila. Look even when they landed the punch sabay. Tapos yung pagbaga ng paa at turning side kick” bigkas ni Erwin. “Ang tanong ko lang ay how did Raffy produce the same flames as Abbey?” tanong ni Peter pero tahimik lang ang lahat at inaabangan yung dragon flight. Tahimik ang lahat lalo na nung lumipad na sa ere yung dalawa. Pina pause ni Hilda yung video at lahat napangiti. “Dragon flight” bulong niya. “Bakit kayo ni Felipe di nakaisip ng ganyan” dagdag niya. “As if naman papayag ako na sasabit ako sa likod niya” sumbat ni Peter at nagtawanan ang lahat. “Look at them, the flames on Raffy’s feet boosting them higher in the air. Tignan niyo si Abbey barely hanging sa likod ni Raffy pero hindi siya takot malaglag, instead naka focus siya sa kanilang mga kalaban” bulong ni Prudencio. “Look at Raffy’s formation, body spread wide to protect Abbey, look at his hands holding her arms for support. Just in case titira kalaban sasaluhin niya with his body pero makakatira parin si Abbey ng kill shot” sabi ni Ernie at nanatiling tulala sa mangha ang mga guro. “Excuse me, I have an idea…let me filter out the video konti” sabi ni Eric at ilang segundo lumipas at lalo namangha ang lahat. Nagawa ni Eric palabasin yung magic aura nung dalawa sa video gamit ang mga filters. “Oh my God” bigkas ni Hilda habang tinititigan niya yung magic aura na nasa hulma ng mabangis na dragon with wings spread wide at lumilipad sa ere. “Kaya naman pala sila yung napili” sabi ni Prudencio sabay tinitigan si Peter at nginitian. “Oo nga sila yung napili” hirit ni Erwin sabay dinilatan si Peter. “Alam niyo wala ako balak magkaanak dati e” sumbat naman niya at nagtawanan ang lahat pagkat binatukan siya ng malakas ni Hilda. “Wag kang bitter porke mas magaling sila sa inyo ni Felipe” sermon ng matanda. Sumapit ang dismissal, si Diego naglalakad nang pauwi nang bigla siya harangin ni Froilan. “Ikaw ba si Deo?” tanong ng binata. “Oo ako nga, bakit?” tanong ng espiya. “Tara pinapatawag ka ni sir Gus” sabi ni Froilan at dinala niya yung binata sa isang liblib na eskenita. “Dito ba yung portal?” tanong ni Diego at agad siya sinakal ni Froilan gamit ang kanang kamay habang naglabas ito ng light blade sa kaliwa. “Pinapaligpit ka niya, no hard feelings at thank you daw sa walang kwentang tulong mo” bulong ni Froilan at sasaksakin na sana si Diego nang iharang ng binata ang kanyang bag. “Walang kwenta? Nagpapakahirap ako magespiya sa loob, eto may bago nga akong kuha na videos e, sige isaksak mo para masira sila” banta niya. “E aanhin pa niya yang videos kung patay naman na si Raffy? Nagpapalusot ka pa hayop ka” tanong ni Froilan at biglang natawa si Diego. “Ows talaga? At sino naman pumatay sa kanya? Ikaw ba?” landi ng binata. “Tarantado ka! Oo ako pumatay sa kanya!” sigaw ni Froilan at lalong natawa si Diego. “E ano ako kaluluwa nalang pala at nakita ko ulit siya? Dude kuha ako ng kuha ng videos kahit na di na nagpapakita sa akin si sir Gus. Ilang buwan din na videos ito lahat duels ni Raffy” sabi niya. “Sinungaling! Kita ko mismo pagkamatay niya, imposible din mabuhay siya sa kapangyarihan ko” sabi ni Froilan. “Dude ikaw yung sinungaling, sige saksakin mo ako para mawalan na kayo ng espiya sa loob. Pagkatapos mo ako patayin make sure sir Gus watches the videos. Tignan natin kung sino pag iinitan niya mamaya” sabi ni Diego sabay binagsak ang bag niya sa lupa. Nagdawalang isip si Froilan at tinignan yung bag. “Pag pinagloloko mo lang ako babalikan kita, papatayin kita, nanay mo, tatay mo at lahat ng inyong mga kamag anak” banta niya. “Wala ako laban sa iyo, ramdam ko malakas ka. Panoorin mo kaya yang bagong kuha ko bago ka umalis” sabi ni Diego at bumitaw si Froilan at binuksan ang bag. Nilabas niya yung maliit na video recorder at pinanood ang video. Ilang saglit lang sumigaw siya sa galit at muntik nang wasakin ang video recorder. Inayos ni Diego sarili niya at tinitigan si Froilan. “Take me to him” sabi niya at hinawakan siya ni Froilan at agad sila nawala. Sa loob ng opisina ni Gus sila sumulpot, nagulat ang matanda nang makitang buhay pa si Diego. “Bago ka magalit panoorin mo muna tong video” sabi ni Froilan. Pinanood ni Gustavo ang video at agad uminit bigla sa loob ng opisina. Unti unti nasusunog ang mga papeles at nahihirapan huminga sina Froilan at Diego. “Akala ko ba sinapol mo siya?” bulong ng matanda. “Oo ilang beses hindi ko maintindihan pano siya nabuhay pa” sagot ni Froilan na takot na takot na. Hinagis ni Gustavo ang video recorder sa dingding, nang mawasak ito mabilis niyang sinakal si Froilan gamit kaliwanag kamay at inumpog sa ang ulo sa dingding. “Im sorry! I did the spell right! I can even show you, diba pinapapatay mo siya, let me show you. Siya papatayin ko right now” sabi ng binata. “It means mahina ka. Nakakahiya ka, Phoenix flame na mahina? I take back your membership sa order. Hiyang hiya ako na nirekomenda kita. Wala na ako mukha ihaharap sa kanila! Do you know what you have done? You put the order of Karura to shame! Weakling ka! Walang Phoenix user na ganyang kahina! Ikaw lang!” sigaw ni Gustavo at paulit ulit inumpog ang ulo ng binata. Sa galit tinapon ni Gustavo sa malayo si Froilan at bumalik sa kanyang upuan at nag isip. “Sabihin natin malakas ka nga…ibig mo sabihin nakayanan niya ang Phoenix flame?” tanong niya sa sarili at unti unting napangiti. “Sabi ko na nga ba pinagkaisahan nila ako noon! Magkasabwat yung tatlong schools! Di ako makapaniwala naniwala ako agad” bulong niya. Huminga siya ng malalim at tinignan si Diego. “Now I want Raphael again but this time I really want him so bad!” sigaw niya. “You tried to kill me…pinadala mo siya para patayin ako” sabi ni Diego. “So what do you want? I still need you afterall. Tell me what you want” sabi ni Gustavo at naglakad na parang siga si Diego at nilapitan si Froilan. “Sinaktan niya ako kanina, gusto ko makabawi pero dapat wag siya lalaban” sabi ng binata at tumawa ng malakas si Gustavo at biglang napatayo. “Ano sabi mo?” tanong niya. “Gusto ko siya gulpihin pero dapat sabihin mo wag siya lalaban” ulit ng binata at muling natawa yung matanda. “At kung ano man gusto ko dapat ibigay mo, anytime, anywhere, basta nag ask ako give it” sabi ni Diego at napangiti si Gustavo at hinaplos ang ulo ng binata. “Gusto ko yang ugali mo, I am starting to like you really. Okay agreed basta you keep working for me” sabi ng matanda at napasimangot si Froilan. “Ano kailangan mo?” tanong ni Diego. “Wala pa naman, mahirap na gumalaw sa ngayon kasi sigurado ako binabantayan si Raphael. Hayaan muna natin sina Henry harapin sila sa finals ng year level. All we have to plan now is how to take his body out. Raphael will be dead, so I need you to work for the clinic. Para may access ka doon then I will teach you high level teleportation para maitakas natin yung katawan ni Raphael” sabi ng matanda. “Akala ko ba gusto mo siya makuha, aanhin mo siya pag patay na?” tanong ni Diego. “Wag ka nang matanong diyan. Froilan mauna ka sa grounds” sabi ni Gustavo. “Ano ba tong lugar na to? Anong grounds?” tanong ni Diego. “This is a school iho, enough questions for now. Gugulpihin mo siya sa grounds where everyone can see. Wag ka magpipigil Diego, parusahan mo tong weakling kong estudyante” bigkas ng matanda sabay tumawa ng malakas. “Please wag, bigyan mo ako isa pang tsansa” makaawa ni Froilan. “Oh sure I will give you another chance. Pero tandaan mo isang rule natin dito! There is no room for mistakes! There is no room for weaklings! Para matuto ka maigi at para sa susunod hindi ka na magkamali. Dalian mo bumangon ka na diyan at magtungo sa grounds!” sigaw ni Gustavo. Lumabas ng opisina si Froilan, “Pano kung tatakas siya?” tanong ni Diego at nagbaga bigla ang mga kamay ni Gustavo. “Oh hindi niya kaya tumakas, halika bibigyan kita ng konting power up para lalo siya masaktan” sabi ng matanda. “Palakasin mo ako at ako papatay kay Raffy” sabi ni Diego at natawa yung matanda. “No iho, I need you to be weak para di halata. Come on go punish him for what he did to you. Wag ka magpigil iho, kill him if you can. If you hold back papatayin kita tandaan mo yan” bulong ni Gustavo at biglang natakot si Diego at napalunok. Paglabas nila ng opisina nagulat yung binata pagkat hindi tumakas si Froilan. “Nandon talaga siya” bulong niya. “Of course, he knows well that he cannot escape me. If we succeed sa plan natin, I might let you transfer here. I can make you really very strong. Sigurado ako may mga nagbubully sa iyo diba?” landi ng matanda at tinignan siya ni Diego. “Katulad ni Raffy?” tanong niya at napangiti si Gustavo. “Yes or even stronger” sagot niya sabay ngisi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD